top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 11, 2022



Samantala, kinumpirma na nga ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na noon pang November, 2021 hiwalay sina Pokwang at Lee O'Brian. Nagkaroon sila ng isang anak, si Malia, na mag-aapat na taong gulang na.


Ikinagulat ng mga supporters ni Pokwang ang paghihiwalay nila ni Lee, na ayon sa source, personal ang dahilan at walang third party involved, period!


Kung may nalungkot, meron pa ring ilang bashers na ayaw paawat sa pamba-bash sa comedienne saying na karma raw ito sa kanya.


Matatandaang Pinklawan si Pokwang sa nakaraang halalan at natural na meron pa ring may sama ng loob sa kanya dahil sa iba ang kanyang kulay nu'ng panahon ng kampanya.


Kaya hindi pinalampas ni Pokwang ang basher na nagsabing “karma” ang breakup nila ng American actor na si Lee. Nagkomento ang isang netizen at itinag si Pokwang.


Tinawag ng basher si Pokwang na “bitter” at abala raw sa pagsagot sa mga supporters ng nanalong presidential candidate, na naging katunggali ng sinuportahang kandidato ni Pokwang.


Gumamit pa ng laughing with tears emojis ang netizen na animo’y kinukutya si Pokwang.


“Karma ba 'yan @itspokwang27,” pagkutya ng netizen sa komedyana.


Sagot nito, “Hindi po karma ang tawag du'n, nililinis ni God ang daanan ko patungo sa tamang tao!”


Aniya pa, “Ikaw, kapag namatayan ka ba ng kamag-anak mo, karma agad? Bakit, may pinatay ba ako? G*ga ka?”


Hindi na muling sumagot pa ang netizen.


Sa hiwalayan ng dalawa, bumukod ng tinitirhan si Lee at inaasikaso nito ang ilan sa mga naipundar na negosyo.


Sabi pa ng source, malamang na bumalik na rin sa US si Lee habang buo pa rin ang pasya ni Pokwang na ayaw na nito ng balikan pa.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 10, 2022



Sinagot ni Ruffa Gutierrez ang alegasyon ni dating COMELEC Commissioner at P3PWD Partylist Representative Rowena Guanzon na una'y tila blind item patungkol sa isang amo na pinalayas ang kanyang mga helpers without no reason and without paying their salaries.


Unang sabi ni Rep. Guanzon, “My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?"


Mula sa nauna niyang tweet, binanggit na ni Rep. Guanzon ang pangalan ni Ruffa, asking whether the allegations were correct or not.


Nang makitang itinag siya ni Guanzon, Ruffa quickly responded. Agad niyang pinabulaanan na ang mga allegations tungkol sa kanya ay totoo at aniya, ang mga kasambahay niya ang may gustong umalis.


Sinabi rin niyang ang mga abogado na niya ang bahalang mag-resolve ng sitwasyon privately.


Paliwanag ni Ruffa, “Let me make it clear po. I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord."


Kalmado lamang ito sa isyu at sa mga sunod niyang panayam, mas pinili pa ni Ruffa na magsalita tungkol sa kanyang upcoming movie bukod sa pagiging hurado ng Sexy Babe segment ng It's Showtime.


Ipinaliwanag pa niya na bihira lamang siyang nag-i-stay sa kanyang bahay dahil sa sobrang busy o higpit ng kanyang mga schedules, especially inuumpisahan na niyang i-shoot ang bago niyang film project.


Bago pa ang isyung pagpapalayas nito sa mga maids, sinabi ni Ruffa na may kaganapan sa kanilang bahay na gusto niyang i-share sa public –– na 'yung dalawang house helpers were fighting her senior mayordoma.


Patuloy niya, pagkatapos ng insidenteng 'yun, security from the village was called to make sure her children were safe.


“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay nang wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave."


Naikuwento rin ng single mom that she has been generous with her helpers and already considered them as part of her family.


Some of her helpers have been with her for 35 years and according to the actress, through thick and thin, they were there with her.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 9, 2022



Bilang patunay na all's well between her and her ex, Panfilo "Pampi" Lacson, Jr. at sa kinakasama nitong actress na si Iwa Moto, dumalo si Jodi Santamaria sa binyag ng anak ng mga ito na si Caleb Jiro.


Makikita sa larawang ibinahagi ni Iwa sa kanyang Instagram account nitong Biyernes, July 8, ang pagdalo ni Jodi kasama ang anak nito kay Pampi na si Thirdy.

"Thank you ninong and ninangs!!! We love you!!" caption ni Iwa.


"CJ you are lucky that you are surrounded with people that love you so much. Anak, alam mong mahal na mahal ka namin. And we will always be here for you. Always and forever. To infinity and beyond," dagdag pa ni Iwa.


Makikita rin sa photos pagkatapos ng baptismal ceremony ang reception ni Caleb Jiro na may temang Safari.


Matatandaang naging maayos ang relasyon ni Jodi sa kanyang ex pagkatapos nitong mag-reach-out kay Iwa nu'ng ipanganak ang kanilang daughter ni Pampi na si Hiromi Aiko Lacson.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page