top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 8, 2022



Maraming natutuwa sa nalalapit na pagsasanib-puwersa ng dalawang noontime shows, ang ABS-CBN’s It’s Showtime at TV5’s Lunch Out Loud sa darating na mga araw sa Kapatid Network.


Nauna nang ibinalita ng TV5's showbiz anchor na si MJ Marfori sa kanyang TV5’s newscast na Frontline Pilipinas nitong July 6 ang nasabing collaboration ng dalawang giant shows, subali't wala pang anumang detalye o petsang inilahad sa pagtatambal ng dalawang shows bagama't may espekulasyong baka maganap ang pagsasanib-puwersa ngayong Hulyo.


Ayon pa kay MJ, ang “back-to-back" na pagsasama ng Lunch Out Loud at It’s Showtime ay magdaragdag-lakas para sa noontime entertainment at aniya pa, “Ang dating magkatapat, ngayo’y magkapatid na.”


Sa kasalukuyan, ang It’s Showtime ay napapanood lamang sa A2Z Channel 11 on free TV simula nang mag-shutdown ang ABS-CBN’s free TV channel noong July 2020.


Sa magaganap na sanib-puwersa, solid pa rin sa It's Showtime family ang mga main hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro at Karylle, habang may kani-kanyang segments sa programa sina Kim Chiu, Ryan Bang, Amy Perez, at Jhong Hilario.


Ngayon, ang inaabangang $64 question mula sa madlang pipol ay kung ano kaya ang magaganap kapag nagkaharap-harap na ang It's Showtime hosts at ang kanilang lumayas na direktor na si Direk Bobet Vidanes?


Si Direk Bobet ang namamahala o creative director ngayon ng Lunch Out Loud, produced by Brightlight Productions, kung saa'y kasama ang ex-It's Showtime member na si Billy Crawford at Kapamilya host na si Bayani Agbayani.


It's Showtime is the next ABS-CBN Entertainment title to air on TV5, following ASAP Natin 'To, FPJ: Da King, the whole Primetime Bida block of ABS-CBN, and Idol Philippines.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 7, 2022



Maraming netizens ang nag-react sa umano'y "kabobohan" ng aktres na si Ella Cruz na hindi nag-review ng Philippine history kaya nag-viral ang naging pahayag nitong, “History is like tsismis."


In fairness, bagama't nega, nakatulong kay Ella ang tinuran dahil nakikilala na siya ngayon at baka makatulong sa promo ng pelikula nilang Maid in Malacañang.


Patuloy pa ring nagte-trending ang isyu ni Ella at nakarating na rin ito sa ilang mambabatas kaya't naisip nilang panahon nang ibalik ang subject na Philippine History sa high school.


Lingid marahil sa kaalaman ni Ella na noong kapanahunan ng kanyang lolo, lola at mga magulang, talagang pangunahing subject sa high school ang Philippine History at hindi naman tsismis lang ang pinag-aralan at itinuro ng mga guro sa kanilang mga estudyante.


Isa sa mga nagtutulak nito ay ang representative ng ACT Teachers Partylist na si France Castro. Sinasabi niyang itong pinagpipiyestahang isyu ni Ella Cruz sa social media ay nagpapatunay na kailangan na talagang ibalik ang subject na Philippine History para hindi raw ituring ng bagong henerasyon na parang “tsismis” lang ang ating kasaysayan.


Ayon kay Rep. Castro, dahil sa sinabi ni Ella, nakikita tuloy ang “destructive effects” ng kawalan ng Philippine History bilang mahalagang subject sa basic education.


Kaya't payo ng mga netizens kay Ella, "No words, no mistakes. Many words, many mistakes!"

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 3, 2022



Hindi sukat-akalain ng dating kargador ng Pola, Oriental Mindoro na si Ejay Falcon na mahahalal siyang vice-governor ng kanilang bayan.


Kaya naman emosyonal si Ejay sa kanyang oath-taking ceremony bilang newly-elected vice-governor ng probinsiya ng Oriental Mindoro nitong Lunes (June 27).


Ginanap ang oath taking sa Capitol in the South na matatagpuan sa bayan ng Roxas na malapit sa capital city ng lalawigan, ang Calapan.


Sa kanyang speech, aniya, “Sobrang emosyonal lang na tumayo sa entablado at opisyal na manumpa bilang bise-gobernador. Halu-halo 'yung nararamdaman ko noon. Siyempre, una riyan 'yung nag-uumapaw na saya dahil nagbunga na ang pinaghirapan ko noong kampanya.


“Ikalawa, overwhelmed ako sa suporta ng mga kababayan natin dito sa Oriental Mindoro. Ikatlo, very proud siyempre sa sarili na kinaya ko. Lastly, may kaba pa rin dahil ito na 'yun, eh, nanunumpa ako sa kanilang lahat na sila ay paglilingkuran. Siyempre, walang urungan ito at dapat magampanan ko talaga nang maayos ang tungkulin ko,” pahayag ni Ejay.


Maraming pagsubok ang kanyang pinagdaanan bago nanalo sa kanyang pagkandidato last May, 2022 elections. Maraming nagsasabi na baguhan lamang siya at walang alam sa public service.


“Ang hirap maging kumpiyansa lalo na sa pulitika. Kahit sinabi ng mga kaalyado ko na malakas ang laban ko at suportado ako ng maraming barangay ay pinili ko talagang huwag maging kampante. Kasi, sino ba naman ako, isang baguhan sa ganitong mundo.


“Pero ang ginawa ko ay nag-focus lang ako sa kampanya at sa dapat kong gawin at 'yun ay mas kilalanin ang mga taong paglilingkuran ko. Ipinaubaya ko na lang kay Lord talaga ang lahat."


Sa kabila ng pagkakahalal bilang bise-gobernador, ayon sa aktor, hindi niya tatalikuran ang showbiz.


“Hindi ko naman tatalikuran ang showbiz. Mahirap talikuran ang pag-arte at malaking bahagi na 'yan ng buhay ko. Sa ngayon, siyempre, mag-focus muna tayo sa pagiging bise-gobernador. Pinagkatiwalaan ako ng aking mga kababayan kaya gusto ko na ibigay sa kanila ang oras at atensiyon ko para magampanan ko nang maayos itong bagong papel ko,” pahayag ng baguhang public servant.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page