top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 23, 2022




Sa gitna ng tsismis na buntis ang Viva sexy star na si AJ Raval courtesy ng rumored boyfriend nitong si Aljur Abrenica, naglabas ng pahayag ang aktres na pinabubulaanan ang ibinulgar ng source ng writer-columnist-radio anchor na si Cristy Fermin na siya'y nasa interesting stage kaya pansamantalang natigil ang kanyang ginagawang pelikula.


Ayon kay AJ, hindi siya buntis kundi nagpositibo sa COVID-19 kaya natigil ang shooting nila ng movie under Viva.


Pero ang ipinagtataka ng mga netizens, kung bakit tikom pa rin ang bibig ng mga magulang ni AJ, ang aktor na si Jeric Raval at ang mom niyang si Alysa Alvarez, sa kumalat na balita tungkol sa kanilang anak.


Sa 'di inaasahang pagkakataon, si Jeric ang isa sa mga celebrity players ng Pera Usog segment ng Tropang LOL nitong Huwebes nang tanghali (July 21).


Nagkaroon ng pagkakataong maitanong ng guest host na si Matteo Guidicelli kay Jeric kung ano nga ba ang pinagdaraanan ng kanyang anak na si AJ na balitang buntis ngayon.


Hindi man diretsahang itinanong ni Matteo na "Buntis nga ba si AJ?" tila 'yun ang gustong malaman ng host at ng mga manonood.


Tanong ni Matteo: “(If) I have a daughter, may mga tsismis, how do you push it aside, kasi focused ka lang sa trabaho mo?”


Ayon kay Jeric, hindi nito pinapansin ang mga intriga dahil nagbibigay lamang ito ng stress.


Sagot niya, "Well, gaya noong bagu-bago akong nag-aartista, 'pag ganu'ng mga intriga, pasok lang dito, labas doon."


Hindi nito sinagot ang tanong bagkus ay nagbigay ng kanyang mga naging karanasan sa showbiz, lalo na noong siya'y bata pa as action star at nagkaroon din siya ng maraming karelasyon na ang iba'y naisyuhang kanyang nabuntis.


"Kasi kasama ‘yan sa pag-aartista. Sa showbiz, kasama ‘yan. Kung hindi ka handa diyan, hindi para sa 'yo itong trabaho na ‘to," kanyang pahayag.


Hindi na raw bago kay Jeric ang mga ganitong balita o chismis lalo na sa industriyang kanilang ginagalawan dahil kalakaran na raw sa showbiz ang mga ganitong isyu. Kaya, parang hindi na siya apektado ng balita tungkol sa pagbubuntis ng kanyang anak.


Samantala, makahulugan din ang cryptic post ng ina ni AJ na si Alyssa sa Facebook tungkol sa isyung buntisan patungkol sa anak.


"Mabuhay po tayo ng mapayapa na walang pakialam sa buhay ng iba," makahulugang post ni Alyssa.

Sikat at laging sine-search ngayon sa Facebook ang pangalan ni Alyssa kaya hindi nagkamali ang kanyang akalang pagtutuunan ng panahon ng mga netizens dahil sa balitang buntis ang anak nila ni Jeric.


“Linisin ko muna itong FB ko, mukhang bibisitahin na naman ng mga Marites, palit DP. Kelangan maganda ako," aniya.


Dagdag pa niya, “Tapos Iinglisin ko na mga post ko. Wait nga. Open ko na rin ang messenger ko para maaway n’yo ko kase baka 'di naman makatulog mga taong ‘to,” panunuya nito sa Facebook post patungkol sa mga "Marites".


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 22, 2022




Kumpirmadong sina Seth Fedelin at Francine Diaz na… pero wait lang, bilang love team lang, guys!


Susubukan ng Star Magic kung magki-click ang bagong love team nina Seth at Francine na sinimulang itampok sa music video ng hit song na Muli ni Ace Banzuelo.


Inaabangan ang feedback ng mga fans dahil masasabi ring first appearance ito nina Seth and Francine as FranSeth tandem, although nababalita ring mag-boyfriend sila in real life.


Matatandaang galing sa kani-kanilang past love team ang dalawa — si Seth, kay Andrea Brillantes, at si Francine, kay Kyle Echarri — subali't sa ilang kadahilanan, 'di sila nagtagumpay with their respective partners.


Gaya ni Seth na mas pinili ng ex-love team niyang si Andrea na tuklasin ang pagiging sporty hunk ng UP Maroons basketball player na si Ricci Rivero.


Sa isang panayam ng Cinema News sa FranSeth, ibinahagi nila ang kanilang working experience bilang tandem.


Miyembro ng Gold Squad ang dalawa na ang sabi'y magkakapatid na ang turingan nila, pero ngayon, sa bagong estado nila as love team, may nararamdaman daw silang 'awkwardness'.


Sa interview kay Seth, aniya, “Konting awkwardness, kasi siyempre, nakasanayan na naming two years, almost three, na apat kami, hindi lang kaming dalawa ni Francine. Tapos ngayon, parang iba ‘to, so, nag-uusap na lang kami kung ano ang ‘Sige, gawin na natin na ganito, ganyan, 'wag na tayong mahiya.’ Mahirap po siya, mahirap na masaya. Hindi naman mahirap, pero nakakahiya.'


Awkward din daw kung paano ilarawan ni Francine ang pagsasama nila ni Seth.


“Opo. Siguro kasi, 'yung pagka-awkward po, hindi naman sa point na parang bad ‘yung pagka-awkward niya. Kasi, ‘yun nga po, nasanay po kami na parang 'yung love team namin before ay magkaiba and hindi naman po kami sanay ni Seth na parang sweet kami."


Sa paglalarawan ni Francine, parang “break-in” sa kanilang dalawa ni Seth ang ilang sweet and intimate scenes sa music video na first time nilang ginawa.


“Kasi doon, may mga yakap, may holding hands, maraming titigan, may mga pa-back hug pa. And ako po, honestly, hindi ko po nagawa ‘yung mga ganu'ng scene sa mga pakilig na eksena na nagawa ko po before.


"Pero ‘yun nga po, thankful kami na naitawid namin and naging maayos naman ang hitsura niya sa lahat ng mga ginawa naming eksena. Pero siyempre po, sa lahat naman po ng ibinibigay sa amin ni Seth at sa mga maibibigay pa, ginagawa namin ang best namin and siyempre, ine-embrace namin ang blessing na napupunta po sa amin,” sey ng Kapamilya actress.


Bago pa ang music video na Muli, ipinakilala na sina Seth and Francine ng Dreamscape Entertainment na bibida sa upcoming project na Dirty Linen.


Kasunod nito, inihanda na rin daw nina Francine at Seth ang kanilang sarili sa mga ipupukol na bashing and negative comments ng mga hindi pabor sa kanilang tambalan.


Unang sabi ni Seth, “About diyan, kung napag-usapan na ba namin ang mga plano namin, kung sakaling ito ang magiging ano, hindi pa. Kasi nagulat kami na hindi siya ganu'n (naba-bash)…


Kasi tinanggap po siya ng tao. Tinanggap po siya ng mga manonood, lalo po noong unang labas pag-announce po ng Dirty Linen.


"And yes, sinabi rin po sa amin ng mga bossing na ‘Wow, ah? Okay, ha, walang bashing.’ Saka kami naman pong dalawa, hindi po kami mahilig sa mga bashing. 'Yun po ang maganda sa aming dalawa na hindi kami nagsasalita, saka hindi namin iniisip ang bashing, mahal namin sila. It is what it is."

Confident din si Francine sa desisyon ng management and mga executives na walang nakikitang mali sa pagbuo sa kanilang tandem.

Aniya pa, naniniwala siyang unti-unti ay matatanggap din sila ni Seth sa kanilang mga inihahandang proyekto.

“Tinanggap kami ng mga tao, 'yung tandem namin ni Seth, and nakakatuwa po. At kagaya ng sinabi ni Seth, hindi po kami mapagpatol sa mga bashers and hindi naman ibig sabihin noon na wala kaming paki sa kanila.


"Siyempre po, may mga pagkakataon na nakaka-affect po sa feelings po namin kasi 'pag nag-judge sila sa amin, parang kilalang-kilala nila kung sino kami at parang nakasama namin sila sa buong buhay namin. Pero sabi po nila, maging mabuti ka sa mga hindi mabuti sa ‘yo, so ‘yun po ang ginagawa po namin.”


Sa ngayon, abala muna si Seth sa promotion ng kanyang upcoming iWant TFC series na Lyric and Beat kasama ang former onscreen partner niyang si Andrea Brillantes habang tutok din muna sa kanyang personal commitments si Francine bago umarangkada sa shoot ng kanilang launching project na Dirty Linen.





 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 19, 2022




Trending worldwide sa Twitter ang unang pag-ere ng It's Showtime sa TV5 na nagsimula sa pasabog na opening number handog ng mga hosts ng noontime show kasama ang ilang madlang pipol LIVE nitong Sabado (Hulyo 16).


Ani Vice Ganda, dahil nga sa patuloy nilang pagdarasal, natupad ang panalangin na lumawak ang nanonood sa kanila.


"Dahil palagi nating mina-manifest ang better days, another big door has opened for all of us. What's up, madlang pipol? What's up, mga Kapatid!" dagdag ng Unkabogabol Star.


Pinasalamatan din ni Vhong Navarro ang TV5 sa pagbibigay nito ng oportunidad sa kanila na mas marami pang Pilipino ang kanilang mapasaya araw-araw.


"Maraming salamat, TV5, dahil hindi kayo nag-atubiling pagbuksan kami ng pintuan para mas maging pangmalakasan ang pagpapalaganap namin ng good vibes sa ating mga madlang pipol," saad ni Vhong.


Excited naman si Anne Curtis sa mga pasabog nilang inihanda sa mga na-miss niyang viewers.


"Sa mga na-miss kami, isang virtual hug at isang nice to see you again. Alam mo, excited na talaga ako sa mas fun-malawakang harutan, tawanan at bonding kasama kayo."


Katulad nina Vice, Vhong at Anne, lubos din ang kasiyahang naramdaman nina Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Karylle, Kim Chiu, Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga at Ion Perez sa pagpapalabas ng kanilang programa sa TV5.


Bukod naman sa pasabog na opening number, kinapitan din ng mga viewers ang semi-finals ng Showtime Sexy Babe.


Fourteen sexy babe nga ang naglaban-laban para makakuha ng puwesto sa unang grand finals ng Showtime pageant. Nagtagisan ang mga ito sa Ooh La Lakad at Hot Tanungan kung saan ipinakita nila ang galing sa pagrampa at pagsagot para ma-impress ang mga huradong sina Kylie Versoza, Ruffa Gutierrez, at Jameson Blake.


Sa huli, nanaig sina Jubilyn Sabino, Sam Coloso, Kim Velasco, Maxine Abliter at Zoe Cameron na makuha ang kani-kanilang spot sa nalalapit na finals ng Showtime Sexy Babe.


Simula Lunes, abangan naman ang Wildcard week ng It's Showtime Sexy Babe.


Panoorin ang It’s Showtime mula Lunes hanggang Sabado, 12:45 PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com.


Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag ding kalimutang subaybayan ang kuwelang episodes sa Showtime Online Universe na napapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN, YouTube channel, at Facebook page ng It's Showtime.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page