top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 30, 2022



As of now, hindi pa rin maka-move on ang ilang Marites sa pahayag ng sexy star na si AJ Raval na hindi siya nabuntis ng karelasyong si Aljur Abrenica.


Kahit mag-post pa siya na naka-bikini outfit or naka-live online, still, marami pa ring duda sa mga pahayag ni AJ na wala pa siya sa estadong magpapabuntis.


At kahit pa sinabi na rin ni 'Nay Cristy Fermin sa kanyang programa na nagdadalantao si AJ, todo-deny pa rin ang lead star ng Sitio Diablo.


Heto pa ang isang naging karanasan ng nagdududang si Aster Amoyo, veteran writer at host ng Inside Showbiz, na sinadya raw hawakan ang tiyan ni AJ nu'ng magkita sila sa presscon ng Sitio Diablo last August 24 sa Gateway Cineplex.


Diumano, "na-offend" si AJ kay Aster nang hawakan nito ang kanyang tiyan nang magkita sila sa pagdarausan ng presscon.


Nagulat umano si Aster nang malaman nitong na-offend si AJ sa ginawa niyang paghawak sa tiyan nito.


Pahayag ni Tita Aster, “Wala akong intensiyon! I’m a very touchy person. My God, wala akong malice! Kilala ako sa pagiging touchy.


“Wala akong malisya. Kung natapik ko man 'yung tiyan niya, it was not intentional. Nagkataon lang.


“Imbes na beywang, ang tiyan ni AJ ang nahawakan ko kasi nakatayo siya, nakaupo ako nang bumati siya.


“Hindi totoong may kinalaman sa pagbubuntis niya kaya hinawakan ko ang tiyan niya. Normal ang ikinilos ko, walang malisya,” paliwanag ni Aster nang makausap ng Pep.ph.


Lahad pa ni Aster na maayos at wala siyang intensiyong hawakan ang tiyan ni AJ sa naganap na interview niya sa sexy star at sa ama nitong si Jeric Raval after Sitio Diablo advance screening na ginanap sa Gateway Cineplex.


“Kung guilty ako of anything, hindi ako mag-a-attend sa mga presscon at preview ng pelikula niya.


“Nang interbyuhin ko si AJ for Inside Showbiz, she was professional. Wala akong naramdamang lukewarm siya sa akin. Otherwise, I would have avoided her.


“Kinunan ko siya ng statement. Magkatabi sila ni Kiko Estrada. Kinunan ko pa sila ng picture together,” pahayag pa ni Aster.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 28, 2022



Maraming nagsasabing perfect couple ang two of our most top-rated singers na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Pinatunayan ng dalawa ang kanilang never-ending love noong nakaraang birthday tribute kay Ogie sa ASAP Natin 'To last Sunday.


But despite their sweetness on and off screen, marami pa ring umiintriga sa dalawa. Kesyo may pinagdaraanan daw na marital problems sina Regine at Ogie.


Sa nakaraang birthday episode ng OPM icon na si Ogie sa Magandang Buhay, the couple stressed that all is well in their marriage.


"Ano lang 'yan, siguro, hindi naman puwedeng mawalan ng basher, hindi ba? Minsan kasi, kapag nakikita nila na ang liga-ligaya n'yo, 'yun lagi ang pupukulin. Kaya huwag mo nang pansinin, ikaw naman," ani Ogie kay Regine sa programa.


Sabi naman ni Regine, "Actually, ako, wala, natawa ako, kasi alam kong hindi. You know, since we've been together for 11, magtu-twelve, sinasabi ko ito sa kanya lagi, mas mahal ko siya ngayon kaysa dati."


Kuwento pa ni Regine, naging matatag at solid ang kanilang pagmamahalan na kanilang napatunayan nu'ng magkaroon ng COVID-19 pandemic.


Gaya ni Ogie na tinamaan ng COVID kamakailan, nakaranas ng pangungulila si Regine sa asawa noong nag-travel ito sa US last March dahil sa natanguang concert.


"Actually, enjoy na enjoy akong kasama ang asawa ko na noong umalis siya, pumunta siyang States ay hindi ko kaya, iyak ako nang iyak talaga. Kasi parang ang tagal naming magkasama, kami-kami lang, tapos biglang inalisan ako, pumunta ng States," pag-alala ng Asia's Songbird.


Bukod daw sa pagiging mapagmahal na husband, Regine considers Ogie as her best friend.


"He's my best friend and I always say this, it's wonderful to be married. It is, it is wonderful to be married, provided that you are married to the right person. Kaya natawa ako sa balita na ganu'n (hiwalayan) kasi hindi, eh."


Nauna nang itinanggi ng It's Showtime host sa kanyang Twitter nitong June ang tungkol sa kanilang marital issues.


"I have read some tweets about my wife and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in love and there has not been a day where that love for each has ever diminished," Ogie posted on Twitter on June 13.


Sa isa pa niyang tweet, aniya, "Guys, I wish you would really experience great love. It truly is a blessing."


The couple is set to celebrate their 12th wedding anniversary this coming December.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 24, 2022



Maraming netizens ang nagtataka kung bakit galit na galit pa rin ang beteranang kolumnista na si Manay Lolit Solis sa aktres na si Bea Alonzo gayung siya'y nagpapagaling sa ospital dahil sa isang karamdaman.


Naging usap-usapan tuloy sa social media ang matitinding banat ni Manay Lolit sa dating Kapamilya actress na si Bea. Tinawag kasi niyang mukhang matanda na at laos na star si Bea.


Ayon pa sa Instagram post ni Manay Lolit, "Tawa ako nang tawa, Salve, sa reaction na mukhang tita ni Alden Richards si Bea Alonzo. Nag-react daw ang Korea, bakit mukhang matandang tita ni Bae Suzy ang kinuha ng Pilipinas para sa Start Up?"


Ang Start-Up ay GMA-7 adaptation ng Korean series na pagsasamahan nina Alden at Bea.


Aniya pa, "Ano ba 'yan? Talaga bang labas na wrinkles ni Bea at kahit anong gawing make-up, talagang kita na mukha siyang matandang tita?


"Grabe naman, hindi na matakpan ng make-up at styling ng glam team niya ang edad ni Bea, eh, ang mahal ng bayad sa mga ito, pero hirap pa rin ayusin ang edad.


"At sobra naman 'yung balita na kailangang magmukhang matanda si Alden Richards para pantay tingnan ang edad nila ni Bea Alonzo na mukhang tita talaga.


"Hay naku, talagang nakakaalis ng ilusyon ang nagaganap na discovery ngayon kay Bea Alonzo. Iyon, mukha siyang matanda, maraming wrinkles, laylay mga bilbil, mukhang losyang na laos star at marami pa after iwanan siya ni Gerald Anderson para sa mas bata at magandang si Julia Barretto," tuluy-tuloy pa niyang tirada kay Bea.


Patuloy pa ni Manay, "Dapat talaga, nagkaroon agad ng saving releases para lumabas na bida si Bea after the breakup. Kailangan sa ganitong sitwasyon, merong team Bea Alonzo para sa back-up ng image ni Bea. Hayun, nauna tuloy 'yung question, 'Bakit iniwan? Hindi worth it?'"


Dapat daw ay image building ang unahin ni Bea at hindi ang pagdedemanda sa mga nagnenega sa kanya.


"Image building sana inaasikaso kesa consulting a lawyer. Simple management issue ng isang publicist. Wrong move, Salve at Gorgy (Rula), no amount of meet and greet, kung wala namang planning ang management will save Bea Alonzo sa pagkalaos 'pag ganyan (ang) takbo ng career niya. Tell me if I'm wrong? Bongga!" panghuli niyang sabi patungkol sa actress.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page