top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 9, 2022



Inalmahan ng aktres na si Barbie Imperial ang naunang kuwento ng kanyang ex-BF na si Diego Loyzaga sa naging panayam sa actor na ipinost sa Instagram Stories nito na wala raw overlapping noong naging GF niya si Barbie at ang bagong sexy star at ex-PBB housemate na si Franki Russel.


Sa naging panayam ni Diego sa Monster RX93.1, itinanggi nito ang kumakalat na rumors na siya'y naging unfaithful kay Barbie during their relationship, saying he and the actress even had a conversation about it when they crossed paths at a club a few weeks ago.


"Right now, I'm telling you. Nothing ever happened between me and her (Franki) like that. I can happily sit on this chair and say I never cheated on my partner. She (Barbie) knows that. I saw her two weeks ago at a club and I said, 'B, after everything we went through you really do know that I never cheated on you.' And she's like, 'Diegs, I know, I know.' 'Despite all the stories, are you sure you believe me when I say I never cheated on you? Because I hear stories that you believe that.' And she's like, 'No, Diegs, I know.'


"My friends know that. All my closest friends. My friends in the industry know that I never did that (cheating). But it is what it is, you know," ani Diego.


Subali't sa series of Instagram Stories nitong Tuesday, June 7, nag-react si Barbie sa naging statement ni Diego, saying that she never said any of these things to the actor.

"Nope. Never said this," ani Barbie habang isine-share nito ang portion of Diego's interview.


Ayon sa pahayag ng aktres, "Never said anything bad about Diego after our breakup. But I think telling people I said something I didn't say is foul."


Alam naman ng lahat na ang dahilan ng biglaang paglipad ni Diego papuntang US ay dahil sa kanilang breakup ni Barbie. Sinabi pa ng aktor na habang nasa US, sinikap nitong ayusin ang paghihiwalay nila ni Barbie at kinalauna'y sinabi ng actor, that they never reconciled.


Pahayag pa ni Diego, "When I came back from the States, we had that viral photo of us eating at a restaurant. We had closure there. We discussed 'yung what happened while you're away or what did you do here while I was away. Kaya pa ba natin o hindi? We tried to see if kaya pa natin. Hindi pa rin, eh," ani Diego.


Despite going their separate ways, inihayag naman nito na puwede pa rin silang mag-usap or their communications are open.


Naging magkarelasyon sina Barbie at Diego nang mahigit na isang taon bago nila inanunsiyo nitong February that they had parted ways.




Subali't nitong May, rumors that Diego was back on the dating scene began after Franki took to Instagram Stories to greet him on his birthday. He later denied speculations romantically linking them together, stating in a previous interview that, "Franki and I are not a thing" and that he "just wants to be single for now."


Subali't sa kanyang interview sa Monster RX93.1, Diego retracted his earlier statement and confessed that he and Franki are in fact seeing each other.


“I am a hypocrite. I said I wanted to focus on myself but I guess these things, you don’t expect it. It just really comes along. Ever since meeting up with her and hanging out with her, it hasn’t stopped. We really did click. So, I would definitely say that right now we’re dating,” pahayag ni Diego.


Ipinaliwanag din ng actor kung bakit dati nitong idinedenay na walang anumang romantic na nagaganap between him at kay Franki.


"[At the time], we have known each other for 10 days, we are not a thing. Who am I to say that? I can’t give a label that we are something or kami na. Ang kapal naman ng mukha ko na sabihin ko na kami na. I haven’t even asked her. We’ve just been seeing each other [then],” paliwanag pa niya.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 5, 2022



Dahil sa kasong pambubugbog sa sexy star na si Ana Jalandoni, maraming oportunidad ang nasayang para sa aktor na si Kit Thompson.

Dalawa sa malalaking proyekto ang umatras na kunin ang Kapamilya actor dahil sa kinakaharap pa ring kaso.


Malapit nang umere ang Flower of Evil starring Piolo Pascual at first-ever series ni Lovi Poe sa ABS-CBN simula nang siya'y lumipat sa istasyon at kabilang sana si Kit sa malaking project na ito sa pakikipag-collaborate ng ABS-CBN with Viu.


Sa Facebook page na JC de Vera last April 18, inanunsiyo na si JC na nga ang kapalit ni Kit sa nasabing serye.


At nitong Mayo 16 lamang, naglabas ang Dreamscape Entertainment ng teaser ng Flower of Evil kung saa'y si JC ang isa sa cast ng programa na shinare rin agad ng aktor sa kanyang Facebook account.


Labis na ipinagtaka ng ilan dahil alam nilang si Kit ang original third wheel sa Piolo-Lovi love affair sa suspense-drama thriller series.


Nitong Biyernes (Hunyo 3), ini-announce naman ni Direk Chris Cahilig sa Facebook na tuloy na tuloy na ang streaming ng digital series na Ang Babae Sa Likod ng Face Mask simula sa Hunyo 11, Sabado, sa Puregold Channel sa YouTube.


Ito dapat ang unang project na pagsasamahan nina Kit at Herlene "Hipon" Budol na dahil din sa hatid na 'malas' ng Kit-Ana controversy, napunta kay Joseph Marco ang nasabing role.


Noon pa raw Marso 26 (Sabado) at 6:00 PM ang pilot streaming ng Ang Babae... ayon sa Puregold Channel, pero dahil din sa isyung pambubugbog ni Kit noong March, hindi natuloy ang streaming ng nasabing digital rom-com series na idinirek ni Victor Villanueva.


Isa pang 'malas' na masasabi for Kit ay wala pa ring nakatakdang streaming sa Upstream ang huling pelikulang ginawa niya, ang Runaway kasama si Maureen Wroblewitz na on location pa naman sa New Zealand, noon pang September 3, 2021.


Nakatengga pa rin hanggang sa ngayon ang Runaway dahil sa kinakaharap pa ring isyu ni Kit.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 3, 2022



Soon-to-be-married na ang magkasintahang Jason Abalos at Vickie Rushton pagkatapos i-announce ng dalawa sa social media na sila'y engaged na.


Ibinahagi ng dalawa sa kanilang mga fans ang magandang balita sa pamamagitan ng Instagram post ni Vickie na may suot na diamond engagement ring nitong nakaraang Tuesday (June 2).

Ani Vickie sa kanyang caption, "So, Baba and I have been keeping a little secret."


May kalakip itong Bible verse: “Isaiah 60: 22. When the time is right, I, the Lord, will make it happen."


Base naman sa post ni Jason, engaged na sila ni Vickie noon pang September, 2021, subali't ngayon lamang nila ito inilantad.


"Habambuhay ko pasasalamatan ang Panginoon sa buhay mo, Baba," ayon kay Jason, sabay sabing, "Patugtugin na ang kampana!" caption pa ng binatang aktor.


Kasali si Vickie sa Binibining Pilipinas pageant noong 2018 at siya'y nahirang na first runner-up at kalauna'y naging PBB housemate.


Matatandaang sinabi na ni Jason noong nakaraang taon na pangarap nitong bumuo ng pamilya with Vickie as she ended her pageantry journey.


“Siguro, nasa ano na kami ni Vickie, eh. Matagal na akong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant. Tingin ko, 'yun na ‘yun, eh. Sabi ko, ‘O, tama na 'yan, hindi ka na puwede, tayo naman,'" lahad pa ni Jason.


Pinagbigyan daw muna nito si Vickie sa passion nito, ang pagrampa hanggang sa nagdesisyon itong tapusin na ang kanyang pageant journey.


Hindi man nito naabot na maging title holder, at least, isa na ring karangalan ang mag-first-runner up sa Bb. Pilipinas 2018.


“Kasi hinayaan ko siya talagang lumarga, gawin niya lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya. So ngayon, siguro, panahon na para bumuo naman kami ng pamilya," dugtong pa ni Jason.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page