top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | January 19, 2023



Sa isyung kinakaharap ngayon ng vlogger-host na si Alex Gonzaga na pinahiran ng icing ng cake ang waiter na nag-serve ng kanyang birthday cake, maraming netizens ang tumawag na "bastos at mal-edukada" sa aktres-host.


To the rescue naman para sa kaukulang paliwanag at damage control ang publicist ng mga Gonzaga na si Peter Ledesma para ikuwento kung ano nga ba ang nasa likod ng pahiran ng icing ng cake sa mukha ng waiter na nakilalang si Allan.


Pagbabahagi ni Peter, ang naturang waiter ay kaibigan ng Gonzaga at Soriano Family.


"This Allan, one of the waiters of Florabel Resto and Catering Service in Valle Verde Pasig, is a friend of Mommy Pinty Gonzaga and Soriano Family. Kaya majority of the event of Gonzaga and Soriano Family ay sila ang kinukuha ni Mommy Pinty na mag-cater ng food and beverages.


"At itong si Allan ay laging kabiruan nina Mommy Pinty and Alex at ito ang parating nagse-serve sa kanila. Kaya tuwing nagkikita ay binabati agad ni Allan ang mag-mommy, magiliw ito sa kanila."


Sinabi pa ni Peter na hindi "bangenge" sa alak si Alex kaya nagawa ang nasabing "disrespectful gesture" sa waiter tulad na lang ng claim ng dating co-host ni Alex sa Juicy show sa TV5 na si DJ Mo Twister.


"Hindi naman magagawa ni Alex ang magbiro at magpunas ng cake kung hindi sila magkakilala ng said waiter na sanay na sa pagiging mapagbiro at kikay ni Alex. This is the side of Mommy Pinty na higit na nakakaalam ng istorya ng anak. And one more thing, ay hindi totoong lasing si Alex na tulad ng pinalalabas ng kanyang detractors and bashers," pagkaklaro ni Peter.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | January 10, 2023



Tapos na ang MMFF pero hindi pa rin natigil ang mga fans sa pagsasabing pinakakulelat sa takilya ang My Teacher nina Toni Gonzaga at Joey de Leon. Despite the promos, ayaw daw panoorin ng mga tao ang Toni starrer.


Ibinahagi ng source ni Cristy Fermin na diumano'y dalawa lang silang nanood sa pelikula nina Toni at Joey na My Teacher.


Ang nasabing pelikula kasi ang isa sa mga napag-usapan ni Tita Cristy at ng kasama niyang si Romel Chika sa kanilang show.


"Nasaksihan mismo ng dalawang mata ko, na talagang sa dami-dami ng nakausap ko talaga, wala akong ni isang nakasalubong na nanood nito," ani Rommel nang mag-ikot umano siya sa mga sinehan.


Ikinuwento rin ni Tita Cristy ang diumano'y isang source na nag-text sa kanya tungkol sa pelikula nina Toni at Joey.


"Alam mo, meron nga tayong isang CFemer na nag-text na hindi raw siya nagulat masyado sa pelikulang Deleter. Ang ikinagulat daw niya ay noong nanood siya ng My Teacher, dadalawa lang sila sa sinehan," kuwento ng TV host.


"Ang tingnan mo, ha, ilan ang subscribers niya? Ilan ang mga views ng kanyang mga vlogs, milyun-milyon. Tapos, hindi nag-translate sa takilya. 'Yun ang hinahanap ng ating mga kababayan," dagdag pa ni Tita Cristy.


After ng flop na My Teacher, hindi pa raw nadala si Toni sa sulsol ng kanyang mga friends.


Susubukan naman niyang ibalik ang kanyang nawalang ningning dahil sa susunod na buwan, susubukan nitong mag-concert sa isang malaking venue.


Subali't 'di gaya ng mga nakaraan niyang concert bago nag-pandemic na sold-out kaagad ang tickets mapanood lamang siya ng mga sabik na tagahanga, ayon sa isang unconfirmed source, matumal ang bentahan ng tiket sa nalalapit niyang concert.


Mukhang palaos na ang beauty ni Celestine a.k.a. Toni Gonzaga.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | January 7, 2023



May bagong update si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalusugan.


Sa kanyang comment on her fan page, Kris Aquino World, informing that she would be admitted to the hospital para ma-evaluate ng mga doktor ang kanyang diagnosis, sinabi niyang maging ang bunsong anak na si Bimby ay magkakaroon na rin ng medical assessment sa ospital.


Kris wrote, "THANK YOU for keeping us in your prayers - next week we super need MORE especially for our doctors. Bimb needs to go in for a few nights confinement for his full medical assessment (he & kuya had their primary immunodeficiency genetic testing done - because both of them have the same blood type as me, like all my siblings, & our mom)."


Idiniin din ni Kris na siya ay "firm believer" na mas better na malaman nang mas maaga kung may sakit ang kanyang mga anak nang maagapan kung kailangan.


"My 6’1”, 15-year-old sa pediatrics pa rin, so magbabantay ako."


Ibinalita pa ni Kris that she will be confined at the hospital for days.


"I’ll be confined for 5 nights to confirm that my previous diagnosis of having 4 autoimmune conditions was correct & to confirm if I do have a 5th because of my recent blood panel.


Thank you for being so compassionate & consistent."


Sa same post, ibinulgar ni Kris na privately ay dino-document niya ang kanyang journey na soon ay ise-share niya sa kanyang mga fans.


"I’ve avoided posting any pics of myself because I’ve been privately chronicling my journey - hoping na after the many months na titiisin ko ang immunosuppressant therapy (I’ve researched all the warnings of how weak I'll feel, the likelihood that I’ll have low grade fever, throw up often, weight loss, feel even more fatigued than I do now, and 'yung possibility that I’ll lose my hair- after all the medication is what’s given to cancer patients undergoing chemotherapy- BUT for rheumatology patients 'yung dosage is about 15%).


"I’d be able to show all of you in a documentary - na hindi ako SUMUKO, sa lahat ng kinailangang pagdaanan, itinuloy ang LABAN."


Well, marami nang excited na mapanood ang naturang documentation ni Kris ng kanyang pinagdaraanan sa kanyang sakit para magbigay ng inspirasyon sa iba pang dumadaan din sa malubhang karamdaman pero hindi sumusuko.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page