top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 12, 2023



Viral ngayon sa social media ang diumano'y kuwento ng mga kaibigan ni Vice Ganda kay Tita Cristy Fermin.


Sa online show ni Tita Cristy na Showbiz Now Na ay ikinuwento niya ang diumano'y sinabi ng malalapit na tao kay Vice tungkol sa hininga ng komedyante.


"Tutal, tinatawag mo kaming tatlo na mga chismosong chaka, 'di ba? Okay, 'di ka namin papatulan, pero may ikukuwento kami.


"Hindi mo kami mapipigil. Mga taong malapit sa 'yo ang nagsasabi na ang hininga mo raw ay amoy im***nal," sabi ng batikang manunulat-TV host-radio personality.


"Ang lakas-lakas ng loob niyang mamintas. Diyos ko! Kung alam n'yo lang, ang tindi ng amoy ng hininga niyan, parang bulok na daga," puna ng beteranang entertainment news anchor.


Sa totoo lang, halos lahat naman ng tao, 'pag 'di maayos sa kanyang personal hygiene, especially 'pag 'di nagtu-toothbrush sa umaga o every after meal, nagkakaroon ng bad breath.


Knowing Vice na maalaga sa katawan, malamang ay hindi lang ito nakapag-toothbrush o nakapag-candy man lang noong time na siya'y naamuyan nang 'di maganda.


Kaya naman payo sa lahat, 'pag nasa labas at 'di abot ang toothbrush, mag-mouthwash o mag-candy muna para mawala ang anumang 'di kaaya-ayang amoy ng hininga.


Samantala, ginanap kahapon (Saturday, February 11) ang Girl On Fire, isang segment sa It's Showtime at mula sa 10 Wildcards, 6 ang napili para magpatuloy sa grand finals sa darating na Sabado.


Ang anim na mapapalad na tutuloy sa labanan ay sina Kaye, Kim, Jelai, Hazel, Chole at Rica.


Bongga ang nakaraang Girl On Fire dahil akala ng madlang pipol, grand finals na kahapon dahil sa pinaghandaan ni Vice ang kanyang costume.


Tweet ni Shuichi Minamino, "Nanay ko, grand finals na ba? 'Yung costume din kasi ni Vice, pang-grand finals."


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 9, 2023



Pinag-uusapan pa rin sa kasalukuyan ang malaking isyu tungkol sa balitang pansamantalang ipapasara ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ang ilang programa ng AllTV Network na pag-aari ni former Senate President Manny Villar.


Lugi raw ang istasyon dahil bagsak ang ratings at walang advertisers.


Pinabulaanan naman ito ni Willie Revillame kung saa'y ang kanyang flagship program na Wowowin ay isa sa tatlong ipapatigil umano dahil wala raw pumapasok na revenue at nakaranas na raw ang programa ng zero rating sa patuloy nitong pag-ere sa AllTV.


Hindi pa naman daw opisyal na nagpapalabas ng statement ang AllTV tungkol sa “tigbakan alley”, kaya panatag pa rin ang TV host.


Ani Willie, “Isipin ninyo ito. Para malaman n’yo lang, hindi pa naman ako kinakausap ng AllTV [management] na magsasara ang show.”


'Yun din ang laman ng kanyang pahayag sa reporter na si Jojo Gabinete, “Wala pang sinasabi sa akin na magsasara. In fact, nagmi-meeting ho kami sa studio halos twice a week para matapos ang studio ng Wowowin sa Starmall.


“Ini-inventory na po ang mga ilaw, kung ano ang gusto ko. In fairness sa kanila, ‘Ano ba ang gustong LED ni Kuya Willie?’" hirit ng TV host.


Ang morning talk show nina Ruffa Gutierrez, Ciara Sotto at Mariel Rodriguez na M.O.M.S. (Mhies On A Mission) ay hindi rin daw ipapatigil.


"‘Yung sa M.O.M.S. ho, hindi itinitigil ‘yan. Naka-pause lang ‘yan. Ang tawag diyan, aayusin lang po ang signal at siyempre po, ang reach ng ALLTV."


Bagama't hindi nito pinangalanan, mas matindi ang buwelta ni Willie sa ilang showbiz personalities na kanyang natulungan at ngayo'y natutuwa raw sa kanyang pagbagsak.


Ani Willie, “Hindi na ako matatakot sa inyong lahat! Laban na ito kung laban! Masyado n’yo na akong inaapi. Masyado n’yo na akong sinasaktan. Hindi ako susuko sa inyo!


“I-vlog n’yo ako bukas! Pagtulung-tulungan n’yo ako, hindi ako natatakot! ‘Yun ang gusto n’yo?


Okay lang, sige!


“Tirahin n’yo ako araw-araw, minu-minuto, I don’t care! Kayo ang may utang na loob sa akin, hindi ako! Tandaan n’yo ‘yan sa buhay n’yo!”


Patuloy pang paghahamon nito, “Bukas, kahit ngayon, i-vlog n’yo ako. Araw-araw ko ring sasabihin kung sino kayo!


“At sasabihin ko ang mga pangalan ninyo, in time, kung sino kayo!


“Sige, laban tayo. Basta huwag ninyo akong ila-libel. Magkakasuhan tayo. Mag-ubusan tayo, sige!" matapang pang hirit nito.


Dugtong pa niya, “Alam n’yo kasi, ‘yung 24 million subscribers ng Wowowin, hindi naman mahilig sa fake news ‘yan. Hindi naman nagtete-text ‘yan.


“Sino ang mga ganyan? Eh, di ‘yung galit, ‘di ba? May ginawa ba akong kasalanan sa inyo kaya nagagalit kayo?


“Mayabang ako? Bakit, nakasama n’yo na ba ako? Nakasama ko na ba kayo nang 24-oras?


“Mayabang ako magsalita? Wala ho akong winalanghiyang tao. Lagi akong gumagawa ng paraan na makatulong sa mga kababayan natin.


“Hindi ako umiinom. Never akong nag-drugs in my life. Hindi ako naninigarilyo at alam ng lahat ‘yan.


“Pero ngayon ho, kung titirahin n’yo ako, titirahin ko rin kayo! Labanan na tayo ngayon! Sobra na kayo!" emosyonal nitong paglalahad.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 4, 2023



Sa nakaraang episode ng It's Showtime, sinupalpal ni Vice Ganda ang co-host na si Karylle at ang nasabing video clip ay nag-viral.


Sa nasabing clip, nagsumbong si Karylle kay Vice na may inihahandang song number si Vhong Navarro at pinapraktis na umano nito ang nasabing song number.


Subali't sa walang kadahilanan, hindi ito natuloy dahil ibinigay daw ni Vice ang piyesa sa iba gayung pinapraktis na nga ito ni Vhong.


Sumbong ni Karylle, "Vice, may request si Vhongskie. Kasi last time, nagre-rehearse siya sa umaga, tapos ibinigay mo sa iba ‘yung kanta niya."


Sumagot si Vice, "Ano’ng problema natin, Karylle?"


Sagot ni Karylle, "Hindi, natatawa lang kami kasi isang buwan, pinraktis daw niya. Sa bawat sulok daw ng bahay niya pinraktis (ang kanta)."


Saad ni Vice sa kanya, "Oh, okay na ‘yan, Karylle."


Tila hindi ito nagustuhan ng ilang netizens at ayon sa kanila ay hindi deserve ni Karylle ang ganitong pagtrato, maging ang maetsapuwera sa programa, lalo na't isa raw ito sa mga orihinal at resident hosts ng It's Showtime.


Ilang netizens din ang kinuwestiyon na madalang ang pagbibigay ng exposure kay Karylle sa naturang show matapos madagdagan ng bagong hosts gaya na lamang nina Kim Chiu, Jackie Gonzaga, Ion Perez, MC, Lassy at Cianne Dominguez.


Samantala, sa isang tweet ay nagkomento si Kuya Kim Atienza na dating host ng It’s Showtime tungkol sa kabaitan ni Karylle ngunit hindi pa malinaw kung ito ba ang kanyang reaksiyon sa pagte-trending nina Karylle at Vice.


Sabi ni Kuya Kim, "@anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page