top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 28, 2022



Ginanap ang binyag ni Baby Sylvio, anak ng A.S.A.P. Natin 'To singer na si Angeline Quinto, nitong nakaraang araw lamang.


Sa larawang kumalat sa social media kahapon (Lunes, June 27), makikita sa event ang It's Showtime host na si Vice Ganda at sina Erik Santos at Richard Yap kasama ang dalawa pang big bosses ng ABS-CBN na sina Ma'm Cory Vidanes, COO ng Kapamilya at Lauren Dyogi, Star Magic head.


Obviously, at ayon sa source, kinuhang ninang at ninong ang mga invited celebs sa isinagawang intimate event na salu-salong dinaluhan din ng mga kapamilya ni Angeline at ng kanyang boyfriend.


Bumuhos din ang pagbati mula sa mga showbiz friends at mga fans ng singer.


Ayon pa sa source, saradong Katoliko si Angeline kaya't nais muna niyang pabinyagan ang kanilang baby bago ito makasama sa kanyang concert tour sa US at Canada with the baby's father.


Isa lang ang comment ng BULGAR reader na si Ed Rivera, vlogger-model from Cavite, "Suwerte ng boyfriend ni Angge, nakahiga na sa kama, may bonus pang tour abroad."


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 24, 2022



Pinagpipiyestahan muli ng mga "Marites" ang love life ng actor na si Diego Loyzaga matapos ang usapang nagkasawaan na sila ng bagong girlfriend na si Franki Russel, ang dating housemate sa Bahay ni Kuya.


Bunsod ito ng pag-a-unfollow ng isa't isa sa kanilang mga Instagram account makaraan ang dalawang linggong pag-amin ng aktor na nasa "dating" stage na sila ng baguhang actress.


Nang tanungin si Diego tungkol sa kanyang post sa Instagram Stories patungkol sa status nila ni Franki, aniya, “What must you do when someone is not ready to be with you? You walk away. Love yourself enough to walk away from anyone who does not know your worth."


Matatandaan na nito lamang Mayo nang unang na-link sa isa't isa ang dalawa, kasunod ng pagbati ni Franki kay Diego sa Instagram para sa kaarawan ng aktor.


Sayang naman ang kanilang relasyon. Buti pa nga si Barbie Imperial, umabot nang taon ang relasyon nila ni Diego, samantalang si Franki, weeks lang ang itinagal nila ni Diego.


Wala pa namang kumpirmasyon mula sa dalawa kung sila na nga'y nagkasawaan na o may ibang dahilan kung bakit parang kanta ni Imelda Papin ang kanilang pagsasama, Isang Linggong Pag-ibig.


Kung totoo ngang break na sila, masasabi ngang "pabling" si Diego na tila nagpapalit lamang ng brief kung makipagrelasyon.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 22, 2022



Masayang ibinahagi ng aktres na si Dimples Romana na siya'y magiging bahagi ng prestihiyosong 50th International Emmy Awards.


Ayon sa Instagram post ng actress last June 20, tinanggap niya ang imbitasyon para maging isa sa mga jurors ng paparating na 50th IEA ngayong Nobyembre, 2022.


“Starting this amazing week with a heart full of gratitude as I share with you one of the many surprise blessings I received these past months! And now finally I can officially share my joy with you. So honored and grateful to have been able to participate as a JUROR for this year’s prestigious International Emmy Awards Competition,” masaya niyang pagbabahagi.


Super-kilig ang actress to be a juror once again for the prestigious award-giving body. Taong 2020 noong unang maimbitahan si Dimples bilang juror for the International Emmy Awards Competition.


Two years later, Dimples is set to join them again and she will be flying to New York in November to take part in the festivities of the competition.


“I thank the International Academy of Television Arts & Sciences for letting me have this once in a lifetime experience that has truly inspired my thespian heart. Contributing in selecting the BEST TELEVISION programming from around the WORLD was both my honor and pleasure,” ani Dimples.


Ayon sa website, the International Emmy Awards Competition’s jury panels “represent current trends in world television programming as well as a wide range of industry professionals from diverse backgrounds and nationalities.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page