top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 3, 2022



Dominated by Kapamilya stars ang mga pumasok sa "50 Most Influential for 2022” list ng online publication na Preview.


Ang mga nasabing celebrities ay na-recognize sa Preview Ball na ginanap sa Taguig City nitong Wednesday, August 31.


Sa pangunguna ng It's Showtime host na si Vice Ganda, kabilang din sa mga in-acknowledge ay sina Liza Soberano, Kathryn Bernardo, Angel Locsin, Nadine Lustre, James Reid, ang DonBelle tandem (Donny Pangilinan at Belle Mariano), Francine Diaz, Sofia Andres, Kylie Verzosa, Ivana Alawi, Andrea Brillantes, Julia Barretto at Lovi Poe for their works on film and television.


Kasama rin sa listahan ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach at ang grupong SB19 at bandang Ben&Ben whose songs changed the OPM scene.


Samantalang ang Unkabogable Star na si Vice Ganda, whose representation on both mainstream and online helped the LGBTQIA+ communities in more ways, was also included for her game-changing influence.


Bilang isa sa 50 Most Influential ng Preview, labis ang pasasalamat ni Vice sa karangalang ipinagkaloob sa kanya.


"I'm very grateful to Preview na nire-recognize nila ako as one of the 50 Most Influential. Nakakatuwa, nakakakilig 'yun.


“At the same time, medyo nakaka-pressure rin kasi may obligasyon 'yun, may responsibility being an influential celebrity.


“Tapos, marami naman akong mga platforms. Siyempre, mas marami kang mga platforms, mas malaki 'yung obligasyon mo sa mga nanonood sa iyo."


Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Vice ang kanyang mga tagasuporta sa kanyang social media platforms.


"Yes, nakakatuwa nga kasi marami pa ring tao ang naaaliw sa akin. Kasi, kaya naman sila nagsu-subscribe sa channel ko sa YouTube, kaya nila ako pina-follow sa TikTok, pina-follow nila ako sa Instagram, sa Twitter, kasi feeling ko, naaaliw sila sa akin, natutuwa sila sa akin.


"'Yun, mahal nila ako (at) nakakakilig 'yun na parami nang parami, lumalaki nang lumalaki 'yung following. So, hindi ako nakakaramdam ng 'Ay, baka 'di na ako napapansin, baka 'di na ako relevant.'


“Masaya, masarap sa pakiramdam," panghuli niyang mensahe.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 2, 2022



Matagal-tagal na ring nawala sa sirkulasyon ang aktor na si Kit Thompson, simula nang masangkot at makulong dahil sa kasong isinampa ng kanyang ex-GF na si Ana Jalandoni matapos itong magreklamo ng pambubugbog.


Sa bisa ng piyansa, pansamantalang nakakalaya si Kit dahil patuloy pa rin ang kaso.


Hindi pa rin iniuurong ng sexy star ang isinampang demanda laban sa ex-BF na aktor.


Subali't sa kabila ng kanyang pinagdaraanan, marami pa ring direktor at kasamahan sa industriya ang naniniwala at nagtitiwala kay Kit, dahilan para isama ang controversial actor sa Showroom, isang project ng 3:16 Media Network na pinamamahalaan ni Len Carillo, na siya ring Viva Films unit head at producer ng film directed by Direk Carlo Obispo.


Ang pelikula ay isinulat at pagbibidahan din ni Quinn Carrillo kasama sina Rob Guinto at Emilio Garcia.


Paliwanag ng producer kung bakit may tiwala pa rin siya sa aktor, nakatrabaho na raw niya noon si Kit sa pelikulang Moonlight Butterfly na launching movie ni Christine Bermas at wala raw naman siyang naging problema sa aktor. Magaan din daw itong katrabaho at mahusay umarte.

Para naman kay Direk Carlo nang malaman niyang si Kit ang isa sa mga magiging bida ng pelikula ay kaagad na niyang sinabihan ang production na ipa-block na kaagad ang schedules niya. Ganu'n daw siya ka-excited na makatrabaho ang binata.

Ayon pa sa director at co-producer ng Showroom ay wala silang pakialam sa kung anuman ang naging isyu noon ni Kit sa kanyang dating karelasyon. Ang importante raw sa kanila ay kung paano ito magtrabaho sa set.


Nahingan ng pahayag si Kit sa ginanap na storycon ng pelikula at aniya, masarap sa pakiramdam na sa kabila ng mga nangyari sa personal na buhay niya ay may mga tao pa ring nagtitiwala sa kanya.


“Siyempre ano, thankful ako na may mga taong you know… tiningnan pa rin kung paano ako magtrabaho, na nakasama ako at kung paano ako. So, nakaka-touched, nakakatuwa na…

Kasi akala ko, ang hirap kasi, eh, ang hirap lang kasi you know, I think everything is turning… Hindi ko ma-articulate ang sarili ko.

“Pero 'yun nga, nandu'n pa rin nga na may mga tao pa ring naniniwala sa ‘yo. And it inspires me to do better and be better for myself.”

Sa naging pahayag ni Kit ay pinasalamatan din niya ang kanyang management team, ang Cornerstone na hindi rin daw bumitaw sa kanya sa kabila ng mga nangyari.


“I’m thankful na I’m back! Actually, ipinagdasal ko nga ito, eh, I think a week ago or something. Habang nag-iisip ako, nagdasal lang ako and eto, dumating nga. So I thank the Lord for this,” madamdamin subali't masayang pahayag ni Kit sa mga dumalong press people.




 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 31, 2022



Binitbit ni Willie Revillame ang Bb. Pilipinas First Runner-Up na si Herlene "Hipon Girl" Budol sa Wowowin live show nito sa Coron, Palawan last August 28.


Naging successful ang show not only because of Willie kundi na-curious din ang mga tao na makita ang naging transformation ni Herlene bilang Hipon Girl mula sa Wowowin hanggang ngayon sa Binibining Pilipinas journey nito.


Sa Palawan napili ni Willie na mag-live in connection with town's celebration ng taunang Kasadyaan Festival.


Kasama ni Willie ang kanyang mga co-hosts na sina Boobsie Wonderland, Donita Nose, Herlene Budol, at special guest performers na sina Katrina Velarde at Janine Teñoso.


Bakit sa Coron, Palawan niya idinaos ang kanyang live show?


Dahilan ni Willie, "Kaya kami nandito, para 'yung dalawang taon na pinagdaanan nating pandemya, ngiti at saya sa puso ninyo ang makikita.


"Nu'ng kinausap ako ni Mayor, sabi niya, ‘Puwede bang pasayahin mo ang aking mga kababayan sa Coron?’


"Ang sabi ko sa inyong mahal na mayor, magpapasaya ako pero magreregalo tayo sa bawat taga-Coron. Magpapasaya tayo, 'Huwag mo akong babayaran, Mayor.'


"Lahat ng ibibigay mo sa akin, ireregalo natin sa mga taga-Coron!”


Samantala, espesyal ang treatment ni Willie kay Herlene dahil ang sariling helicopter nito ang kanyang ginamit pagbiyahe nila roon.


Malaki ang utang na loob ni Herlene kay Willie dahil marami siyang "first" na natikman sa host, gaya ng makilala bilang host o celebrity na kanyang nagamit para maging sikat at makasali sa isang beauty pageant.


Ang first time nitong pagsakay sa airplane ay sa Singapore nu'ng taong 2019, nang magkaroon ng contract signing para sa mobile game na Wil2Play ang show.


First time ring makasakay ni Herlene sa helicopter na pagmamay-ari ni Willie.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page