top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 1, 2022



Nitong nakaraang Lunes, bisita ng morning talk show na Magandang Buhay ang beteranang singer-host na si Zsa Zsa Padilla at napag-usapan ang ilang bagay sa anak na si Karylle.


Ipinagpapasalamat daw ni Zsa Zsa na si Yael Yuzon (vocalist ng Sponge Cola) ang napangasawa ng anak.


Bakit?


Sa paunang mensahe ni Zsa Zsa kay Yael, "Unang-una, minahal mo talaga nang lubusan si Karylle. Tinatrato mo siyang maigi at nakikita ko na talagang pina-prioritize mo siya.


Napakasipag ni Yael. Magandang trait 'yun kasi alam ko na maaalagaan niya ang anak ko nang husto. At saka, mapagbigay siya kay Karylle," ani Zsa Zsa sa manugang.


Ibinahagi rin ng ASAP Natin 'To singer kung ano ang impression niya nu'ng unang ipakilala sa kanya ang mister ni Karylle. Kasi nga, karamihan daw sa mga members ng banda ay babaero.


Ani Zsa Zsa, "Kasi, 'di ba ang image niya, hindi ba, rocker? Siyempre, naisip ko, 'Naku, chick magnet kaya ito? Naitanong ko pa yata kay K 'yun, eh. Naalala ko lang ngayon, chick magnet."


Marami bang girlfriends si Yael? Hindi ba't kapag banda, habang kumakanta ay hinahangaan?


"'Yung image niya rin kasi, 'di ba, may angas? Astig ang mga rock stars. Pero, oh, my God, kapag nakilala n'yo si Yael, he is such a softie. He has a soft heart, kumbaga, napaka-gentle niya," masaya niyang kuwento.


Year 2014 nang ikasal sina Yael at Karylle sa San Antonio de Padua sa Silang, Cavite. Hanggang ngayon, hindi pa nabibiyayaan ng anak ang mag-asawa.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 26, 2022



Hindi mapigilang mag-react ng beteranang kolumnista na si Cristy Fermin matapos makita ang ilang photos ng It's Showtime host na si Vhong Navarro na naka-posas tulad ng ordinaryong kriminal.


Ang mga larawan ay ibinahagi ng NBI kung saa'y nakasuot ng kulay orange na t-shirt si Vhong at naka-sumbrero.


Ibinahagi ni Tita Cristy sa kanyang programa ang naging saloobin nang makita niya si Vhong na naka-posas.


Ani Fermin, "'Yung tinakpan ng panyo o tuwalya 'yung kanyang mga kamay, opo, totoo po 'yan na kailangang gawin ng taga-NBI, dahil kasama 'yan sa protocol."


Sabi pa ni Tita Cristy, "Pero napakasakit pong tanggapin na ang isang kasama namin sa industriya ay makikita namin talaga na naka-posas. 'Di ba, napakasakit nu'n? Sa totoo lang."




 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 23, 2022



Maraming tagasubaybay ng Maalaala Mo Kaya (MMK), ang sinasabing Asia's longest drama anthology, ang nalungkot nang inanunsiyo ni Ma'm Charo Santos-Concio na magpapaalam na ang kanyang programa ngayong Disyembre pagkatapos ng 31 years nitong pamamayagpag sa ABS-CBN.


At sa loob din ng 31 years, maraming makabagbag-damdaming episodes ng MMK tungkol sa buhay ng mga Pilipino ang naitampok sa nasabing programa ng ABS-CBN.


"Hindi na po mabilang ang nasalaysay na kuwento rito sa MMK — mga kuwentong totoo, mga salamin ng sarili ninyong buhay na nagbigay ng aral at ng panibagong pag-asa,” Charo said in her farewell message.


"Kami po ay tagapaghatid lang ng mga kuwento,” dagdag niya. “Kung mauulit man ang lahat, hindi po ako magdadalawang-isip na piliin muli ang role na ito. Kulang po ang tatlumpu’t isang taon para magpasalamat sa inyo.”


Gustong pasalamatan ni Ma'm Charo hindi lang ang mga aktor na gumanap sa MMK sa mga real-life characters ng mga letter senders kundi maging ang mga tao sa likod ng tagumpay ng programa, ang mga creative staff at crew.


Samantala, Maalaala Mo Kaya will release a three-part special until December 10, its last day of airing. Ang first episode ng show ay umere nu'ng 1991.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page