top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 27, 2022


BLIND ITEM:


CHIKA sa amin ng isang respetadong kolumnista, hiwalay na raw ang hunk aktor sa mayamang pulitiko after ng resulta sa nakaraang halalan nitong May 9. Natalo raw kasi ang madatung na pulitiko na sumusuporta sa aktor financially.


Tsika sa amin, buwan din ang inabot ng relasyon ng aktor sa pulitiko dahil sustentado ng huli ang hunk actor sa lahat ng bagay, salapi at maging pakotse?


Kung nanalo si pulitiko sa isang mataas na posisyon nitong nakaraang halalan, tiyak na sila pa rin sana ang magdyowa at tiyak na tuloy din ang kanilang 'secret affair'?.


Malakas daw kasi ang kita ng pulitiko na kasapi sa administrasyon dahil kayang-kaya nitong magpaluwal ng 6 figures kapalit ng isang gabing loving-loving sa pinagpapantasyahang aktor.


Tsika sa amin ng aming source, "Eh, kaso, Luz Valdez, Lotlot de Leon (lost) sa eleksiyon at milyones ang ginastos sa political campaign, kaya naubos ang kadatungan. 'Yun, nag-a-isolate ngayon, pati love life, inetsapuwera."


Ang nasabing politician ay may pagkakataon pa namang mag-try sa next election.


Clue pa niya sa amin, "He's not in a hurry pa naman dahil wala pa siyang 50. Pero si aktor, malaking kawalan dahil wala pa siyang offer sa ngayon."


Clue: Hiwalay ang aktor sa kinakasamang aktres. May bagong dyowa ang aktor na sumisikat ngayon bilang sexy star.


Zinetz Miralles?

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 25, 2022



Nasa ibang bansa ngayon ang showbiz couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para ipagdiwang ang kanilang 10th anniversary sa darating na May 25.


Pagkatapos ng laro ni DJ sa Araneta Coliseum last Sunday (May 22), lumipad na palabas ng bansa ang aktor para sundan ang kasintahan. Sabi pa ni DJ, ang nasabing biyahe ay para sa kanilang bakasyon at sabay na rin sa selebrasyon ng kanilang anniversary.


Sa panayam kay Daniel after Star Magic 30th All-Star Games kung saa'y naitanong kung nasaan ang kanyang GF na si Kath at kung bakit 'di niya ito kasama sa Araneta Coliseum, paliwanag niya, “Si Kathryn, nandu'n somewhere ngayon… Secret lang, pero tomorrow, susunod ako. Kailangan ko lang siyempreng magrepresenta. Anniversary namin. Magte-10th year anniversary na kami sa May 25 kaya du'n kami pupunta,” sey ni DJ.


Bagama't tikom ang bibig ng binata kung saan ang destinasyon nila ni Kathryn, makikita sa latest Instagram post ng actress kung saan kasama ang kanyang travel buddy na si Alora Sasam na sila'y nasa isang bookstore at tila ang location ay sa Bangkok, Thailand.


Ang KathNiel ay isa sa mga pinakamatatag na showbiz couples sa ngayon. Kaya naman, ibinahagi ng aktor kung ano ang kanilang sikreto sa pagpapatuloy ng kanilang matibay na relasyon.


"Communication, compromise, respeto sa isa’t isa, 'yun ang hindi puwedeng mawala. And loyalty sa isa’t isa, hindi na sikreto 'yun pero 'yun lang 'yung sa amin,” aniya.


Ilang ulit nang sinabi ni DJ na sa kanyang edad ngayon na 27, kailangan daw na nasa 30 ang ideal age para sila'y ikasal ni Kath.


“Siyempre, I’m 27 years old. So after three, four, five years, you know, what’s the next move? What’s the plan, 'di ba? I have to go on with life. So, ano 'yung kasunod nu'n? Abangan na lang natin. Mag-iipon lang muna ako nang konti. Siyempre, ang dami pa nating gagawin,” pagbabahagi pa ni DJ.


Masaya si Daniel dahil ang kanilang serye ni Kathryn na 2 Good 2 Be True ay nangungunang panoorin ngayon sa Netflix at sa Kapamilya Online.


“Sobrang positive kasi nu'ng show. Good vibes 'yung show, feel good, lalo na sa panahon ngayon, sobrang sakto. I think du'n nanggagaling 'yung saya ng tao. I feel very blessed na after all these years na hindi kami nakapagserye and now, 'andito ang mga tao at galak na galak sa aming proyekto,” sey ng aktor.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 23, 2022



Sa latest Showbiz Update vlog ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz with Mama Loi bilang kanyang partner, naging sentro ng usapan ang It's Showtime host na si Vice Ganda at ang tsikang posibleng magtrabaho sa karibal na Kapuso Network ang Unkabogable Star.


Ayon kay Mama Loi, nakipag-meeting daw kasi si Vice kay Direk Bobot Mortiz, dating Kapamilya director ng ilang sikat na shows sa ABS-CBN, pero ngayo'y consultant ng ilang GMA-7 shows, kaya't nabuo ang tsikang baka raw may gagawing programa sa karibal na istasyon si Vice.


As for Mama Ogs (tawag kay Ogie), ibinahagi nito ang umano'y alam sa nangyaring meeting sa pagitan nina Vice at Direk Bobot.


Malakas ang espekulasyon na baka ang meeting ng dalawa ay para kunin ni Vice ang nabakanteng time slot ng programang Wowowin ni Willie Revillame.


Matatandaang iniwan ni Willie ang nasabing time slot dahil sa paglipat nito sa AMBS Network na na-acquire ni dating Sen. Manny Villar.


Paliwanag ni Ogie, "Ang nakarating sa akin, sabi ng isang common friend namin ni Direk Bobot, parang tungkol sa show abroad na pinag-uusapan ng dalawa. 'Yun lang 'yun, pero hindi ko alam kung bukod pa ru'n, eh, nag-usap pa sila tungkol doon sa chismis na lilipat na si Vice,” ani Ogie.


Ikinonek ng ilang netizens na baka raw may tampo si Vice kay Tita Cory Vidanes, head ng ABS-CBN Entertainment, dahil sa hindi raw pagsipot ni Vice sa birthday celebration ni Tita Cory na ginanap ilang linggo na ang nakararaan.


Dahil sa tsismis na ito, curious tuloy ang ilang "Marites" kung expired na ba ang kontrata ni Vice sa Kapamilya Network?


Depensa naman ng ilang netizens, nakikita o napapanood nila ang latest episodes ng It's Showtime at tipong masaya naman ang main host ng show sa mga kaganapan. Kumbaga'y walang tensiyon na nakikita sa paligid ng It's Showtime family.


Naniniwala naman ang karamihan na may kontrata man o wala, hinding-hindi iiwanan ni Vice ang istasyon dahil bukod sa pagkilala at pagbibigay ng pagkakataong maging sikat na host at artista, kilala rin si Vice na may palabra de honor at gaya ng paulit-ulit nitong sinasabi na mananatili siyang Kapamilya forever.


Maaalalang sinabi pa ni Vice na, "Gusto ko nga po sana, 50 years na ang pipirmahan kong kontrata para isahan na lang," nu’ng huli siyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.


Marami nang ups and down si Vice sa istasyon pero nananatili pa rin siyang Kapamilya base na rin sa kanyang mga deklarasyong siya'y forever Kapamilya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page