top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 29, 2021




Kahapon (July 28) ang 80th birthday ng original Movie Queen ng pelikulang Pilipino na si Susan Roces.


Walang naganap na engrandeng selebrasyon dahil sa istriktong pagsunod sa COVID-19 protocols, gaya ng social distancing at bawal ang mass gathering.


Kaya, nanatili lamang si Manang Inday (Susan) sa kanyang bahay sa San Juan City dahil sa mahigpit nilang pag-iingat sa mapanganib na Coronavirus.


Kasama pa rin sa cast ng FPJ's Ang Probinsyano si Susan at dahil sa pandemya, kinukunan sa bahay niya ang kanyang mga eksena sa Ang Probinsyano.


Kahit fully vaccinated na ang veteran actress, hindi siya inire-require na pumunta sa set para matiyak ang kanyang kaligtasan mula sa banta ng COVID-19 at ng mas matinding Delta variant na kumakalat ngayon.


Sa kanyang kaarawan, hinding-hindi mapapalampas ng Primetime King na si Coco Martin at ng cast at crew ng Ang Probinsyano na alalahanin ang araw ni Susan at sila'y gumawa ng video bilang pagbati nila para sa 80th birthday ng Reyna ng Pelikulang Pilipino.


Narito ang kanilang mga mensahe:


Coco Martin: "La, happy 80th birthday po. Maraming-maraming salamat sa 'yong pagmamahal at laging pagsuporta po sa akin.


"Hangad ko sa 'yong kaarawan ang iyong kaligtasan, kaligayahan, at lalong malakas na pangangatawan. I love you at miss na miss ka na po naming lahat, lalung-lalo na sa FPJ’s Ang Probinsyano. Sana, mag-enjoy ka. I love you!”


Lorna Tolentino: “Ang aking hiling para sa 'yong kaarawan, Tita Susan, ay ang patuloy na maging masaya, malusog, at matagumpay ka.”


Rowell Santiago: “Tito Ronnie and Papa have been the best of friends pagkatapos ngayon, we’re co-workers doing an FPJ series. Parang itinuluy-tuloy pa rin natin ‘yun. In behalf of our family, the Santiago family, we’d like to thank you for all the support. Mahal na mahal ka namin.”


Tirso Cruz III: “May you have many, many more birthdays to come and it’s really a joy and pleasure to have known you and pagmamahal na ibinibigay mo at paggabay sa amin.”


Angel Aquino: “Miss na miss na kita, kahit ilang buwan lang tayong nagkasama. I really appreciate that you trusted me with your stories. Thank you so much, I learned so much from you.”

 
 

PAG-AARALIN NI JOHN PRATS.


ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 24, 2021



Bumuhos ang biyaya sa itinanghal na "Reinanay of the Day" na si Manilyn Malupa sa nakaraang episode ng noontime program na It’s Showtime nitong Miyerkules (Hulyo 22).


Sa panayam kay Manilyn ng mga hosts na sina Vice Ganda at Kim Chiu, ikinuwento niya ang mga hirap sa buhay na kanyang pinagdaraanan.


Siya ang panganay sa labingdalawang magkakapatid subali't dahil sa kakapusan din sa pangangailangan ng kani-kanilang pamilya, nahihiya raw siyang idulog pa sa mga kapatid ang kanyang hirap dahil sila man daw ay kinakapos.


Tanging ang kapitbahay daw niyang si Ate Baby ang kanyang daingan sa bawat problema at nagpapasalamat siya dahil walang sawa at patuloy pa rin siyang tinutulungan nito.


“Siya po si Ate Baby. Siya po ‘yung kapitbahay namin na nagpapahiram sa akin ng cellphone para po makasali ako rito sa Showtime. Nu’ng nag-audition po ako, cellphone po niya ‘yung ginamit. Saka, ‘pag kailangan ng online class, siya rin po ‘yung takbuhan ko ‘pag kailangan po mag-online class ng mga anak ko. Nanghihiram po ako sa kanya ng cellphone,” kuwento ni Manilyn.


Alam daw niya ang kapasidad sa buhay ng kanyang mga kapatid kaya't hangga't maaari, ayaw niyang lumapit at humingi ng tulong sa mga ito.


“Alam mo, Ate Baby, ako ‘yung panganay sa 'min. Dose kaming magkakapatid. Saka pangarap po talaga natin na masarap na may kapatid tayong matatakbuhan. Tatay, nanay na matatakbuhan.


“Pero, paano ako tatakbo kung nakikita ko naman na hirap din ho sila sa buhay? Kaya hangga’t kaya ko pa, ako na lang po. Saka 'andiyan naman po si God, nagpo-provide at tutulong sa akin.”


Tuloy, sa awa ni Vice, nanawagan ito sa ilang mababait na netizens na bigyan ng kahit konting donasyon si Manilyn sa kanyang Gcash account. Bukod pa rito ang ambag niyang cosmetics products na puwedeng ibenta ng Reinanay na si Manilyn.


“Hindi ko kayang mapalampas ‘to. Kanina ko pa iniisip. Paano ko kaya mabibigyan ng tulong itong si Manilyn? Bibigyan kita ng mga produkto ng Vice Cosmetics. Ibenta mo para hindi saktong pera ‘yung ibinigay ko sa 'yo. Para masabi mong ‘Hindi naman ako saktong binigyan ng pera ni Vice, eh. Ako mismo ‘yung nagtrabaho nito kaya kinita ko.’ Bibigyan din kita ng konting pangkain,” sey ni Vice.


Hindi pa natatapos ru'n ang mga biyaya para kay Manilyn dahil mula sa It’s Showtime director na si John Prats ang pangakong siya ang sasagot sa pagpapaaral sa tatlong anak ni Manilyn.


O, 'di ba, talbog ni John si Vice?


Pasimpleng sabi ni Vice, “Sabi ni Direk John Prats, ie-enroll niya raw 'yung tatlong anak mo sa online school. Siya raw ang bahala!"

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 23, 2021



Si Piolo Pascual ang bida at isa sa mga prodyuser ng pelikulang My Amanda na ang kuwento'y tungkol sa pag-iibigan ng magkaibigan. Si Alessandra de Rossi naman ang bidang babae at siya rin ang nagdirek ng film.


Sa isang panayam kay Piolo, naitanong kung ano ang kanyang natutunan sa pakikipagrelasyon pagkatapos nitong mapanood ang My Amanda.


“Don’t fall too soon. Make sure you know the person first. I know it’s so easy for us to fall in love but the thing is, nowadays it’s just everywhere. You know, it’s so easy to be with somebody. You got to treasure that. You got to make sure that you’re making the right decision. It’s not always right, but enjoy it, savor it. And don’t rush into anything.”


Bilang lead actor at isa sa mga producers of the film, sinabi ni Piolo kung paano makipag-collaborate para sa global streaming platform gaya ng Netflix.


“There were certain requirements, especially being tapped to have a global launch, it was a big deal for us. Because we really wanted to show it in the Philippines, but to have a streaming platform such as Netflix, that has so much presence globally.


"And then when they said they were going to do a global launch, that’s why when they gave us a deadline, we made sure that we put in all our efforts to make this beautiful film and I don’t want to brag about it but it was good for Alessandra to take her time, not to be bothered by the deadline.


"Because she really had so much time to discover more, edit it better, and just come up with something beautifully done in the way that will make you just sit down and watch it. So, that was a good discipline for us. Thanks to Netflix we were able to adjust and learn as well and grow as producers,” paliwanag ng actor-producer.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page