top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 23, 2022



Masayang-masaya si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto noong malamang siya'y magiging lola na. Limang buwang buntis na kasi si Jessy Mendiola kay Luis Manzano, ang panganay na anak ni Ate Vi.


Sa panayam kay Ate Vi sa PEP.ph via Zoom nitong August 20, 2022, naikuwento ng actress na napaiyak siya sa tuwa noong kumpirmahin nina Luis at Jessy sa kanya ang good news.


"(Month of) May nu'ng una naming nalaman, Mother's Day kung 'di ako nagkakamali. Hindi naman dahan-dahan. Sinabi na lang nila, Mother's Day na, kasi they were greeting me for Mother's Day.


“Sabi nila, ‘Happy Mother's Day! Happy Mother's Day!' May get-together dito ang pamilya.


"Sabi ni Lucky sa akin, ‘Mom, 'di mo ba siya babatiin?’ Sabi ko, ‘Happy Mother's Day!’


“Sabi niya, ‘Batiin mo na.' Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi niya, ‘Batiin mo na.’ Sabi ko, ‘Anak naman!’


Sabi niya, ‘Hindi, batiin mo na 'yung mother.’


“'Yun, talagang maiyak-iyak ako, ‘Totoo ba? Totoo ba? Oh, my God!’ Halos maiyak ako na hindi ako makapaniwala," sey ng nabiglang si Ate Vi.


Patuloy pa niya, “Dyusko, sa tagal-tagal kong hinintay 'yung talagang apo, ngayon, mayroon na. I'm looking forward kay Peanut."


"Peanut" ang pet name na ibinigay ng mag-asawa sa sanggol na nasa sinapupunan ni Jessy.


Corny kung tutuusin ang pangalang Peanut, pero pumayag na rin ang beteranang aktres. Bakit?


"Napag-usapan lang kasi namin nu'ng nag-positive siya, ‘Peanut, Peanut.’ Ayan, hanggang naging Peanut na. Peanut na ang tawag namin, pero nanggaling din 'yun kay Lucky, nanggaling 'yun sa kanila.


“Nu'ng malaman lang namin na preggy na nu'n si Jessy, basta paghalik ni Lucky sa tiyan ni Jess, sabi niya, ‘Hello, Peanut.’ Sabi ko, ‘Peanut ba 'yan?’


“Kasi parang maliit, 'yung sac, parang maliit na peanut when they saw it. Parang may maliit nga raw na bilog na parang peanut, ‘Oh, si Peanut.’ Hanggang ngayon, si Peanut na. May gumagalaw na, Peanut pa rin.”


Mensahe pa ni Ate Vi sa anak at manugang niyang magkakaroon na rin ng sariling pamilya, "Maiiba ang buhay nila, eh. Kasi you wouldn't know, as a mom, kahit ano ang sabihin mo, ‘Naku, alam mo, 'pag naging nanay ka na, ganito mangyayari sa iyo…’ Alam mo, you wouldn't know until ikaw mismo makakita na mayroong buhay na nanggaling sa iyo, na du'n mo lang mare-realize na kaya mong ipagpalit ang buhay mo para sa mga anak mo.



“Definitely, 'pag lumabas na si Peanut, maiiba more or less next step ang status ng buhay nila as family. Kahit papaano, may mga priorities sila na maiiba, and I told them to prepare for that.


“Iba na 'pag nandiyan na ang baby kaya kailangan, it's more understanding. Ang thinking nila, it's more of — ikaw, ako, hindi na — family na ang tingin mo rito. It's not only you’re my wife, you’re my husband; you're a mom, and you're a dad, you're a father.


“Maiiba sigurado ang buhay nila. So, kailangan, as early as this, i-prepare na nila ang sarili nila para sa maganda, more on positive, kaya lang holistic na 'yung approach niyan. Family na ang tingin diyan, hindi na 'yan man and wife, hindi na. Family na ang tingin diyan," mahabang mensahe pa ni Ate Vi sa mag-aswa.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 18, 2022



Nitong mga nakalipas na araw, maugong ang balitang naghiwalay na raw sina Vice Ganda at Ion Perez.


Year 2019 nu'ng isapubliko nila sa pamamagitan ng It's Showtime ang kanilang relasyon.


Tatlong taon ng pinakamasasayang panahon ni Vice lalo na't nagsukob sila sa isang bubong and eventually, nagpakasal sa US nitong nakaraang taon lamang, kasabay ng kanilang concert sa Amerika.


Matatandaan na kamakailan lang, naging item ng mga pahayagan ang relasyon nina Vice at Ion na diumano’y hiwalay na kasunod ng naiulat ng veteran entertainment columnist at host na si Cristy Fermin sa kanyang online show.


Subali't sa It’s Showtime nitong August 16, tinuldukan na ng Kapamilya host na si Vice Ganda ang naglabasan na balita sa diumano’y hiwalayan nila ng partner niyang si Ion Perez.


Kaya naman, isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Vice kay Ion na nagbalik-Showtime matapos ang anim na araw na bakasyon sa Japan.


“I’m celebrating dahil bumalik na si Ion from Japan,” masayang umpisa ni Vice.


Ani Vice, ito ang pinakamatagal na paghihiwalay nila ng nobyo matapos ang pagsasama nila sa isang bubong noong nagsimula ang pandemya ng COVID-19.


“Oo, alam mo, umiiyak na nga ako sa gabi. Magmula kasi noong pandemic, nagsama kami sa bahay, tapos hindi na kami nagkaroon ng time na maghiwalay nang matagal.


Pinakamatagal naming hiwalay, three days. Kunwari, mayroon akong raket, siya, pupunta ng Tarlac. Pero 'yung six straight days, alam naming malayo, first time ‘yun” emosyonal na paglalarawan ng Kapamilya host.


Inamin din ni Vice na bahagi ng kanilang relasyon ni Ion ang pagbabalanse ng kanilang mga oras para sa kani-kanilang pamilya.


“We missed each other. Pero kasama ko ang pamilya ko noong wala siya. Balanced. Nagpunta siya ng Japan kasama niya ang pamilya niya, nagpunta ako ng Bohol, kasama ko ang pamilya ko.


So bala-balanse, time with our families and then back in each other’s arms, ganu'n!"


Mensahe ni Vice sa mga "Marites" na nagkakalat ng chismis tungkol sa kanila, “Masaya kami.


Huwag kayong gumagawa ng mga ano, mga chismosa kayo! Hiwalay na raw kami ni Ion?


“Hetong mga (damonyong ‘to), hoy, mga damonyo!" pabirong pahayag ni Vice.


Pahabol pa ni Vice, “Pero masaya kami rito. Masaya kaming magdyo-jowa kaya 'wag kayong ano. Mga damonyo kayo!”


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 16, 2022



Nasa USA pa rin ang "breakout love team" na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano para sa Beyond the Stars: US Tour concert series of Star Magic.


Sa social media vlog, makikitang pinagkaguluhan ng mga fans ang mga Kapamilya stars partikular na ang DonBelle.


Sa kanyang Instagram, masayang ibinahagi ni Donny ang ilang larawan nila ni Belle sa kauna-unahan nilang trip na magkasama sa US.


“BAY AREA WE'RE HEREEE,” Donny wrote.


"When cat is away, the mouse will play," ayon sa kasabihan, kaya't malaya at masayang ine-enjoy ng dalawa ang pagbisita sa iba't ibang lugar sa US, lalo na sa San Francisco.


Napansin din ng ilang netizens na laging magkasukbit ang mga braso nina Belle at Donny habang namamasyal sa San Francisco.


Binisita rin ng dalawa ang famous na Golden Gate Bridge, isa sa mga most iconic tourist destinations sa San Francisco at dito'y walang-sawa silang nagpakuha ng pictures bilang alaala.


DonBelle also visited the Palace of Fine Arts, isa rin sa mga iconic landmarks sa US. It was also used in the hit series On the Wings of Love starring James Reid and Nadine Lustre.


Hindi rin siyempre nila nakalimutang mag-shopping at may mga candid shots pa si Donny habang naka-pose si Belle sa harap ng Target store sa SanFo.


Sa mga DonBelle fans, kasabay ng kanilang US Tour concert series, inanunsiyo rin ng dalawa ang gagawin nilang pelikulang An Inconvenient Love mula sa Star Cinema.


Sa Instagram, ishinare ng Star Cinema ang teaser poster ng movie to be directed by Petersen Vargas, who is best known for the acclaimed film 2 Cool 2 Be 4gotten at ng hit na BL series na Hello Stranger.


"SOFT LAUNCH 4 NOW," mababasa sa caption.


Ang An Inconvenient Love ang bale second film ng DonBelle after Love Is Color Blind, which set a record as the highest-grossing local movie of 2021 at naging overall No. 1 film when it debuted on Netflix Philippines early this year.


Bago magpunta sa States, tinapos muna nina Donny and Belle ang second season ng popular series nilang He's Into Her.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page