top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 24, 2023



Marahil ay 'di aware ang hunk actor na si Joseph Marco na simula na ng Kuwaresma nitong nakaraang Wednesday (February 22) at isinagawa ang tradisyon ng mga Katoliko na Ash Wednesday.


Pinuna kasi ng ilang netizens ang "pabakat ni Manoy" sa Ash Wednesday na ipinost ni Marco noong araw ding 'yun sa kanyang Instagram account.


Siyempre pa, welcome sa mga netizens at sa ibang LGBTQ members ang bagong post nito courtesy ng ineendorso niyang underwear na Hanford.


May caption si Joseph sa photo, “Talk less.”


Sabi ng kaibigan niyang si Gerald Anderson, “Pipe city.”


Biro naman ni Archie Alemania, “Patay ka sa 'kin, naunahan mo lang akong mag-post.”


Matatandaang ginaya ni Archie ang naunang “pabakat” post ni Joseph noong February 14, Valentine’s Day, bilang katuwaan.


Dahil dito, “sinita” ng mga netizens si Joseph sa kanyang bagong post dahil Ash Wednesday nga, hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma.


Marahil ay nakaligtaan ng actor ang santong araw ng Catholicism.


Pero, kahit na Kuwaresma o ordinaryong araw, tuloy daw ang “pabukol festival,” ayon pa sa isang netizen. Walang pinipiling araw ang mga nagpo-post sa social media, ha?

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 21, 2023



Nagsumbong ang singer-comedian na si K Brosas kay Ogie Diaz tungkol sa isa niyang interview kay Toni Gonzaga na buwan na ang nakakaraan pero hindi naman daw iniere ng TV host sa kanyang YouTube channel.


Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz ay ibinahagi ng vlogger at talent manager na nagtataka umano si K Brosas nang biglang mawala ang interview niya sa YouTube channel ni Toni.


"Actually, ka-PM ko si K Brosas. Kahit daw siya ay nagtataka, bakit nawawala ang interview niya kay Toni, eh, du'n daw siya humagulgol? Du'n daw siya bumigay talaga. Bakit daw nawala ‘yung interview?” sabi ni Ogie.


Hinala tuloy ng mga netizens, tila nabahiran ito ng pulitika kaya't na-delete ang panayam sa kanya ni Toni.


Sa nakaraang national elections, lantaran kung sinong kandidato ang sinuportahan ng dalawang celebrities. Si K ay Kakampink at si Toni ay Pulahan naman.


Sabi kay Ogie ng kasamahan nito sa kanyang vlog, "Puwede naman, kuya, dahil iba ‘yung sinuportahan nila nu'ng eleksiyon."


Buwelta ni Ogie, "Puwede rin naman na magkaiba 'yung political stand nila, pero ito, hindi natin talaga alam kung ano ang rason kung bakit nawala ang interview ni Toni kay K Brosas sa kanyang YouTube channel."


Ngunit kuwento ni Ogie, hindi raw big deal para kay K ang pagkawala ng video niya.


"Sabi naman ni K, ‘Hayaan mo na. Baka may dahilan sila kung bakit hindi nila inilabas 'yung interview,'" sey ni Ogie.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 16, 2023



Sa pilot episode ng FPJ's Batang Quiapo last February 13, nag-viral at nagpakita ng gilas sa ratings ang bagong action serye ni Coco Martin.


Nagkaroon ng 340,000 plus concurrent viewers o sabay-sabay na panonood ng mga netizens habang umeere ang primetime serye sa TV5, A2Z, Kapamilya Online, iWantTFC at iba't ibang platforms.


Sa Plaza Miranda kung saa'y pinanood ng buong cast ang unang episode ng BQ, umani na ng suporta si Coco sa madlang pipol.


Pinalakpakan ang eksena nila ni Miles Ocampo habang nire-rape ni Coco hanggang sa makapanganak ito.


Sa pagpapatuloy ng kabanata sa telebisyon, nasa Quiapo rin at pinanood ang unang episode ng serye sina Lovi Poe, John Estrada, Cherry Pie Picache, Tommy Abuel at Christopher de Leon kasama ang mayor ng Manila na si Honey Lacuna.


As usual, may eksenang "pinulutan" ng mga sanggano o ng mga batang Quiapo si Coco at akala'y namatay siya agad. Subali't sa sumunod na eksena, buhay pa pala ito at nasa piitan.


Sabi ng madlang pipol, gaya ni FPJ, immortal o walang kamatayan ang karakter ni Coco sa BQ. Maging ang mga suntukan, gayang-gaya ni Coco ang the late Da King.


Samantala, may nakakapansin din na bakit lagi raw nakasuot ng jacket si Coco samantalang ang init-init sa gitna ng Quiapo or to be specific, sa Quinta, Evangelista, Sta. Cruz o maging sa Plaza Miranda kung saan kinukunan ang mga actions at fight scenes.


Sa isang panayam ng Sakto (isang TV program sa ABS-CBN) kay Coco Martin, ibinahagi ng actor na kapag may gagampanan siyang role ay talagang in-character siya, gaya na lamang ng pagganap niya bilang Cardo sa successful series nilang Ang Probinsyano.


“Nakakalungkot kasi ang tagal ko ring isinabuhay si Cardo. Ang tagal ko siyang isinapuso, pitong taon. Kasi kapag gumagawa ako ng character sa buhay ko, sa mga proyekto ko, hindi siya parang damit sa akin na hinuhubad lang. Kapag sinimulan ko ang proyekto, huhubarin ko ‘yung character ko pagkatapos na nu’ng project,” sabi ni Coco.


Dagdag pa niya, “Kaya minsan, nawiwirduhan sa akin ang mga tao. Sabi sa akin, ‘Ang init-init, lagi kang naka-jacket.’ Totoo ‘yun. Sabi ko, ‘Paano ko maiaarte ang isang character kapag hindi ko isinabuhay?’


“Kapag isinabuhay mo siya, kapag alam mong everyday, ikaw na si Cardo, hindi ka na maliligaw kahit nakapikit ka pa, kahit biglang gisingin ka pa, si Cardo ka na," paliwanag ng Primetime King.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page