top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 29, 2022



May panibagong update si Tita Cristy Fermin tungkol sa kalagayan ngayon ni Jake Zyrus, ang dating si Charice Pempengco.


Sa online program na Cristy Ferminute, ikinuwento ng beteranang kolumnista na hindi raw maganda ang kalagayan ngayon ng transman-singer.


Marami umanong kababayan natin sa Amerika ang nakakakita kay Jake na laging naglalasing at nagwawala raw sa US.


Sa naging usapan, napuna ni Fermin sa kanyang online program ang singer, "Uy, pag-usapan natin si Jake Zyrus. (Kung) Ano na ang nagaganap kay Jake? Ang daming mga Pilipino na nagkukuwento sa iba't ibang lugar sa Amerika na parati siyang nakikitang lasing. At kapag naglalasing na, nawawala sa sarili, nagwawala."


Sundot naman ng isa sa dalawang co-hosts ni Tita Cristy, baka raw may mabigat na pinagdaraanan ngayon si Jake.


"Naku, mukhang mabigat ang mga pinagdaraanan nito. Mukhang maraming iniisip ito," ani Rommel Chika.


Sey pa ni Tita Cristy, "Matindi ito. Matindi ito. Kasi 'yung pag-inom, okay lang 'pag may okasyon.


Pero kapag nakainom na, eh, teka muna, ba't nagwawala? Ano ang kanyang malalim na problema?


"May malalim na problema itong si Jake. Dapat na niyang anuhin, talagang ayusin," sey pa ng beteranang kolumnista.


In fairness, nakakaramdam kami ng pagkaawa sa dating sikat na singer. Matatandaang nitong taong ito, tatlo sa mga kamag-anak ni Jake ang pumanaw.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 25, 2022



Nitong nakaraang linggo, trending sa mga Marites ang tsismis na naghiwalay na rin daw ang mag-asawang aktor na si Jericho Rosales at ang fashion influencer na si Kim Jones.


Subali't binasag ni Kim ang pananahimik sa isyung hiwalayan nu'ng batiin niya ang asawang si Echo with matching photos habang nasa beach sa mismong araw ng birthday ng aktor na kanya ring in-upload sa kanyang Instagram post.


“Birthday boy in his natural habitat. This year is yours @jerichorosalesofficial,” Kim wrote.


Following her post, the actor commented and showed everyone how much his relationship with his wife means.


“I loooove! Back at you,” comment ni Echo.


Una nang idinenay ni Echo na hiwalay na sila ng misis nang tawanan lang niya ang isyu matapos tanungin sa ambush interview ng media.


Maraming netizens ang nag-comment na masaya silang makita na strong pa rin ang relasyon nina Echo at Kim, 'di tulad ng napapabalitang hiwalayan ngayon ng ex-GF ni Echo na si Heart Evangelista sa mister nitong si Sen. Chiz Escudero.


Ang ibang netizens naman, nais maging katulad ng relationship nina Kim at Jericho.


Matatandaang ikinasal sina Kim at Echo nu'ng May 2014 sa Boracay. They moved to New York earlier this year and Jericho has been taking acting lessons while Kim has been going in and out of the city for her career in fashion.


Samantala, naghahanda si Jericho para sa project with Piolo Pascual and they will be heading to the US in November for a concert tour. They’ll be staying in the US for about a month and a half according to the actor.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 24, 2022



Sa programa ni Tita Cristy Fermin, kanyang ibinahagi ang usapan nila ng Wowowin host na si Willie Revillame na handa itong tulungan ang It's Showtime host na si Vhong Navarro na ngayo'y dumaraan sa isang malaking pagsubok.


Si Vhong ay inaresto nitong Lunes, September 19, sa kasong rape na inihain ng model na si Deniece Cornejo at ngayo'y kasalukuyang nakadetine pa sa NBI Detention Cell.


Ayon kay Tita Cristy, may nababasa itong reports at napapanood na mga vlogs kung saa'y nabanggit umano ni Willie na handa niyang tulungan ang embattled Kapamilya host.


Kuwento pa ng beteranang columnist, "Tapos, meron pa ‘kong napanood kanina sa isang vlog at nabasa ko rin sa pahayagan na handa raw tulungan ni Willie Revillame si Vhong Navarro sa kanyang kinahinatnan.”


Matatandaang isa si Willie sa mga tumulong noon kay Vhong nu’ng naospital ang TV host sanhi ng pagkakabugbog ng mga kasamahan ni Deniece Cornejo dahil nga sa akusasyon ng model na siya ay ni-rape ni Vhong.


Nagbigay ng isang milyong tseke si Willie bilang tulong-pinansiyal sa kanyang pagkakaospital.


Pag-alala pa ni Ate Cristy, "Alam n’yo po, hindi lang ngayon. Eto po, ah, hindi na ako magpapaalam kay Willie Revillame, pero totoo at alam ko po ang katotohanan. Dumalaw po noon si Willie sa ospital kay Vhong Navarro, nag-iwan siya ng P1-M na tseke," sey ni Fermin.


Patuloy niya, "Ang sabi niya kay Vhong, 'Lipat ka ng kuwarto, 'yung mas malaki. Kasi, napakaliit nito kapag sabay-sabay na dumalaw ang mga kasamahan at kaibigan mo.


Mapupuno ('to).’


"Tapos, 'yung mga doktor, parang nagkakapalitan na sila ng mukha. Nag-iwan ng isang milyon na tseke si Willie, hindi lang po ngayon. Noon pa man po,” ani Tita Cristy.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page