top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 1, 2022



Napiling guest speaker ang actress na si Liza Soberano sa taunang festival na in-organize ng Pacific Bridge Arts Foundation bilang selebrasyon ng Asian Pacific Islander Heritage Month sa Los Angeles, USA nitong nakaraang Sabado (Sunday, Manila time).


Pagkatapos ng kanyang management switch, nagsalita si Liza sa aabangang panibagong chapter ng kanyang buhay simula nang ipasya niyang magpunta sa US para i-pursue ang kanyang Hollywood dream, ang magkaroon ng potential career internationally.


"It feels very surreal. I am actually very nervous right now because this is my first time on a stage of America.


"It has always been a dream of mine to come over here and being able to do work here and so I am really happy, and excited and feel incredibly honored," simula ng kanyang pahayag.

Naging laman ng mga headlines sa social media si Liza pagkatapos nitong i-reveal na umalis na siya sa dating manager na si Ogie Diaz at ngayo'y nasa pangangalaga na siya ng kumpanyang Transparent Arts Group kung saa'y kabilang din ang aktor na si James Reid.


Sa nasabing event, naitanong sa aktres kung ano ang kanyang magiging advise sa mga gaya niyang Asian talents na nakikipagsapalaran sa US?


"I would say, just go for it. A lot of times, it can be scary to kind of go outside your comfort zone and I myself, I am experiencing that right now. It would be so much easier for me to stay back at home and do the same thing that I've always been doing.


"But my personal goal is to be able to bridge the gap between the Philippines and America and kind of give help to the younger generation, the little girls who also dream of coming out here and making career for themselves. I want to make it easier for them when they do that in the future. And if that means me taking the first leap, so be it," paliwanag ng aktres.


Sa nasabing interview sa kanya ng mga hosts na sina Sherry Cola at Dumbfounded, nabanggit din ni Liza ang kanyang karanasan bilang ang lead voice actress ng Netflix's Trese at ang kanyang trabaho bilang ambassador ng Save the Children in the Philippines.


Bagama't ayaw pa niyang i-elaborate kung anuman ang nakahanda niyang projects, sabi na lang niya, "There's a lot of exciting things in store. There's nothing really to talk about specifically (but) I'm trying to explore different opportunities out here and in the Philippines, stuff I've never done before, so please watch out for that."

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 29, 2022



Bago pa lamang daw ang relasyong Angelica Panganiban at Gregg Homan, napagplanuhan na ng dalawa na bumuo ng pamilya o magkaroon ng anak. Ito umano ang usapan ng couple habang nagse-celebrate ng kanilang first Christmas together noong 2020.


Pahayag ng aktres kay Gregg, “Sobrang happy natin nu'n. Pinag-usapan na natin na kapag going strong lang talaga 'yung relationship natin, try natin magkaroon ng baby. Feeling ko, du'n ko naramdaman na worth it ang lahat kasi wala akong naramdamang takot nu'ng pinag-uusapan namin about building a family together. Parehas namin siyang gusto. Mas hindi kami sa marriage, mas hindi 'yun ang pinag-uusapan namin.”


Hanggang sa ma-delay ang kanyang mens, hindi raw siya agad makapaniwala na siya'y mabubuntis. Nang makita ang positive result ng pregnancy test, du'n lang siya naniwala.

“Feeling ko, mas nakatulong 'yun na hindi na ako stressed about it. Parehas kaming hindi stressed. Dati kasi, 'pag fertile ako, pauuwiin ko talaga siya ng bahay," natatawa niyang sagot.


Sa kanyang vlog, naikuwento ni Angelica na, “Dahil din papasok ako ng work, gusto ko ma-check na 'yung box na 'yun na nag-pregnancy test na ako para ma-rule out ko 'yung pregnancy. So siyempre, talaga namang ikinagulat ko na buntis ako.


“Talagang halu-halong emotions. Parang kahit ano palang sabihin n'yo na ready ka, ipinag-pray mo, ang tagal n'yong sinubukan, pagdating na dumating na 'yung dalawang lines, manginginig pala talaga 'yung katawan mo. Hindi mo alam kung talaga bang ready ka.”

Open din ang actress kung ano ang kanyang kine-crave o pinaglilihian sa kanyang pagbubuntis.


“Si Gregg ang pinaglilihian ko. Sobrang arte ko ngayon! Hindi pa ako naging ganito kaarte sa buong buhay ko. Aalis lang siya papunta sa work which is seven minutes away dito kung saan kami nakatira, umiiyak ako lagi. As in ang sakit-sakit sa akin 'pag hindi ko siya nakikita. Nagdidilig lang siya ng halaman sa labas, nasa-sad ako. 'Yung bakit ang layo mo? I think si Gregg talaga 'yung pinaglilihian ko,” sabi pa ng aktres.


Maaga pa man (nitong March lamang niya inanunsiyo ang pagbubuntis), may plano na siyang kukuning ninong at ninang ng kanilang first baby ni Gregg. Kabilang dito sina Glaiza de Castro, Ketchup Eusebio at John Prats na mga close friends niya.


Sinabi rin ng aktres na hindi niya iiwanaan ang showbiz kahit maging mommy na siya.

“Kung ninamnam ko nga 'yung pagsusuka ko, siyempre, nanamnamin ko 'yung pagiging ina ko, 'di ba? I-enjoy ko naman muna. Thirty years din naman ako sa industriya, parang ang dami ko nang naiambag.


“Siguro, ngayon na hinihingi na nu'ng life 'yung mag-focus naman ako sa aking family dahil sobrang blessed ko na magkaroon ako ng tinatawag na pamilya ngayon, 'di ba? Gusto ko, ru'n ako mag-focus. Gusto kong ibigay ang lahat ng oras ko ru'n.


“Kasi si Gregg, babalik din ng work. Tututukan ko muna 'yung baby. Pero 'pag kaya ko na, ha, hindi ng bata, ah, 'pag kaya ko nang iwan siya, siguro, babalik na ako ng work,” pagtatapos ng aktres.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 27, 2022



Nakatikim din ng panalo si Andrea Brillantes sa nakaraang volleyball event sa Star Magic 30th All-Star Games last May 22.


Kasama ni Andrea sa Star Magic Lady Spikers team sina Gillian Vicencio, Chie Filomeno, Angela Ken, Analain Salvador, Carmella Ford, Vivoree Esclito, and UAAP at national team players Rachel Daquis at Gel Cayuna na tinalo ang Team Star Hunt.


Ito ang unang tangkang paglalaro ni Andrea na kanya namang napagtagumpayan.


“Ito 'yung unang-unang-una ko! Masaya naman. Nag-enjoy ako at 'yun naman ang importante. At saka, nanalo naman 'yung team namin,” pahayag ng teen actress sa PUSH.

Tila inspired si Andrea sa laro dahil nanonood that time ang kanyang boyfriend na si Ricci Rivero.


Sa panayam kay Andrea, sinabi nitong ayaw sana niyang papuntahin sa venue si Ricci dahil first time lang niyang sasabak sa laro. Baka nga less-factor 'yun sa boyfriend, ang mapanood siyang talunan kung saka-sakali. But soon she realized na nakatulong ang presence ng boyfriend para pagbutihin niya ang laro.


“Actually, nu'ng una, ayoko talaga siyang manood. Kasi ang galing niya, he’s a pro (professional) player, tapos ako, first time ko talaga. Hindi talaga ako praktisado. Wala talaga ako sa ten times na nakapag-train.


“Nandito lang ako for the fun of it. 'Andito lang ako para ma-experience kasi gusto ko lang talaga siyang ma-try. Ayoko talaga siyang manood kasi nahihiya ako. Pero sabi niya kasi, ‘It’s my turn naman na sumupport.’


"Sabi ko, 'Sige,' kasi ayoko namang maging unfair na 'pag ako, siya lang ang sinusuportahan. Masaya na nandiyan siya," natatawa niyang sabi.


Aminado naman si Andrea na isang inspirasyon sa kanya si Ricci at walang anumang negatibong ipino-post online (ng mga bahers) ang puwedeng magpahiwalay sa kanila.


“Masaya ako at sobrang excited din kasi first time kong magkaroon ng boyfriend na mas matanda sa akin na basketball player. At first time ko rin na magkaroon ng boyfriend na out sa public. Masaya at saka this time hindi ko na talaga binabasa 'yung mga comments kasi I know na madaming mga bitter, madaming may mga masasabi sa relasyon."


Nu'ng una raw ay 'di alam ni Andrea kung paano sila haharap in public, especially na ang ugali niya'y lagi raw siyang nakapulupot sa boyfriend.


“Du'n lang ako natatakot, kasi first time ko nga ito na public at hindi ko pa alam masyado kung paano i-handle. Eh, very clingy pa man din ako na tao. So, ang daming nagsasabi, masyado kaming sweet, ganyan. Pero wala, go with the flow lang ako. Masaya lang. Ang importante lang naman is totoo kami sa isa’t isa,” paliwanag pa ni Andrea.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page