top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 11, 2023




Usap-usapan ngayon ang naging rebelasyon ng mga It's Showtime hosts na sina Vice Ganda at Vhong Navarro dahil sa pag-unfollow sa kanila ng mga dating kaibigan. Ang dahilan nito ay ang color affiliation nila noong Halalan 2022.


Sa nakaraang episode ng It's Showtime, naitanong ni Vhong kay Vice kung sinu-sino ang mga itinuturing niyang matalik na kaibigan sa showbiz?


Sabi ni Vice, hindi raw niya alam kung ang itinuring niyang mga kaibigan ay kaibigan pa rin ang tingin sa kanya dahil napansin niyang in-unfollow siya ng mga ito pagkatapos ng eleksiyon.


Bagama't pinipilit ni Vhong na pangalanan ang mga ito, hindi niya ito sinagot. Sabi ni Vice kay Vhong, "Ikaw rin, 'di ba? In-unfollow niya?"


Sagot ni Vhong, "Oo, parehas tayo."


Naging palaisipan tuloy sa madlang pipol kung sino ang "NIYA" na tinutukoy nina Vice at Vhong na itinuring nilang matalik na kaibigan na nag-unfollow sa kanilang dalawa.


Hinala ng madlang pipol, dati nilang kasamahan sa It's Showtime o dating kasamahan sa ABS-CBN ang kanilang tinutukoy na kaibigang nag-unfollow sa kanila.


Pero dahil lantaran namang naging Pinklawan sina Vice at Vhong, may mga nag-iisip na baka si Toni Gonzaga na pareho nilang close friend ang tinutukoy ng dalawa dahil alam naman din ng lahat na si P-BBM ang sinuportahan ng ate ni Alex Gonzaga.


True ba itey, Toni G?


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 29, 2023




Matatandaang noon ay naging guest si Charice Pempengco sa mga shows ng iconic singer na si David Foster sa USA. At kamakailan lang, nagdaos ulit si Foster ng concert kung saan nga ay guest naman nito ang singer na si Morissette Amon.


Hindi tuloy maiwasang ikumpara kung sino ba ang mas mahusay sa dalawang singers at sino ang mas magaling ang performance.


Bilang ina ni Charice, hindi naman kataka-taka kung maapektuhan si Mrs. Raquel Pempengco kaya nakapagbigay ito ng statement sa kanyang Facebook account matapos mapanood ang performance ni Morissette sa concert ni David Foster.


Ayon kay Raquel, walang makakapalit sa boses ni Charice dahil isa raw ito sa mga itinuturing na legendary singers sa Pilipinas.


Hindi man niya pinangalanan ay tila nagpahiwatig rin si Raquel na hindi niya nagustuhan ang naging performance ni Morissette.


Sa post ni Raquel sa kanyang Facebook page na "Real Talk", aniya, "Talagang wala pa ring papalit sa Alaska. Alam ko ang mga timbre ng boses na hinahanap ni DF. Sinabi ko na naman sa inyo noon pa, na nag-iisa lang ang boses na 'yan. Kahit kanino mo pa ipakanta ang mga kanta mo... 'Di mabibigyan ng hustisya. NO STANDING OVATION.. Nothing compares."


Sinabi pa nito na wala raw goosebumps o standing ovation sa naging performance ni Morissette.


"Kahit kanino mo pa ipakanta 'yang song mo (David Foster), 'di mabibigyan ng hustisya. No goosebumps... No standing ovation... Nothing compares... Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco," sey ni Raquel.


"Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco. At para sa kaalaman ng lahat, hindi po si DF ang nagpasikat sa kanya, kung hindi si OPRAH. Ni-reject nga noon ni DF si Charice.


Kaya huwag umasa na may isasama pa, masasaktan lang," dagdag pa nito kasunod ang tatlong laughing emojis.


Matatandaang sumikat nang husto si Charice nang sumali sa Little Big Star, isang reality singing search sa ABS-CBN nu'ng 2007. Dito siya nag-umpisang makilala at sumikat.


Naging guest si Charice ng international at iconic singer na si David Foster at nasundan pa ang kanyang tagumpay nu'ng mag-guest siya sa The Oprah Winfrey Show at nasundan pa ito nang maging special guest siya sa show ni Ellen DeGeneres noong 2007.


Hanggang sa naging Jake Zyrus na siya at dito nag-umpisang mawala ang kanyang popularity.



 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 22, 2023




Mukhang may "something" sina Marco Gumabao at Cristine Reyes base sa ilang photos na naglabasan nitong mga nakaraang araw.


Ang mga nasabing photos ay kuha ng mga nakakita sa kanilang dalawa na magkasamang dumating sa isang restaurant sa isang mall sa Makati City nu'ng Lunes nang gabi (Marso 21, 2023).


Balak sanang mag-hang-out ng dalawa sa resto, pero pasara na ito kaya hindi rin sila nagtagal sa lugar.


Ayon pa sa ulat, namataan ang dalawa na magkahawak-kamay habang patawid sa pedestrian lane nang umalis sila sa restaurant.


Hindi naman daw ito ang unang pagsasama ng dalawa dahil noong unang linggo ng Marso, kumalat sa social media ang mga litrato nila na waring nagbabakasyon sa Siargao.


Hindi naman nila itinago ang trip na 'yun dahil pumayag silang magpakuha ng litrato sa ilang fans at residente roon.


Sa PEP Live noong Marso 21, 2023, tinanong si Marco tungkol sa naunang sighting sa kanila ni Cristine sa Siargao at kung magdyowa na nga ba sila.


Sagot lang ni Marco, "Bakit, 'pag spotted, kayo na agad?"


Sa nakaraan niyang presscon kaugnay ng isa niyang pelikula noong March 7, tinanong din si Marco tungkol sa isyu.


Aniya, matagal na silang magkaibigan ni Cristine.


Sa kasalukuyan, single si Marco, habang si Cristine ay hiwalay na sa mister na si Ali Khatibi ilang taon na ang nakararaan.


Sey ni Marco, "Kami ni Cristine, we've worked together since 2015. First teleserye ko, kasama ko siya sa Tubig at Langis.


"And I can say we have formed a relationship, a good solid friendship throughout the years. We've been very, very close. We've been working out together, hanging out a lot," ani Marco.


Sa tanong kung posible bang mauwi sa relasyon ang pagha-hang out nila ni Cristine, sagot ni Marco, "Nasa sa kanya 'yun! Basta 'pag ano, malalaman n'yo naman 'yun."


Aminado naman si Marco na dati na niyang crush si Cristine.


"Cristine is a very wonderful person. Click kami in terms sa mga trip namin sa buhay, ugali namin, nagko-complement kami."


So, abangan na lang natin ang mga susunod pang kabanata sa dalawa.


Pero teka, tama bang nagde-date rin sila ni Kylie Verzosa na ex-GF naman ni Jake Cuenca at leading lady niya sa bago niyang movie?


Knows kaya ni Cristine 'yan?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page