- BULGAR
- Mar 17, 2022
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 17, 2022

Pagkatapos ipagtapat ng dating aktor na si Rey "PJ" Abellana sa isang panayam kay 'Nay Cristy Fermin sa kanyang programa nitong nakaraang linggo na wala umanong third party sa hiwalayan ng anak na si Carla Abellana at ng asawa nitong si Tom Rodriguez at one-night stand lamang ang naging pagkakamali ng manugang, kaagad ding binawi ni Rey “PJ” ang kanyang naunang pahayag.
Sa 24-Oras news program, nilinaw ni Rey PJ na nagbigay siya ng payo kina Tom at Carla.
Pahayag ng aktor, ipinaliwanag niya sa mag-asawa ang kahalagahan ng komunikasyon upang maayos ang problema.
“Importante na may communication silang dalawa, i-work-out na nila 'yan. So much the better ma-normalize na uli sila. Maipagpatuloy na nila ang buhay-mag-asawa nila."
Mismong si Tom naman umano ang lumapit kay PJ upang ipaliwanag ang kanilang problema ni Carla at aniya'y umiiyak si Tom habang ipinapaliwanag nito sa kanya ang nangyari. Gusto na umano ni Tom na muling makasama ang kanyang asawa.
“When he came over to talk to me and explain his side, he would cry along with his explanations and everything and he keeps on saying na he wants his wife back. He wants Carla back. He loves Carla very much that's why they settled down,” sey ng ama ni Carla.
Nakarating umano kay Carla ang naging pahayag ni Rey PJ na nakipag-one-night stand ang asawa, ngunit nauna na umanong sinabi ni Tom na wala itong katotohanan.
“At first, nalaman ni Carla na may issue na one-night stand na involved si Tom. Si Tom naman already able to explain kay Carla na wala naman din pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari 'yun.
“Wala pong natuloy na one-night stand according to Tom's side naman. 'Yun po ang scenario sa issue roon sa one-night stand,” paglilinaw pa ni Rey PJ.






