top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 16, 2022




May bagong pagsubok na naman na dumating sa buhay ni Raquel Pempengco, ina ni Charice Pempengco na kilala ngayon bilang Jake Zyrus, dahil sa pagkamatay ng panganay nitong kapatid na si Rey Relucio nitong Huwebes (July 14, 2022) dahil sa kanser sa atay.


Kung tutuusin, masakit ito para kay Raquel at sa kanyang pamilya dahil hindi pa sila nakaka-recover mula sa magkasunod na pagkamatay ng kanilang ina na si Tess at kapatid na si Robert noong April 3 at April 6, 2022.


Dumulog si Raquel sa PEP.ph para maiparating kay Jake ang balita tungkol sa pagkamatay ng kanyang Uncle Rey.


Matatandaang nagkaroon noon ng tampuhan sina Raquel at Jake kaya matagal na hindi sila nag-usap. Nais sana ni Raquel na kalimutan na ang anumang 'di nila pagkakaunawaan ng anak, kagaya ng paglimot nito sa tampuhan nila ng namayapang kapatid na si Rey na halos dalawang dekada ring 'di niya nakakibuan.


Sana raw ay gawin ni Jake ang pagpapatawad alang-alang sa mga kamag-anak nilang namayapa na.


“'Yun ang gusto kong iparating, kahit ano pa 'yung nagawa ko, ganoon ba kalaki ang nagawa ko sa kanya para tikisin niya kami na pamilya niya?


“Hindi ko alam ang pinanggagalingan ng sama ng loob niya.


"Malimit niyang sinasabi, hindi siya tanggap, na imposible dahil hindi pa siya nagre-reveal, alam na namin dahil dinadala na niya sa amin ang kanyang mga girlfriends.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 13, 2022




Pinag-iisipan ni Ruffa Gutierrez na sampahan ng kaso ang mga taong naninira sa kanyang pagkatao.


Nag-ugat ito nang may nagpakalat ng fake news na diumano ay pinalayas niya sa kanilang bahay ang dalawang katulong at hindi binayaran ang natitirang suweldo ng mga ito.


Kumonsulta umano si Ruffa — sa tulong ng kanyang legal counsel — sa mga kinauukulan kaugnay nga ng pagpapakalat ng unverified information about her online.


Kasama sa mga pinaplanong kasuhan ay ang pasimuno umano ng lahat ng isyung kumalat na si P3PWD Representative at dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, who tagged Ruffa on Twitter regarding the issue.


Sa isang official statement released by Ruffa's lawyer, Atty. Bryant Gamonnac Casiw of the BGC Law Office, they reiterated the actress’ earlier statement of having “neither fired her helpers nor refused to pay their remaining pay for six days.”


The statement, which was released on July 11, denounces the online issue as… “This fake news is a black propaganda-smear campaign against our client as she is playing the character of former First Lady Imelda Marcos in an upcoming movie.”


Nakadetalye rin sa nasabing statement kung ano ang mga nangyari sa dalawang helpers, kung bakit sila biglaang umalis sa bahay ng mga Gutierrez this month.


“While our client was away for work on July 7, 2022, the helpers became unruly and turned berserk. They persistently called our client that they have decided to quit since they could no longer cope with the taping and shooting schedules of our client. They have caused a commotion and were in a hurry to leave the house, without first complying with the clearance requirements of the village association.”


Bukod sa pag-alis umano ng kanyang mga helpers without asking permission from her personally, ibinahagi ni Ruffa na ang kanyang dalawang former househelp also broke their signed agreement upon employment.


Ayon pa sa dagdag na statement ng abogado ni Ruffa, “The helpers violated the Confidentiality, Non-Disclosure, and Working Agreement that they signed on 12 June 2022 with their unauthorized taking of Confidential Information under the agreement.


Their acts endangered the safety, security, and privacy of our client and her family. It was also discovered that the helpers made arrangements to transfer employment to a neighbor in the village.”


Ipinahayag din ni Atty. Gamonnac Casiw na hindi naghahangad si Ruffa ng masama laban sa dalawang kasambahay.


“Our client has always been very generous with, and compassionate to those who work for and with her, giving them bonuses and tips for extra hours worked. Most of her helpers have been with her family for 13 to 35 years now and they can vouch that our Client treats helpers with fairness, care, love, and respect that they deserve. She considers helpers as part of her family. Our client will explore all legal actions and remedies available, especially against those spreading unverified information-fake news,” sabi pa nito.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 12, 2022




Binigyang-linaw na ng komedyana-host na si Pokwang ang lumabas sa vlog ni Ogie Diaz na noon pang November, 2021 sila nagkahiwalay ng kinakasamang si Lee O' Brian.


May isa silang anak, si Malia, at nito lamang Sabado, Hulyo 9, kinumpirma ni Pokwang ang hiwalayan nila ni Lee sa eksklusibong panayam ng PUSH.


"I’m okay, Mare. We’re okay. No third party involved and we’re both co-parenting kay Malia. Maayos naming tinapos ang lahat. Hindi kami pait-paitan," kampanteng pahayag ni Pokwang.


“In fact, welcome siya sa bahay. Every weekend ay magkakasama kami. Seven months of surviving and peace, ‘ika nga," dagdag nito.


Mahigit pitong taong naging magkasintahan sina Pokwang at Lee bago ang kanilang hiwalayan.


Unang nagkakilala ang dalawa nang magkatrabaho sa TFC movie na Edsa Woolworth noong 2014.


Ayon kay Pokwang, may iba na ngayong tirahan si Lee rito sa Pilipinas at nalalapit na rin ang pag-alis nito pabalik ng Amerika.


Sabi pa ni Pokie (palayaw ni Pokwang), sa kabila ng hiwalayan, naging positibo at maganda raw ang trato nila sa isa't isa kahit pa magkaiba na sila ng tinitirhan.


Samantala, ilan sa kanyang mga kasamahan sa industriya ang nagpahayag ng kanilang suporta para kay Pokwang gaya nina Angelica Panganiban, Rabiya Mateo, Melai Cantiveros, Cherry Pie Picache at Vina Morales.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page