top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | January 5, 2023



Bukod kina Vice Ganda at Anne Curtis, isa si Ogie Alcasid sa mga totoong nagmamalasakit sa pinagdaraanan ng kanyang co-host sa It's Showtime na si Vhong Navarro simula nang arestuhin ito dahil sa binuhay na kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo.


Kung ang ibang kasamahan ni Vhong ay hayagan ang panalangin na sana'y matapos na ang problema ng comedian-host, mas malalim pa ang concern ng OPM singer sa katrabaho.


Sa kanyang social media, masayang ibinida ni Ogie Alcasid ang pag-join ng actor na si Vhong sa kanyang prayer session.


Sa post niya sa Instagram, ibinahagi ni Ogie ang larawan nila ni Vhong kasama ang kanyang mga kaibigan.


Pinasalamatan din ni Ogie si Vhong sa pag-join nito sa kanilang prayer meeting.


"Our 11 year old small group!! Ty Jesus for the different testimonies of faith that we learn from each other. Only by your grace dear Lord! TY Pareng @vhongx44 for joining us also.


Hallelujah!!" sabi ni Ogie sa kanyang post.


Matatandaan na kamakailan bago sumapit ang Pasko, pinayagan si Vhong ng Taguig RTC na pansamantalang makalaya sa bisa ng isang milyong pisong piyansa.


Pero muling sasalang sa korte si Vhong sa pagsisimula ulit ng hearing ngayong February 2023.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | January 3, 2023



Nagbigay ng komento-reaksiyon ang beteranang kolumnista at showbiz anchor na si Tita Cristy Fermin tungkol sa pagiging kulelat sa takilya ng My Teacher nina Toni Gonzaga at Joey de Leon.


Bagama't may 6.5 milyong supporters sa kanyang YouTube channel si Toni, tila inisnab ang actress-host ng kanyang mga fans among all the 8 entries sa MMFF.


Ani Tita Cristy, "Hinahanap ngayon ng mga kababayan natin ang kanyang milyun-milyong subscribers at followers sa YouTube.


"Bakit nga raw walang nangyari? Bakit hindi nag-translate sa takilya (million subscribers)?” na tila ang tinutukoy ni Tita Cristy ay ang 31-M voters ni P-BBM na inaasahang susuporta sa kanyang pagbabalik-pelikula?


Kambiyo ni Tita Cristy, "Baka naman bising-bisi lang (ang mga fans), baka nag-uwian sa probinsiya. Baka pagbalik ng Maynila, 'yun na," ayon pa sa beteranang showbiz anchor.


Pero to be fair with Toni, hindi lang naman dapat sa kanya ang lahat ng burden sa kinita ng My Teacher dahil kasama rin sa pelikula si Joey de Leon na napakarami rin namang fans sa Eat… Bulaga!.


Maaaring hindi lang nasanay ang mga tao sa tambalang Toni-Joey kaya hindi ganu’n tinangkilik ang pelikula.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | December 30, 2022



Ang Viva Films' Deleter ni Nadine Lustre ang pumapangalawa sa top grosser sa pagdiriwang ng Metro Manila Film Festival 2022 (MMFF) kasunod ng pelikulang Partners In Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi, ayon sa report ng MMDA.


Humakot ng awards ang pelikula ni Mikhail Red dahil bukod sa Best Actress (Nadine), nakuha rin ng Deleter ang Best Picture, Best Director (Mikhail Red), Best Cinematography, Best Visual Effects, Best Sound at Best Editing.


Siguradong lalakas pa ngayon ang movie after Deleter’s impressive haul at the awards night.


Nagbigay ng saloobin si Nadine tungkol sa sorpresang ang isang horror film gaya ng Deleter ay isa sa top grossing movies sa box office charts, as well as after its first week theatrical run.


Sa panayam sa Best Actress ng MMFF 2022, “It’s just numbers. As an actress, as someone who loves her craft, 'yung pinakauna talaga sa akin is 'yung alam kong na-entertain ko 'yung mga Pilipino, na-entertain ko 'yung audience. So if ever man that is true, I’m really, really happy that Deleter is doing really well. Sobrang unreal. Hindi ko ma-explain. Kasi talagang hindi kami nag-expect ng anything. So 'yun lang, parang hindi pa nagsi-sink in," natatawa nitong sagot.


Aniya pa, "Honestly, I was more happy that the MMFF is back. I know na 'yung panonood ng sine every holiday season is a huge tradition for Filipinos. So more than anything, I was happy that MMFF is finally back.


“Unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa MMFF. Sobrang unreal sa pakiramdam na pinili nila 'yung Deleter kasi hindi talaga namin in-expect na makakasama 'yung Deleter sa MMFF. Itong award na ito, ide-dedicate ko ito sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko na patuloy na sumusuporta sa akin, sa boyfriend kong si Chris, and of course sa Viva family ko, and sa Team Deleter," masaya niyang pahayag.


Dagdag pa ni Nadine, “Sobrang saya namin. Hindi talaga namin in-expect 'yan. Masayang- masaya kaming lahat na nagbabalik na ang mga pelikulang Pilipino sa sinehan. Mabuhay ang MMFF at mabuhay ang pelikulang Plipino."


Natuwa naman ang mga fans ni Nadine when she made special mention of her non-showbiz boyfriend Christophe Bariou, isang Fil-French businessman.


“He was very supportive nu'ng nagsu-shoot kami. Nagpupunta siya sa location, inihahatid niya ako minsan. He understands I guess how tiring and how taxing kasi nga horror. And usually we would shoot every night, medyo late na rin. So he knows how taxing it could be.


He’s just there to support me and always inspire me and tell me to always give my 110% kahit na may mga days na ‘Ah, sige, bahala na 'yan!’ He would always remind me to always give my 110%,” ani Nadine.


Nito lang September, nag-enjoy ang couple sa trip nila sa France kaya may mga nag-isip na baka nagpakasal na sila roon.


“Ay, wala pa, hindi pa ready," sagot ni Nadine.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page