top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | January 26, 2023



Maraming nagtataka kung playing "housewife " na ba ang aktres na si KC Concepcion?


Usap-usapan ngayon sa social media ang video ni KC na ipinost ng "teamkcpj" sa Instagram kung saan naispatan itong namimili sa Ayala Alabang Village Saturday Market kasama ang foreigner boyfriend.


Obyus na namili ng sari-saring lulutuin si KC dahil nakita sa background ang ilang paninda gaya ng itlog at iba pa.


Dahil sa nasabing video ay maraming netizens ang napatanong kung siya nga ba ang bagong boyfriend ni KC?


Comment ni Rey Cayetano ng Riverside, Dela Peña, Provident Village, Marikina, "Bakit 'di na lang niya inutusan ang kanyang katulong? Baka gusto lang niyang ibalandra ang bago niyang BF at sa mataong lugar pa siya rumampa?"


Malay natin, walang mautusan si KC at sila lang ng boyfriend niya ang magkasama sa bahay?


Well, sinasanay na siguro ni KC ang boyfriend na maging domesticated at malay natin, sila rin balang araw ang magsasama sa buhay.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | January 25, 2023



Masayang humarap si Coco Martin sa ilang piling press people sa kanyang media appreciation lunch na ginanap sa Luxent Hotel last January 23, Lunes.


Si Coco ang aktor na sabi'y actor na walang pahinga dahil pagkatapos ng Ang Probinsyano na tumakbo sa ere ng pitong taon, nagsu-shooting na naman ang primetime actor ng Batang Quiapo na handog ng Dreamscape Entertainment.


Pansamantala raw siyang natengga noong dumating ang pandemya.


"Pero ngayong nagbabalik na naman ang sigla ng industriya after ng pandemya, trabaho at trabaho na naman," bungad ng actor.


Na-realize nito na dapat din nitong alagaan ang sarili at pamilya at hindi lang basta pagkita ng salapi.


"Nasa mindset ko dati, kayod nang kayod para sa pamilya ko. Later ko lang na-realize na 'pag pinabayaan mo ang sarili mo, ang kalusugan mo, saan mapupunta ang pinaghirapan mo?"


Isang araw daw, sa kanyang pananalamin, napansin niyang 'di na siya bumabata.


"Maawa ka sa sarili mo," aniya sa sarili na 'di lang daw pala puro pera ang dapat na pinagtutuunan ng pansin kundi pati ang kalusugan.


Kaya naman naitanong sa aktor kung may maintenance na siya sa edad niya ngayong 41.


"Hindi pa po ako nagme-maintenance. Vitamins, 'yun lang. Malakas pa naman ako," pagmamalaki pa ng aktor.


Si Coco ang napiling brand ambassador ng RiteMed, ang sinimulang advocacy ng yumaong si Ms. Susan Roces. Bago niya tinanggap ang maging "The Rite One" ambassador, binisita muna niya ang planta ng RiteMed para siya'y makumbinseng siya nga ang next Susan Roces pagdating sa kalusugan at maintenance.


Kailangan daw niyang makumbinse ang sarili to be the next brand endorser, kaya't personal niyang binisita ang planta. Higit isang dekada raw kasing inalagaan ng kanyang Lola Susan ang pangalan ng kumpanya at ayaw niyang mapipintasan pagdating sa gamot.


"Si Lola Susan ang nagsabi dati na 'di dapat mahal ang gamot. At huwag mahihiyang magtanong."


Aniya pa, "Walang iniwanan si Susan, ipinagpapatuloy ko lang," aniya.


Samantala, ibinahagi ni Coco Martin ang totoong dahilan kung bakit nananatiling pribado ang kanyang personal na buhay.


Marami na kasing lumalabas na rumor tungkol sa kanila ni Julia Montes ngunit hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng dalawa.


Ayon kay Coco, ayaw niyang ibunyag ang personal niyang buhay lalo na sa publiko dahil ito lang daw ang maibibigay niya sa kanyang pamilya. Magiging matiwasay daw ang kanyang pamilya kung hindi niya ito isasapubliko lalo na ngayon na masyadong mainit ang social media.


"Mas masakit kapag may naririnig kang hindi maganda sa pamilya mo. Hangga’t maaari, bakit ko hahayaan na masaktan ako or pamilya ko? Kaya mas gusto ko na tahimik na lang.


Hindi naman magiging kabawasan 'yun, eh,” sabi ni Coco sa panayam sa kanya sa RiteMed launch.


Handa na rin daw si Coco na mag-settle down. Ito rin daw ang dahilan kung bakit siya nagsusumikap ngayon na magtrabaho.


"Oo naman, dati pa. Sabi ko naman sa sarili ko, mas private lang ako. Sabi ko nga, may mga bagay na ito naman 'yung dahilan kung bakit ka nagpapakahirap, kung bakit ka araw-araw gumigising para paghandaan ang future mo," pag-amin pa ng aktor.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | January 20, 2023



Binulabog ni Alex Gonzaga ang buong showbiz industry sa ginawang disrespeto sa isang waiter na nag-serve sa selebrasyon ng kanyang 35th birthday kamakailan lamang.


Maging sa labas ng bansa, wari'y isang teleseryeng sinusubaybayan ang bawat kanegahang ibinabato sa vlogger-host.


Gaya na nga lang ng dating MTV VJ-actress na si G Toengi na nakabase na ngayon sa America na hindi natuwa sa diumano'y pambabastos ni Alex kay Allan (ang pinaka-famous na waiter sa ngayon na umano'y kilala at kaibigan ng mga Gonzaga) kaya nagsalita na rin ito.


Komento ni G bilang sagot sa sinabi ng publicist ni Alex na si Peter Ledesma na hindi lasing ang aktres kaya nagawa 'yun sa waiter na close naman daw sa pamilya Gonzaga, "If they do have a relationship with Allan, even more so he should not have been treated that way.


"Kahit pabiro, Bastos siya," banat pa ng dating aktres kay Alex.


Dagdag pa ni G, "In fact, better to say Alex was intoxicated, so that it's a behaviour out of norm.


To say she was normal (at 'di lasing), and still did that (it) shows her true character," makahulugan niyang bitaw.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page