top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 18, 2023




Bagama't nais nang magka-baby ng It's Showtime host na si Vice Ganda sa asawang si Ion Perez thru IVF o surrogacy, naghihintay pa sila ng tamang panahon.


Mabusisi, madugo at talaga namang magastos ang paglalagak ng "sperm" para mabuo sa sinapupunan ng mapipili nilang surrogate mother.


Sa ibang bansa pa kasi ginagawa ang surrogacy, at dahil may daily show naman sina Vice at Ion na in a relationship for almost four years na, plus may mga out-of-town shows pa sila, maging ang pagba-vlog, isinantabi na muna nila ang pangarap na magkaroon ng sariling anak mula sa kanilang laman at dugo.


Para hindi ma-disappoint, agad-agad din nilang binili ang isang mamahaling Pomeranian doggie na worth P380K at ibinahagi ito ng It's Showtime host sa kanyang YouTube vlog.


Pero sa kabila ng kasiyahan ng mag-asawa, may ilang netizens ang pumuna sa pagbili nina Vice at Ion ng mamahaling aso.


At this time of pandemic, hindi raw makatwiran ito.


Sa isang episode ng Showtime, 'di napigilang resbakan ni Vice ang pumuna sa pagbili nila ng nasabing aso.


"Maganda 'yung mag-adopt talaga ng mga dogs, pero may masama ba na bumili kami ng dog? Wala. Kaya puwede kaming mag-decide? It’s our life, 'di ba?


“It’s our life, it’s our joy. Can’t you just be happy for our joy and for our lives?” ani Vice sa pumuna.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 10, 2023



Sa dalawang linggong pagra-rant ni Liza "Hope" Soberano sa kanyang Instagram, negang-nega na ang dating Kapamilya actress sa mga komento ng mga netizens. Kesyo siya raw ay ingrata, walang utang na loob at ilusyunada.


Sunud-sunod ang kanyang vlog post na para umano siyang "puppet" o manikang de-susi na kung ano na lang ang ipagawa ng Star Magic at ng kanyang dating manager na si Ogie Diaz, 'yun lang ang masusunod.


Gaya ng sa iisang leading man lang siya umiikot at maging sa kanyang mga directors, tatatlo lamang silang humahawak sa kanyang mga projects.


Maging ang supposedly Hello, Love, Goodbye na isang giant hit sa takilya na ginawa nina Kathryn Bernardo at Kapuso actor Alden Richards, ay sinabi niyang sila dapat ni Enrique Gil ang gagawa ng film, subali't nagkaroon daw ng conflict sa kanilang schedules kaya't itinuloy na nina Kath at Alden.


Ayon sa isang vlogger at content creator named Rod, kung bagong direksiyon ang tinatahak ng aktres, bakit tila paninisi lamang ang pinagsasasabi nito sa kanyang mahigit 16 years sa ABS-CBN?



 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 7, 2023



Sa mundong ito ng showbiz industry, kapag wannabe at gustong magpakilala, sumasakay na lang sa isyu ng mga sikat na artista para mapag-usapan.


Gaya ng isang stuntman-vlogger named Rendon Labrador na nag-rant against primetime action star, Coco Martin, at ibinulalas ang hinaing niya sa aktor.


Nagagalit ito kay Coco at sa production ng Batang Quiapo na halos inaaraw-araw daw ang taping sa kapaligiran ng Quiapo, kaya't ang mga vendor doon ay umaalma dahil bumababa ang kanilang kita sa pang-araw-araw.


Galit at matapang na sabi ni Rendon kay Coco, itigil na nito ang kanilang shooting sa Quiapo at bilang director din ng serye, siya ang napagtuunan ng pansin.


“Hindi pa ba tumitigil? Tigas ng mukha mo, Coco Martin. Kailangan pa bang sabihan kita nang dalawang beses?


"Nakakaabala ka na sa mga negosyanteng vendors natin diyan sa Quiapo. Kung hindi mo babayaran lahat ng damages at losses sa paggamit mo ng lugar, umalis-alis ka na diyan.


Para sa PUBLIKO at MAMAMAYANG PILIPINO 'YAN! Ginawa mong pansarili mo lang? Hindi ka batang Quiapo, isa kang “anak ng tokwa.”


Matapang namang binanatan ng vlogger na si Jack Logan ang motivational speaker at social media influencer na si Rendon Labrador matapos nitong tirahin ang Primetime King na si Coco Martin.


Resbak ni Jack kay Rendon, “Hindi ko maintindihan ang lahat ng pagbubunganga nitong si Rendon. Halos lahat na yata ng makita sa social media, gusto niya (pakialaman). Siya pa rin ‘yung sentro ng atensiyon. Wala namang masama sa kritisismo, okay ‘yan, naiintindihan ko ‘yan.


Karapatan ng isang tao, kahit na 'bulateng muscle man' ang nagrereklamo sa mga hindi niya nagugustuhan,” sabi ni Jack Logan.


Oh, at least, kahit 5% lamang, nakilala ng ilang netizens si Rendon na tinatawag ngayong "bulateng muscle man".


Ayon pa kay Jack, nagpi-feeling Tulfo na raw si Rendon.


"So, may nagrereklamo raw kay Rendon na nagpi-feeling Tulfo, na kesyo ‘yung kanilang mga paninda, apektado ng taping ng Batang Quiapo. Napakasimple ng solusyon, pakiusapan nang maayos na kumembot nang konti sa gilid kapag nagsu-shoot, o daanin sa maayos na diskusyon, hindi ‘yung babanatan mo ‘yung tao, tatawagin mo ng kung anu-anong pangalan," pagtatanggol pa nito kay Coco.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page