top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 13, 2022



Samantala, nagbigay din ng saloobin ang dating It's Showtime host na si Billy Crawford sa pansamantalang paglaya ng kasamahan dati na si Vhong Navarro.


Sa Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz, na-interview ni Mama Loi si Billy at sinabi nitong masaya siya sa provisional liberty ng dating ka-Showtime.


Ani Billy, "Siyempre naman, sino ba naman ang 'di matutuwa sa balitang 'to, especially itong Paskong 'to na dapat magkakasama ang mga pamilya, 'di ba?"


Bagama't wala sa It's Showtime si Billy, napanatili pa rin nila ang kanilang pagiging magkaibigan.


"Actually, nag-text-an na kami ni Kuya (Vhong), and I'm just really happy sa kanya na at least, makakasama niya 'yung asawa niya at magiging buo ang Pasko nila."


Dahil may mga proseso pang pagdaraanan si Vhong hinggil sa kinakaharap na kasong rape, humihiling na lang si Billy ng dasal para sa ikalulutas ng problema ng kaibigan.


"Naging malungkot ang buong industriya at ang buong Pilipinas nu'ng makulong siya. Pero at the end of the day, sana ma-resolve nang tama at sana, ipagdasal natin si Vhong kasi medyo mahaba-haba pa itong pagdaraanan niya.


"Siyempre, legal matters na ito, hindi tayo puwedeng makisawsaw lang. So, kung ako lang, matutuwa ako dahil sa kaibigan ko na nakabalik siya sa kanyang pamilya ngayong Pasko," ani Billy.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 7, 2022



Sa latest vlog ng Diamond Star na si Maricel Soriano kasama ang pamangking si Meryll Soriano, ibinahagi niya ang posibilidad na balang-araw, hindi na ganu'n kakinang ang kanyang bituin.


Sinabi pa niyang nakahanda siya sa anumang mangyayari sa kanya at sa kanyang career.


“Takot ka bang malaos?” tanong ni Meryll kay Marya.


“Hindi [ako takot malaos]. Kasi from the start, bata pa ako, alam ko na 'yan. Sinabi na nila sa akin. Sabi nga nila, lahat ng bagay, may katapusan, kaya dapat, laging handa. Dapat, girl scout ka, laging handa,” sey ni Maricel.


Payo pa ni Marya (tawag sa aktres), kailangang ipagpasalamat ng kapwa niya actor ang kanilang tagumpay.


“Hindi puwedeng hindi ka maging handa dahil parang buhay din ito na [marami]... ang maaaring mangyari. Maaaring mangyari na sumikat ka — maraming-maraming salamat.


Paano kung hindi? Maraming-maraming salamat pa rin dapat,” aniya.


Alam naman ng beteranang aktres na magpe-fade ang kanyang celebrity status at tanggap rin niyang siya'y malalaos at may mga bagong papalit sa kanyang trono.


“Kung sumikat ka at tapos na 'yung time mo, ibigay mo naman sa iba. Ganu'n talaga 'yan, eh. Natapos na 'yung time mo, share it naman with others."


Samantala, excited na rin si Marya para sa kanyang upcoming teleserye na Linlang where she will be acting alongside younger actors Kim Chiu, Paulo Avelino and JM de Guzman.


"Parang ready ka na ulit umarte. Alam mo ‘yung sumisigaw ‘yung puso mo na, ‘Game na, Mary!’” masayang pahayag ng tinaguriang Diamond Star.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 4, 2022



Sa maayos at magandang pag-uusap sa pagitan ng kampo nina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz at ng Star Cinema, matutuloy na rin sa wakas ang film reunion ng dating top love team.


Si Bea mismo ang nag-anunsiyo sa isa niyang media conference sa balik-tandem nila ni John Lloyd sa wide screen under ABS-CBN's Star Cinema.


"I'm going to do another movie with John Lloyd Cruz under Star Cinema," masayang bungad ng actress.


Sa nasabing movie, same staff ng kanilang 2007 hit film na One More Chance ang bubuo sa production team with Direk Cathy Garcia-Molina as the film's director.


"It will be written by Carmi Raymundo and concept by Enrico Santos. So, it's going to be exciting.


"I've been excited (with the project) because 'yun nga, kagaya ng sinabi ko, parang I've been in the business for so long pero para bang nagsisimula ulit ako. I have that drive again. Parang sabi nga nila, second wind," panigurado pa ng aktres.


Talagang pinrayoridad ni Bea ang reunion niya with Lloydie dahil may gagawin siyang TV series sa Kapuso Network at isa pang project with Direk Erik Matti.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page