top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 8, 2022



Ipinagdiwang ni Moira dela Torre sa A.S.A.P. Natin 'To last Sunday (Nov. 6) ang kanyang kaarawan. Inawit ni Moira ang kanta niyang Kumpas na theme song ng hit series na 2 Good 2 Be True nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Ayon sa A.S.A.P. host na si Martin Nievera, si Moira ang "secret weapon" ng Sunday musical variety show.


"There's no voice, there's no songwriter like Moira," ani Martin sa singer.


Sukli naman ni Moira, "And there's no me without my A.S.A.P. family."


Nang tanungin ang kanyang birthday wish, ani Moira, "This year, though a lot of unexpected curve balls in my life and along with the things that I didn't want, came a lot of things that I never knew I needed, and I don't know what I want to wish for right now because just looking at the studio right now, I have everything I need.


"And I think one of the greatest things that came along in these last few months is a greater appreciation for what God has already given me. God may have taken certain things away in my life, but He's given me so much better," makahulugan niyang pahayag.


Samantala, nito ring nakaraang Sunday, isang pasabog na performance ang inihandog ng Pop Royalty na si Sarah Geronimo sa A.S.A.P. Natin 'To sa pamamagitan ng kanyang bagong kantang Dati-Dati which some fans believe na para sa kanyang parents na sina Daddy Delfin at Mommy Divine na nakatampuhan niya dahil sa pagpapakasal niya kay Matteo Guidicelli nu'ng Feb. 20, 2020.


Ang kanyang Dati-Dati performance is her second in A.S.A.P. Natin 'To segment na Sarah G Specials after her A.S.A.P. comeback last August, 2022.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 6, 2022



Nagkaroon ng ilang aberya ang Uganda trip ng ating pambato sa nalalapit na Miss Planet International 2022 title na si Herlene "Hipon Girl" Budol na gaganapin sa darating na November 19, 2022 sa Kampala, Uganda.


Kahapon (November 5), nagbahagi si Hipon Girl sa kanyang Instagram account ng ilang naganap na kapalpakan para ipaalam sa lahat ang kanyang pagkadismaya sa late na pagdating ng ilang bagahe niya sa Entebbe International Airport.


Paliwanag ni Herlene, bago pa ang kanilang boarding, sinabihan na sila ng airline staff tungkol sa kanilang mga 'overweight' na baggage.


Ani Hipon Girl, "Pagdating ng airport, ayaw ipakarga (ang bagahe), kesyo oversized daw.


Then no choice na rin kami at hinayaan na lang naming chinop-chop nila at binaklas buong box.



"Ang masaklap, 'yung pinaka-body ng (national) costume, hindi nakarating ng UGANDA."


Tuloy, stranded sila sa Uganda Airport, waiting for the rest of the baggage to arrive.


"Buong araw na kami sa airport at tinengga oras namin at pinangakuan kami na darating ng gabi. Pero 2:30 AM na at wala na silang paramdam," reklamo niya.


Herlene tagged the airlines under her post saying, "Please help me!!"


Sa isa pang Instagram post, makikita naman ang picture ni Herlene at ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na masaya dahil ang seats nila sa airplane pa-Entebbe, Uganda ay upgraded pagdating nila sa Addis Ababa, Ethiopia — their next stop after Manila.


Habang isinusulat namin ito, wala pang update mula kay Herlene. Pero dasal ng mga netizens, sana ay nakuha na rin nila nang buo ang kanilang luggage or else, alam naman nating "fighter" ang manager ni Herlene na si Wilbert.


But despite sa na-encounter nilang aberya, dalangin naman ng mga Pinoy na maiuwi nito ang korona sa beauty pageant na gagawin sa Nobyembre 19 sa Uganda.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 31, 2022



Mukhang ang goal ng young superstar na si Kathryn Bernardo ay lalo pang yumaman.


Bukod kasi sa kanyang salon business, nagtayo pala ito ng boutique sa isang resort sa El Nido, Palawan kung saan kasosyo niya ang ilang celebrities tulad ni Piolo Pascual.


Ginanap ang opening at blessing ng kanilang boutique last Friday kung saan present din ang boyfriend niyang si Daniel Padilla kahit nababalitang break na sila.


Pero bukod sa pagba-viral ng picture nila ni Daniel na magkasama, mas nakaagaw ng pansin sa ilang netizens ang crop top na suot ng primetime actress dahil gawa raw ito sa tela ng sako ng harina.


Ang nasabing tela ay gamit ng mga sinaunang tao bilang lampin ng mga baby.


Kaya naman, ilang netizens ang pumuna sa suot ni Kathryn.


Sabi ng isa, "Yes to sustainability."


Comment naman ng isa pa, "Pilmico lang sakalam."


"Wow, galing! Naging mukhang mamahalin ang suot niya," papuri naman ng isa pa.


Ilan pang puna, "Sabi ko na nga ba, flour sack 'yung damit. Magandang tela niyan. He, he!"


Sabi pa ng isang nanay, "'Yan din nga ang lampin ng baby ko."


Pero para sa nakakaraming fans ni Kathryn, kahit ano pang isuot ng kanilang idolo, nagmumukha itong mamahalin.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page