top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 28, 2022



Maraming fans ni Kris Aquino ang natuwa nang malamang on the way to recovery na ang Queen of All Media sa pinagdaraanan nitong sakit na autoimmune disease.


Ang pagbuti ng kalagayan ni Kris ang nilalaman ng update ng vlogger-talent manager na si Ogie Diaz sa bago nitong vlog.


Ayon kay Ogie, nadagdagan na ang timbang ni Kris na nasa 90 lbs. na ngayon kumpara sa dati na halos wala pang 80 lbs..


Ani Ogie, "Tumataas. Parang dati kasi, naalala natin, 'di ba, nu'ng sinabi ng ate niya na she's not even 90 pounds, eh, ngayon, 90 pounds na siya. Wow!" bulalas ni Ogie sa kanyang vlog.


Sa pananaw ni Ogie, sadyang napaka-effective talaga ng pagdarasal, kaya naman ineengganyo pa rin niya ang publiko na huwag tumigil at ipagpatuloy pa rin ang pagdarasal para sa ikabubuti ng kalagayan ng actress-host.


"Kaya jusko, napaka-effective po ng ating prayers, so continue praying for Kris' recovery," sey pa ni Ogs.


Matatandaang nanggaling pa sa ilang espesyalista sa Singapore si Kris hanggang tinanggihan ng kanyang mga doktor at sa halip ay ipinayo sa kanya na mas makabubuting magpatingin sa ilang dalubhasang doktor sa US na mas nakakaalam ng kanyang iniindang limang autoimmune condition.


Kung tuluy-tuloy na ang recovery ni Kris, malamang na maging happy ang kanyang kaarawan sa Valentine's Day (February 14, 2023).


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 26, 2022



Unkabogable Star and It's Showtime host Vice Ganda and his "asawa" Ion Perez celebrated their fourth anniversary as a couple yesterday (October 25).


Sa kanilang espesyal na araw, ibinahagi ni Vice ang isang clip sa kanyang Instagram Stories.


"Happy anniversary Babe," sey ni Vice kay Ion.


Sinalubong ng couple ang kanilang anibersaryo nitong October 24 sa isang private resort sa Tiaong, Quezon with videoke party plus fireworks display.


Sa kanya ring Instagram, ibinahagi ni Ion ang kanyang sweet anniversary greeting kay Vice kasama ang kanilang larawan na magkahawak-kamay habang ini-enjoy ang fireworks display.


“Uulitin ko! Maraming rason ang TAMA para maging MALI pero ang pagmamahal ko sa 'yo, walang rason para maging MALI!!! Happy 4th anniversary asawa ko!” Ion wrote.


Ilan sa mga inimbita nina Vice at Ion ay sina Awra Briguela, Hashtags members na sina Wilbert Ross, Kid Yambao at Zeus Collins.


May post si Zeus ng video ng fireworks display with caption, "Happy anniversary Gandara & Ion Perez! Ito ang masarap panoorin sa social media, 'yung puno ng pagmamahal (heart, praying hands,100% emojis)."


Kung matatandaan, ikinasal sina Vice at Ion sa Las Vegas nu'ng October, 2021 during their trip to USA. In an episode of It’s Showtime, Vice revealed that he and Ion have been engaged since February, 2020. Pero, nagsimula ang kanilang relasyon 4 yrs. ago.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 24, 2022



Pinag-uusapan pa rin sa social media ang Pinoy Hollywood star na ring si Iñigo Pascual na gumaganap as a country singer in the family drama Monarch.


Dahil napasubo na siya sa kanyang Hollywood dream, aminado ang anak ni Piolo Pascual that he had to study country singing with the help of a dialect coach while in the US.


“Nu'ng audition ko, hindi ko ginawa 'yung accent. Sabi ko, hindi ko kaya kasi natatawa ako.


Sabi ko, magmumukha lang akong ewan if I try too hard.


"So as soon as I moved to Atlanta, they had a dialect coach to train me before taping. And even on set, bago ka sumalang sa set mismo, pupuntahan ka ng dialect coach at kakausapin ka, you guys would throw lines with each other just so that you would feel comfortable with the lines that you’re saying during the scenes.


“But singing country music was honestly one of the biggest challenges that I had to face with this project. Ang daming beses na itinatanong ko sa sarili ko na, ‘Marunong ba talaga akong kumanta?’ Kasi imagine coming from a pop R&B singer and then you have to forget your knowledge about that,” kuwento ni Iñigo.


Dahil naka-focus nga ang series sa country music, ibinulgar ni Iñigo ang mga adjustments niya how to sing and act with the right accent on the show.


“It was about completely breaking that knowledge and starting a whole new genre and madaming beses na sasabihin sa ‘yo sa recording booth, ‘Can you sing this and can you make it sound like this?’ Sa utak ko, ‘Ano'ng difference? Ano ba 'yung sinasabi mong mali na ginagawa ko versus ano ba 'yung kailangan kong gawin?’


“So maraming beses na tinatanong ko na 'Hindi ba ako marunong kumanta? Hindi ba ako marunong makinig ng kung ano'ng mali na ginagawa ko? So there was a lot of things that I was questioning about my beliefs and I felt that this project really helped me hear better with what I could learn."


Samantala, habang busy sa syuting ng kanyang first Hollywood series, Iñigo admitted he enjoyed the pampering he received as one of the stars in the show.


“Siyempre, there’s a lot of things that I experienced for the first time. In a way, VIP treatment, being picked up from the airport tapos naka-luxury car. A lot of things na in a way, when you experience it, parang nahihiya ka na parang bakit ako? Hindi ko in-expect. Siyempre, starting from nothing, hindi ko ilalagay 'yung kung ano'ng meron ako sa Pilipinas dito sa project na ‘to,” pagbabahagi ni Iñigo.


Monarch is still available for streaming on the iWantTFC app (iOS and Android) and website (iwanttfc.com). The series, which is distributed by Sony Pictures Television, is available for free for iWantTFC subscribers in the Philippines.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page