top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 21, 2022



Matagal nang binabanggit ng It's Showtime host na si Vice Ganda ang plano nitong magkaanak with boyfriend Ion Perez, isa ring kasamahan sa noontime program.


Hindi na ito naging usapin ng Unkabogable Star for the past few months hanggang sa inungkat muli nito ang tungkol sa plano to have kids in the future.


Ang pagkakaroon ng anak ay naging topic sa latest YouTube vlog ni Maricel Soriano kung saa'y tinalakay ang pros and cons of having a child at his age.


Para kay Vice, it’s a matter of when and not if he wants a child or not.


“Kung gusto kong magkaanak? Yes, gusto kong magkaanak. Hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa,” umpisa ni Vice sa vlog ng Diamond Star.


Aniya pa, age is definitely a factor that he considers as he is already nearing his fifties.


Kanya ring sinabi na if given the opportunity, he would want his child to be a girl since he could dress her up and give her a grand debut party.


“Actually, nagko-compute rin ako. ‘Maaalagaan ko pa ba ito 'pag ganitong edad? 'Pag nag-debut siya, ilang taon ako nu'n? Makaka-attend pa ba ako ng big party niya? Maisasayaw ko pa ba siya?’ Iniisip ko rin 'yung mga ganu'n,” aniya.


In the vlog, Vice also revealed that he would’ve proposed to Ion Perez even if the latter didn’t.


Ayon pa kay Vice, marrying Ion was a moment that he had been waiting for. The comedian shared that Ion came into his life in a perfect time––he needed him to be in his life no matter what.


“Nu'ng na-meet ko si Ion, I realized that I was so blessed because I finally found that one person that I both want and need. I want him to be in my life, and I need him to be in my life,” ani Vice.


Mukha namang pinangangatawanan ng dalawa, lalo na si Ion, na kahit maraming lumalabas na tsismis na break na sila, still, pinagsisikapan nilang dalawa na maging matatag ang kanilang pagsasama.


Matatandaang isiningit ng dalawa ang pagpapakasal habang sila'y may concert sa US dahil doon pinapayagan ang same sex marriage para sa mga LGBTQIA community.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 20, 2022



Trending topic sa Twitter hanggang ngayon sina Vice Ganda at Zephanie Dimaranan.


Ito ay dahil sa tila pagpaparinig ni Vice kay Zephanie sa grand finals ng singing search ng ABS-CBN na Idol Philippines Season 2 na ginanap nitong Linggo nang gabi, September 18, 2022 kung saan naging special guest si Vice Ganda.


With the usual pasabog na costume, nag-perform siya ng kantang Pearly Shells at bilang promo na rin para sa nalalapit na pagsisimula ng second season ng kanyang game show na Everybody Sing.


Matapos siyang mag-perform ay hiningan siya ng host na si Robi Domingo ng mensahe para sa bagong hihiranging Idol Philippines grand winner na eventually ay napanalunan ni Khimo Gumatay na nagwagi sa dalawa pang contestants na sina Rysi at Kice.


Mensahe ni Vice, "Sa bagong hihiranging grand Idol winner, sana, maraming magbukas na opportunities sa 'yo.


"Sana, mag-stay ka muna dito sa network na 'to."


Nasorpresa ang lahat, maging ang apat na judges na sina Moira dela Torre, Gary V., Chito Miranda at Regine Velasquez sa mensahe ni Vice.


Wala namang binanggit na pangalan ang It's Showtime host subali't ramdam ng lahat sa audience at mga judges na tila patama ito sa unang Idol Philippines Season 1 winner nu'ng 2019 na si Zephanie Dimaranan, na kinalauna'y nainip sa pagbi-build-up sa kanyang singing career at agad-agad ay pumirma ng kontrata sa GMA-7's Sparkle at kabilang na ngayon sa All- Out Sunday.


Halos tatlong taon ding naging mainstay ng ASAP Natin 'To, ang Sunday noontime show ng ABS-CBN, si Zephanie.


Nagulat din ang host na si Robi Domingo sa matapang na mensahe ni Vice sa mga talents na karaka-karaka'y nagdedesisyong lumipat ng istasyon.


Ani Robi, "Whatever happens, Kapamilya forever."


Nagpahatid pa ng seryosong mensahe ang Unkabogable at Phenomenal Star na si Vice, "Hindi, sa mananalo at pati sa lahat ng mga sumali at nagsimula na ang kanilang singing career, tapangan ninyo.


"Tapangan ninyo. Kasi, lahat, maraming talents, pero hindi lahat, matapang, kaya bumibigay agad sa napakaraming pagsubok na haharapain ninyo.


"Hindi easy ang showbiz, ha? Hindi ito easy money. Akala nila, easy money.


"Ang dami mong isasakripisyo rito at lahat 'yun, kailangan, may kasamang tapang. Tapangan ninyo."


Isa si Vice sa mga judges ng Season 1 ng reality-based singing competition ng Kapamilya Network noong 2019 kasama sina Regine, Moira at James Reid.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 18, 2022



Sa edad na 25 last September 14, ibinahagi ng actor at singer na si Iñigo Pascual ang pag-abot sa kanyang pangarap na maging ganap na Hollywood actor simula nang mai-release ang kanyang first American drama series na Monarch na ngayo'y napapanood na via streaming on iWantTFC.


“I guess I’m just grateful sa lahat ng blessings na dumarating and a lot of good things that have been happening with my life, a lot of things that I never would have expected to happen at this age," masaya niyang bungad.


On Inigo's wish for his birthday, “Siguro, ang mahihingi ko lang is siyempre, more success in my career and that this project will not only bring success to me but also will open doors for the artists in the Philippines to cross over, to be able to share what we have in the Philippines to the world stage.


" I want to be able to share my music internationally. Sana, mas maraming makinig sa kung anong meron sa Pilipinas,” aniya sa ginanap na Monarch online presscon last September 12.


Sinariwa rin ni Iñigo ang naramdamang pag-aalangan while auditioning for the project, which had him being pitted against other American and foreign actors.


“Actually, nu'ng audition ko pa lang, when I did my first callback and nasa Zoom kami nu'n and hindi na mga Pinoy 'yung kasama ko sa Zoom, nakakatakot pala kasi nasanay na ako na mga Pinoy 'yung kaharap ko sa Zoom and 'pag nag-i-English ako and if I mess up, kaya kong mag-Tagalog or something. Pero ngayon, kailangan ko na i-step-up and I have to really do it on my own in a way. Dun pa lang sa point na 'yun, when I first moved to Atlanta, nu'ng una ko pa lang lipat dito, I was scared for myself. Sabi ko, 'Kaya ko ba ‘to? Kaya ko ba 'yung hinaharap ko? 'Yung gagawin ko?'


“Siyempre, sa Pilipinas, 'andu'n 'yung suporta ng mga kasama ko, my management and everyone, my dad (Piolo). But then, all of a sudden, coming into this project, it was like starting from ground zero. I was starting from nothing. No one knows me, no one knows who my dad is and it was scary, of course.


"And I was scared for myself. But it feels good na in a way na mas kaya kong i-show 'yung mas kaya kong ibigay. It’s scary to say that but it makes me feel proud that I’m able to do a project like this where I can showcase my own personality and my own talents and not just be called Piolo’s son,” pahayag ni Iñigo.


Ikinuwento pa nito na noon pang nakaraang taon ang kanyang first taping day, and was extra memorable because it was also on his 24th birthday.


Sinabi rin ng ASAP Natin 'To talented artist na he did not know what to expect sa kanyang first international production.


“Siyempre, 'yung unang-unang araw ko sa set, unang tapak ko, wala akong RM (road manager), wala akong handler na sasama sa akin. I’m on my own and first day ko sa set, hindi ko alam saan tatambay. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Nahihiya akong magtanong.


"And then, after they did my makeup, nakaupo lang ako sa makeup trailer, tapos hanggang sa I needed to use the restroom. And then nu'ng nagtanong ako, ‘Where can I use the restroom?’ Sabi nila sa akin, ‘You have a trailer. Why don’t you use the restroom in your trailer?’ Tapos, natulala ako. Lumabas na ako, tapos tiningnan ko kasi madami talagang trailer sa set namin and hinanap ko 'yung pangalan ko na either Ace or Iñigo. And then I found Ace, and then I entered the trailer and umiyak ako, kasi siyempre, hindi ko in-expect na I would have my own trailer.


“Coming into this na bagong artista, hindi ka anak ni Piolo, wala akong expectations. Hindi ko in-expect na meron akong trailer. Siguro, in-expect ko na meron kaming shared standby area with the other stars that aren’t there yet.


"Pagpasok ko ru'n sa trailer, meron akong TV, meron akong microwave, fridge, couch, may sarili akong banyo. So, umiyak talaga ako and I called my manager. Sabi ko, ‘I have my own trailer, I can’t believe this!’ And pagdating ko sa set, alam mo 'yung mga nakikita mong upuan na may mga pangalan sa likod? I had one of those and nahiya pa ako kasi siyempre, sa Pilipinas, sanay ka na may nagbibigay sa ‘yo ng upuan, tapos ngayon, ibang lahi na 'yung nagbibigay sa akin ng taping chair ko. Nahiya pa ako," natatawa pang kuwento ng aktor.


Kaya't pakiusap ng younger Pascual, tune in to Monarch first on the iWantTFC app (iOS and Android) and website (iwanttfc.com).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page