top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Feb. 4, 2025




Kinumpirma ni Direk Darryl Yap sa kanyang Facebook (FB) post nitong Lunes, Pebrero 3, na hindi matutuloy ang nakatakdang showing ng kanyang pelikula, ang The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP), sa Feb. 5.


Nabigong isumite ni Yap ang mga dokumentong hinihingi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) gaya ng Certificate/Clearance of No Pending Criminal, Civil, or Administrative Case na galing sa Regional Trial Court ng Muntinlupa City, Department of Justice, at Office of the City Prosecutor ng Muntinlupa City.  


Mapangahas ang pagsasapelikula ng TROPP, ang kontrobersiyal na pelikula tungkol sa buhay ng yumaong bold star na si Pepsi Paloma noong dekada ‘80.  


Ayon sa statement ni Yap, nabigo raw niyang makumpleto ang mga dokumentong hinihingi ng MTRCB bago ang takdang showing ng kanyang movie.  


Aniya, “Ipinaaabot ko po sa lahat ng nakasubaybay na bigo po ang panig ng inyong lingkod na agarang makumpleto ang mga dokumentong hinihingi ng pamunuan ng MTRCB, kaya’t imposible pong maipalabas ang ating pelikula sa February 5.”


Ayon pa sa direktor, maaaring maunang ipalabas ang TROPP sa labas ng bansa o sa streaming platforms.  


Pahayag niya, “Pinag-iisipan na rin ang posibilidad na maunang maipalabas ito sa labas ng bansa o ipagpaliban na ang pagpapalabas sa sinehan at magpokus na lamang sa streaming platforms. 


“Kung anu’t anuman ay agad itong malalaman ng publiko. Maraming salamat po,” kabuuan ng anunsiyo ni Yap tungkol sa kinahinatnan ng kanyang pelikula.  


Paliwanag pa ni Yap sa kanyang FB post, puno na ang mga buwan ng Pebrero at Marso, kaya’t posibleng maipalabas ang kanyang pelikula kapag nakumpleto ang mga dokumentong hinihingi ng MTRCB.  


Ang TROPP ay kontrobersiyal na pelikula dahil sa mga reklamong kinasasangkutan nito, gaya ng pagsasampa ng kaso ni Vic Sotto laban sa direktor. Nineteen cyber libel cases ang isinampa ni Vic laban kay Yap noong Enero 9, 2025 sa Office of the City Prosecutor ng Muntinlupa City.  



KASAMA ang dating child star na si Niño Muhlach sa seryeng Tolome, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM) na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla. Kaya’t sa isang umpukan ng mga press people na naganap sa isang food chain sa SM San Lazaro, naitanong kay Niño ang tungkol sa anak niyang si Sandro Muhlach, na biktima ng panghahalay noong nakaraang taon.


Naka-move on na ba ang kanyang panganay na anak sa nangyari?  

Matatandaang mahigit 6 na buwan na ang lumipas mula nang maganap ang pang-aabuso umano kay Sandro ng dalawang independent contractors ng GMA Network.  


“‘Yung kay Sandro [Muhlach], OK naman siya...,” maikling tugon ng dating Child Wonder.  

Isa pang nakakatawang pangyayari sa anak ay noong mag-guest si Sandro sa Courage concert ni Gerald Santos noong Enero 24, 2025 sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City.  


Tinawanan na lang ni Onin (palayaw ni Niño) nang magkamali si Gerald Santos sa pagbanggit na imbes Sandro Muhlach ay Sandro Marcos ang nasabi nito.


Natatawa niyang sabi, “Hindi ko alam kung biro lang ba ‘yun or kung ano, (baka) nagkamali. Baka biro, hindi ko alam.”


Sa update ni Niño tungkol sa anak, nakapagbakasyon daw si Sandro sa U.S. at South Korea.  


“He’s doing well now. Medyo OK na,” pahayag ni Onin.  


Masaya rin daw siya’t nagtatrabaho na muli si Sandro.  


Pagbubulgar niya, “Actually, nagte-taping na s’ya ulit, Tadhana sa GMA.” 


Sa kabila ng trauma na inabot ng anak, masaya siyang nakikitang naka-move on na ito kahit papaano.  


Sey niya, “Hindi ko lang akalain kasi na mangyayari sa ‘min. Kasi nga, siyempre ‘yung pamilya namin, kumbaga, matagal nang nasa industriya. Kaya hindi ko talaga ine-expect na puwedeng gawin sa anak ko.” 


Suportado raw si Sandro ng pamilya at mga kamag-anak.  


Sambit niya, “Full support naman sila. Like, ‘di ba, noong nasa Senate kami, nandu’n lahat—sina Charlene, sina Albert.”


Si Charlene Gonzalez ay misis ng pinsan ni Niño na si Aga Muhlach, habang si Albert Martinez ay biyudo ng yumaong pinsan ni Niño Muhlach na si Liezl Martinez.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Feb. 3, 2025





Nitong umpisa ng taon, nanguna sa Netflix ang Incognito, ang seryeng pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Anthony Jennings, Maris Racal, Kaila Estrada at Baron Geisler. 


Saglit na napalitan ang action-drama series na ito ng Kapamilya Network sa pagiging Top 1.  


Kalaunan, dahil sa magagandang reviews ng series na directed by Lester Pimentel Ong, muling sumigla at nakamit ng Incognito ang No. 1 spot sa Top 10 Shows ng Netflix.  


Sa isang eksklusibong panayam kay Baron noong Biyernes, January 31, 2025, nagpahayag ng saya at pasasalamat ang aktor sa ‘di maipaliwanag na pagtangkilik ng mga taong patuloy na nanonood at tumututok sa serye.


Aniya, “Sobrang nakaka-bless! Hindi ko in-expect na ganito kainit ang pagtanggap ng tao sa Incognito.  


“Ang saya sa puso na makita ang hard work ng buong team—mula sa cast, crew, hanggang sa production na nagbunga.  


“I’m just grateful to be part of a project that resonates with so many people.” 

Ayon sa aktor, kakaiba ang kuwento ng Incognito.


“I think malaking factor ang ganda ng kuwento at kung paano ito na-execute.  

“Solid ang team namin, at bawat isa, committed na gawing makatotohanan at kapana-panabik ang bawat eksena. 


“Pero higit sa lahat, siguro dahil may puso ang kuwento—may lalim, may aksiyon, may emosyon — at siyempre, ang suporta ng audience, sila talaga ang dahilan kung bakit nandito kami.


“Saka, ang gagaling ng mga direktor namin, si Direk Lester saka si Direk Ace Yan Bin. He brings out the Hong Kong/Hollywood feels to the fight scenes,” pagmamalaki pa ni Baron Geisler.  



SA March 23, 2025, gaganapin ang pagbibigay-parangal sa mga celebrities na nagpakitang-gilas at husay sa larangan ng telebisyon.  


Ang 38th Star Awards for Television ay produced ng Airtime Marketing na pinamumunuan ni Tess Celestino-Howard at ididirek ni Eric Quizon. Gaganapin ito sa RCBC Theater, Makati.  


Narito ang opisyal na listahan ng mga nominees para sa PMPC 38th Star Awards for TV.  

Sa Best Drama Actress, nominado sina Andrea Brillantes (Senior High), Barbie Forteza (Pulang Araw), Bea Alonzo (Widows’ War), Belle Mariano (Can’t Buy Me Love), Jennylyn Mercado (Love.Die.Repeat), Jodi Sta. Maria (Lavender Fields), Kim Chiu (Linlang), at Marian Rivera (My Guardian Alien).  


Sa Best Drama Actor, nominado naman sina Alden Richards (Pulang Araw), Coco Martin (FPJ’s Batang Quiapo), David Licauco (Pulang Araw), Donny Pangilinan (Can’t Buy Me Love), Jericho Rosales (Lavender Fields), Piolo Pascual (Pamilya Sagrado), Paulo Avelino (Linlang), at Ruru Madrid (Black Rider).  


Para sa Best Drama Supporting Actress, kabilang sa listahan sina Aiko Melendez (Pamilya Sagrado), Cherry Pie Picache (FPJ’s Batang Quiapo), Glenda Garcia (Lilet Matias: Attorney-at-Law), Janine Gutierrez (Lavender Fields), Kaila Estrada (Linlang), Maricel Soriano (Lavender Fields), Pinky Amador (Abot-Kamay Na Pangarap), at Rochelle Pangilinan (Pulang Araw).  


Sa Best Drama Supporting Actor, nominado sina Arnold Reyes (My Guardian Alien), Christopher de Leon (FPJ’s Batang Quiapo), Dennis Trillo (Pulang Araw), Elijah Canlas (FPJ’s Batang Quiapo), Joel Lamangan (FPJ’s Batang Quiapo), John Estrada (FPJ’s Batang Quiapo), Jon Lucas (Black Rider), at Zaijian Jaranilla (Senior High).  


Sa Best Primetime TV Series, maglalaban-laban ang Black Rider, Can’t Buy Me Love, FPJ’s Batang Quiapo, Lavender Fields, Linlang, Pamilya Sagrado, Pulang Araw at Widows War. 

Matindi ang kompetisyon kung maipapanalo ni Coco Martin ang Batang Quiapo laban sa Pulang Araw ng GMA-7.  


Sa Best Daytime Drama Series, pasok sa listahan ang Abot-Kamay Na Pangarap, Ang Himala Ni Niño, Lilet Matias: Attorney-at-Law, Makiling, Nag-aapoy Na Damdamin, Padyak Princess, Pira-Pirasong Paraiso at Stolen Life. 

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Jan. 18, 2025





Sa vlog ni Ogie Diaz nu’ng Huwebes (January 16), eksklusibong nakapanayam ng talent manager-reporter-vlogger si Richard Gutierrez. 


Sa daloy ng panayam, nabanggit ng Incognito actor na ongoing na ang annulment process nila ng estranged wife na si Sarah Lahbati.


Nilinaw din ng aktor na hindi ang rumored girlfriend na si Barbie Imperial ang dahilan ng hiwalayan nila ni Sarah. Wala raw naganap na overlap sa pagitan nina Sarah at Barbie.  


Aniya, “Siguro ‘yung tungkol sa ‘min ni Sarah, ayoko na ring pag-usapan ‘yung mga nangyaring detalye. Kasi, we are actually going through an annulment now. And both parties naman want to move forward.  


“Actually, at this point, nakapag-move forward na ‘yung both parties. May equal time kami with our kids. So, parang nagko-co-parenting kami.  


“And ang priority namin is to make sure that the kids, you know, live a good life, a happy life. And of course, kung happy s’ya sa buhay n’ya, at happy ako sa buhay ko, makikita ng mga bata ‘yun. At ang importante sa ‘min ay ‘yung mga bata.  


“So, kung ano man ‘yung dahilan, matagal na panahon na ‘yun. Nakapag-move on na kami pareho, 2025 na. Gusto kong magsimula ‘yung taon nang maganda, peaceful, at happy.  


“So, ‘yun, let’s leave the past in the past. We’re all trying to move forward.”


Matatandaang noong January, 2024, unang namataan sina Richard at Barbie na magkasama sa isang gastropub, pero nanatiling tahimik ang dalawa tungkol sa isyung nagkakamabutihan sila. Wala rin silang kumpirmasyon o denial tuwing sila’y tinatanong ng press tungkol sa kanilang mga sightings.  


Naging sunud-sunod na ang sightings na magkasama sila, rito sa Pilipinas at maging sa South Korea at Italy.  


Tuloy, naitanong ni Ogie kay Richard ang tungkol sa real status nila ni Barbie.  

Ani Richard, “Siguro for now, like gaya nga ng sabi mo, nakikita naman ng mga tao... Doon muna tayo sa what you see is what you get sa amin ni Barbie,” makahulugan niyang sabi.  

Mariin din nitong nilinaw na walang kinalaman si Barbie sa hiwalayan nila ni Sarah.


Never daw naging third party ang sexy actress sa kanilang paghihiwalay.  

Pahayag ni Richard, “Ang gusto ko lang sigurong i-clarify doon sa mga tao is that si Barbie, walang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah. Hindi s’ya third party, hindi nag-overlap.  


“Kasi maraming mga tao, ‘yun nga, mga bashers na nagsasabi na s’ya ang dahilan. Wala s’yang kinalaman. Nakilala ko si Barbie, matagal na kaming nagkahiwalay ni Sarah. So, ‘yun, gusto ko lang i-clarify.  


“Siyempre, kasi parang ang daming nagre-react sa kanya, ang daming mga nag-hate comment sa kanya.”


Bukas ang BULGAR sa pahayag ng kanyang ex-wife na si Sarah Lahbati.



NAKATAKDANG sumabog ang mga rebelasyon sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) dahil sa mga pagbabagong mangyayari sa buhay ni Tanggol (Coco Martin) matapos niyang malaman na hindi si Rigor (John Estrada) ang tunay niyang ama.


Simula pa lang ito ng mga pasabog sa hit Kapamilya serye. Ibinahagi ni Coco na maraming mangyayaring pagbabago sa takbo ng kuwento, at may mga bagong karakter din na papasok.  


“Ginalaw ko na ‘yung bawat character. Ito na ang lahat ng revelation kasi may papasok na mga bagong karakter at panibagong kuwento. Gusto namin na parang ibang show na ang pinapanood ng viewers para hindi natatapos ang excitement gabi-gabi,” sabi ni Coco sa kanyang panayam sa TV Patrol (TVP). 


May pahapyaw din si Coco tungkol sa mga bagong karakter na siguradong magugustuhan ng mga manonood.  


“Dream cast. Lagi kong nilu-look forward na makatrabaho ang mga mahuhusay na veteran actors at ‘yung mga artista na gustung-gustong mapanood ng mga bata. Tamang combination ito ng cast,” dagdag ni Coco.  


Samantala, makiki-fiesta ang cast ng BQ sa masayang selebrasyon sa Sinulog Kapamilya Karavan ngayong Sabado, Enero 18, 4 PM, sa Ayala Center Cebu.  


Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, gabi-gabi, 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page