top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 13, 2022



Pagkatapos i-celebrate ang kanilang first wedding anniversary, Luis Manzano and Jessy Mendiola recently announced that they are expecting their first baby through a vlog on Jessy’s YouTube channel that was posted on Thursday, August 11.


Ngayong expectant parents na sina Luis at Jessy, mas lalong tumindi raw ang kanilang bonding moments.


“One thing that never fails is how we bond by streaming movies, downloading or uploading vlogs, watching scuba diving videos, and others. What I got to appreciate about my wife even more is how family-oriented she is both towards her own, mine, and our own family,” pahayag ni Luis.


Samantala, kung nag-uumapaw ang kaligayahan ng mag-asawa, masayang-masaya rin para sa kanila ang Momskie Vilma Santos ni Luis na matagal nang naghihintay ng apo mula sa dalawa.


Sa panayam sa kanya ng PEP, nabanggit ni Ate Vi, “Soooo happy and we feel blessed!! Alam n'yo na matagal na akong naghihintay ng apo!! Happy for Lucky and Jess!! MOMSIE NA AKO!!!!”


Congrats! Tiyak na ngayon pa lang, super excited na si Ate Vi sa pagiging pretty lola!


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 10, 2022



Sa mga nakakatawang adlibs na ginagawa ng It's Showtime hosts sa kanilang noontime program, palaging nagte-trending sa social media sina Vice Ganda, Jhong Hilario at Anne Curtis.


Sa mensahe ni Vice sa kanyang mga fans, ibinahagi nito na ang mga challenges o pagsubok na nakikita ng kanyang mga supporters ay "tip of the iceberg" lang mula sa kanya. Ayaw naman daw niyang malaman pa ng madlang people ang kanyang mga problema dahil ang gusto niya ay ma-entertain ang mga ito.


“It was exhausting, really exhausting. Pero araw-araw, nakakatanggap ako ng sobra-sobrang pagmamahal at suporta mula sa inyo,” bungad ni Vice.


Thankful din si Vice sa love and support na ibinibigay ng mga fans. Big factor daw ito para gumising siya araw-araw nang excited.


“I know, napakarami sa inyo ang nagdarasal para sa kalusugan ko at sa kaligayahan ko. At 'yun ang nagpapanumbalik ng sigla ko."


Nag-post din si Vice kamakailan sa kanyang Instagram reel na sinasabi sa kanyang mga fans na gusto niyang matapos ang araw na naghahatid ng pasasalamat at utang na loob sa mga ito.


“The past few months have not been easy. In fact, they’ve been really difficult. Ang daming nangyari sa buhay ko. May magagaan, may mabibigat. May mga masasaya, may mga malulungkot. May mga winning moments at may mga humbling moments,” pahayag pa ni Vice.


Kaya naman naiintriga ang madlang pipol kung ano na naman kaya ang pinagdaanan o pinagdaraanan ni Vice Ganda.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 30, 2022




Dahil moving on na sa dati nilang relasyon ang mag-ex na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga, malaya na rin nilang naibabahagi ang kanilang mga pinagdaanan, gaya ng nakaplano dapat nilang pagpapakasal.


Inamin ni Barbie na minsan na nilang pinag-usapan ng kanyang ex na si Diego Loyzaga ang pagpapakasal.


Ito ang kanyang ibinahagi sa kanyang bagong YouTube vlog kung saan matapang niyang sinagot kung sino sa kanyang mga ex ang pinakananakit sa kanya.


"Pinakanasaktan talaga ako, I think si Diego talaga. Siya 'yung boyfriend ko na parang alam niya lahat about me, ganu'n. Tapos, parang siya 'yung... alam mo 'yung may na-meet kang someone, minsan mo lang ma-feel 'yung akala mo siya na talaga.


"'Yung parang may mga usap-usapan na kayo na 'Saan tayo titira? Ilang anak?' So ayun, may mga conversations na kami about getting married, kung saan kayo titira, mga plans n'yo sa buhay. Kay Diego ko lang na-experience 'yun."


"So 'yun siguro 'yung reason kung bakit sobrang sakit niya sa akin kasi pinlano ko 'yung buhay ko with him, tapos biglang nawala. Pero 'yun, ganu'n naman talaga. Lessons learned."


Bukod kay Diego, may naging pag-amin din ang aktres sa isa pa niyang dating nobyo na si Ryle Santiago. Ito ay nang matanong kung nagkaroon na ba ng pagkakataon na siya ang nanligaw sa isang lalaki.


"Oo naman, jusko! Sa first boyfriend ko, kay Ryle, ako talaga 'yung may gusto sa kanya.


"Tapos nu'ng time na 'yun, GirlTrends, iba-ibang GirlTrends pa 'yung may gusto sa kanya.


Medyo may mga kaagaw pa akong GirlTrends noon. Tapos ayun, naipanalo ko naman, ako naman 'yung naging dyowa. Pero hindi pa rin kami nagkatuluyan, so ayun.


"Well, hindi ko gusto 'yung thought, siyempre, lalaki dapat 'yung manliligaw. Pero 'yung experience na 'yun, looking back at it, medyo laugh trip na lang talaga siya."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page