top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 21, 2022



Sa panayam ng Star Magic's Inside News, nabanggit ng singer-actress na si Maymay Entrata na hindi niya akalaing ang kanyang hit song na Amakabogera ay mapapansin at makakatanggap ng recognition sa ibang bansa, partikular na sa Europe.


Nagbubunyi si Maymay dahil sa nomination nito as Best Asia Act in the 2022 MTV Europe Music Awards (EMA).


Bungad ni Maymay, "'Yung goal lang namin is mabigyan ng hustisya itong kantang Amakabogera, at ma-recognize ako ng mga tao bilang isang music artist. Pero, hindi ko akalain na mare-recognize rin po siya sa ibang bansa. Kaya sobrang blessed talaga.


"Napakalaking fulfillment ito para sa sarili ko rin bilang isang music artist, kasi 'yun naman talaga ang isa sa mga goals ko, 'yung ma-recognize ako ng ibang tao, ng ating mga kapwa-Pilipino, na ako rin po ay kumakanta."


Sinabi pa ni Maymay na napaka-blessed niya at napakalaking achievement na para sa kanyang singing career ang mapansin sa ibang bansa. Kaya naman lalo pa niyang ii-improve ang pagkanta.

"Still learning pa rin po sa craft ko at siyempre, isa sa malaking fulfillment dito sa ating mga OPM artists ay at least hindi lang po ma-recognize ang mga kanta natin dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa at isa ako sa pinaka-blessed dahil naging parte ako nitong napakalaking achievement na ito."


Sa pagkaka-nominate kay Maymay, makakatapat niya ang pambato ng Indonesia na si Niki, ang SILVY ng Thailand, ang Japan's The Rampage from Exile Tribe at South Korea's Tomorrow x Together. Si Maymay ang tangi o nag-iisang Filipino nominee sa taong ito ng MTV EMA.


Ayon pa sa nararamdaman ni Maymay sa natanggap na international nomination, "Sobrang overwhelmed po, kasi malaking blessing po siya. 'Yung katotohanan na hindi pa nag-one year 'yung Amakabogera, tapos ganito na agad 'yung naibigay na recognition sa atin ay isang napakalaking biyaya po talaga para po sa akin. Siguro talaga, dala-dala ko ito hanggang sa pagtanda ko. Kasi, hindi ba, kapag first, hindi mo makakalimutan 'yun, tapos MTV EMA pa," pagmamalaki ni Maymay.


Aminado rin ang young singer na nakahanda na rin siyang humarap sa international stage 'pag nabigyan ng pagkakataon.


"Naniniwala ako na kapag pinaghusayan mo at pinag-aralan mo talaga at alam mong ready ka na, so opo."


Nais niyang tularan ang ilan nating OPM artists na nagkakaroon na ng career sa ibang bansa.

"Isa rin po 'yun sa magiging dream ko talaga," aniya pa.


Nakikiusap din si Maymay na huwag siyang kakaligtaang iboto ng kanyang mga fans dahil ayon sa MTV EMA, fans can vote for their favorite artists until November 9.


The 2022 MTV awards ceremony will be held in Dusseldorf, Germany on November 13 with live broadcast across 170 countries on MTV channels.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 16, 2022



Ibinahaging People's Champ na si Manny Pacquiao sa kanyang social media ang ilan sa mga piktyur niya kasama ang K-Pop star na si Sandara Park last Friday, October 14.


Pareho silang guests sa South Korea’s top variety show na Knowing Bros.


Makikitang suot ni Manny ang iconic outfit ng South Korean show at kasama niya ang asawang si Jinkee.


Naroroon si Manny at ilang kapamilya para sa kanilang bakasyon sa South Korea. Ang pagbabakasyon nina Manny ay bilang part of the boxer’s promotional activities for his upcoming exhibition match with Korean YouTuber DK Yoo which is slated to happen on December 11.


The Pambansang Krung-Krung commented how it was nice seeing Filipino faces in her home country.


“Sana nag-enjoy po kayo!!! It was really fun,” ani Sandara sa Pacquiao's entourage.


Hindi pa naa-announce kung kelan ipapalabas ang guesting ni Sen. Manny sa Knowing Bros. At may appearance rin siya sa South Korea’s longest-running variety show na Running Man.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 8, 2022



Kung marami sa mga local celebrities natin ang nawalan ng trabaho sa showbiz nu'ng panahon ng COVID pandemic, ang anak naman ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual ay sa Hollywood pa nagkaroon ng career via the Hollywood series titled Monarch.


“Honestly, I’m not saying that the pandemic has been good, but in a way, I probably wouldn’t have been accepted in this project without the pandemic. Self-tapes happened during the pandemic and I landed this role through a self-tape,” masaya nitong pagbabahagi.


Masaya rin daw siya nang malaman that more Asians are being represented onscreen in Hollywood.


“It feels good. I’ve felt it for the past couple of years with all these artists, Olivia Rodrigo, Bruno Mars has been around for the longest time. It feels nice with the acceptance of the variety of ethnicities in the States.


“I feel like now you’re not limited to a certain stereotype no matter what your race is and it feels good to represent where you come from. I feel like we’re living in times wherein because of technology and because of the pandemic, it’s more open globally to represent where you come from and it’s not limited anymore to whatever background you have. And it feels good."


Ipinagmamalaki ni Iñigo na kumbaga'y inire-represent niya ang gaya niyang mga Pinoy dahil sa kanyang nakamit na pagkakataong magkaroon ng international project.


“Siguro, bawat araw na nasa set ako, surreal. Even now. I was even crying when we did a watch party. To see my family in America, not watching TFC, not watching ABS-CBN, and for them to be watching a channel that’s not Filipino-related was something na hindi ko inakala na mangyayari. And it feels good that just because I’m doing this, it doesn’t mean that I’m leaving my Filipino roots."


Ngayong tapos na ang taping nila ng first season ng Monarch, Iñigo revealed he is looking forward to working on more projects abroad in the near future.


Wala naman daw masama kung mangarap ng mas mataas pa.


“I’m currently auditioning for a couple of stuff actually dito sa States. Hindi lang ako puwede ma-lockdown sa isang long term project since we’re still waiting if we’re going to continue with season two. But of course we’re asking for your support na sana magkaroon ng season two.


But I’ve been auditioning for a couple of projects. I’ve been sending in my self-tapes and it feels good kasi marami na akong naririnig na mga kaibigan ko who have been sending their self-tapes. So I expect a lot of Filipino artists in Hollywood."


Nag-premiere nitong September 11 ang Monarch via FOX TV at sa iWantTFC app (iOS and Android) and website (iwanttfc.com). The series, which is distributed by Sony Pictures Television, is available for free for iWantTFC subscribers in the Philippines

 
 
RECOMMENDED
bottom of page