top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 17, 2023




Nakaka-touch naman ang episode ng Magandang Buhay kung saan ibinahagi ni Janine Gutierrez na isa sa mga dahilan kung bakit niya pinasok ang mundo ng showbiz ay para tulungan ang kanyang Yaya Pat na mayroong cancer.


Sa nasabing episode ng programa ay sinorpresa ni Yaya Pat ang Dirty Linen actress.


Sinabi ni Janine sa dalawang momshie hosts na sina Regine Velasquez at Melai Cantiveros na itinuturing niyang pangalawang ina ang kanyang yaya.


"Si Yaya po kasi, hindi pa ako ipinapanganak, siya na po 'yung yaya ko. So, talagang second mommy ko talaga si Yaya. Tapos, nu'ng nag-aaral ako, tinuturuan niya akong gumawa ng homework. Niregaluhan niya ako ng mga dictionaries."


Saksi raw si Yaya Pat sa mga ups and downs ng kanilang pamilya.


"Kahit siyempre, may mga times na mahirap ang buhay, hindi kami iniwan ni Yaya," aniya.


Dahil matagal na sa kanila si Yaya Pat, kung kaya't naisipan na rin ni Janine na akuin ang pagpapagamot sa kanilang kasambahay noong magkasakit ito.


"Actually, mahiyain talaga ako. Hindi ko naman inisip na mag-aartista ako. Pero nu'ng college ako, si Yaya ay nagkasakit. Tapos, parang hindi ako makatulong. So, sabi ko sa mommy ko, 'Ma, gusto ko na mag-artista para may panggamot si Yaya.'"


Dahil sa agarang treatment ay gumaling si Yaya Pat.


"Si Yaya ay isang cancer survivor," sey ni Janine.


Sa panayam naman kay Yaya Pat, nag-worry daw siya sa pamilya nina Janine at sa mga kapatid nito nu'ng malamang may sakit siya.


"Alam mo, nu'ng sinabing cancer ng doctor, hindi ako umiyak. Pero, paglabas ko ru'n sa pasilyo ng St. Luke's, umiyak ako. [Naisip ko] Kawawa naman 'yung mga alaga ko. Baka kapag may ibang mag-alaga, ano, baka sigawan, baka apihin," sabi ni Pat.


Inalala pa ni Yaya Pat kung paano naging sweet and thoughtful sa kanya si Janine noong lumalaki ito.


"Tuwing pagdating galing school, kahit hindi ko birthday, paggising [sabi niya] 'I love you, Yaya. You're the best yaya in the world,' lahat sila," aniya.


Concerned daw siya kay Janine at sa mga siblings nito pagdating sa pag-aaral at hinikayat niya ang mga ito na magpursige at tapusin ang kanilang pag-aaral.


"Sabi ko sa kanila, 'Hanggang ako 'yung nag-aalaga sa inyo, gusto ko, makatapos kayo ng pag-aaral, kasi kung hindi kayo makatapos ng pag-aaral, ibig sabihin, hindi ako magaling na yaya,'" pagtatapat ni Yaya Pat.


Ang anumang diplomang makamit ng kanyang mga alaga ay itinuturing niya bilang pinakamagandang regalo ng mga ito para sa kanya.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 16, 2023





Pagkatapos ibahagi ng Kapamilya star na si Miles Ocampo ang pinagdaanang health ordeal sa nakaraang episode ng Magandang Buhay, nag-post din ang actress sa Instagram upang ibahagi ang naging desisyon niya na ipaopera at ipatanggal na ang kanyang thyroid.


Sinabi ni Miles na natuklasan ng mga doktor na meron siyang Papillary Thyroid Carcinoma at nitong Biyernes nang gabi (April 14), ibinahagi niya ang ilang snaps mula sa kanyang hospital bed.


''For someone who's afraid of needles, I felt like it was an endless blood tests, ultrasound to biopsy, then the decision to remove it is as soon as possible. We found out it was Papillary Thyroid Carcinoma," sabi ni Miles.


Dagdag pa niya, "I had to undergo Thyroidectomy surgery to remove my thyroid glands. It all happened in an instant."


Ayon sa WebMD, ang Papillary Thyroid Carcinoma ay ang most common type of cancer that can affect one's thyroid. Ang nasabing condition ay most common sa women under age 40, ayon sa medical site.


Nabahala si Miles nang hindi na maging normal ang pakiramdam niya late last year at naalala niya ang mga oras na nagigising siya sa kalagitnaan ng gabi dahil 'di siya makahinga. Madalas din siyang nakakaramdam ng pagod.


After a month, pagkatapos ng kanyang operasyon ay nagpasalamat siya sa medical team o mga doctors na nagsagawa ng operasyon, sa kanyang pamilya, sa mga colleagues in showbiz, at sa kanyang boyfriend na si Elijah Canlas na sinamahan siya sa kanyang pinagdaanan.


''To my family, Mama, Papa, Kuya Chochoy for checking on me, thank you for making sure I am not alone during those times. Mahal ko kayo.


"To my Luiz, I couldn't have done any of this without you. Thank you for encouraging me to face my fears with doctors and hospital, to prioritize and love myself. Thank you for being my strongest support."


Sa kanyang pagtatapos, sinabi niya sa kanyang mga followers to always be kind.


"With or without any health conditions, no to body shaming. Be kind. Always. Please!"


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 12, 2023




Laking-gulat ng dating De La Salle volleyball star at beauty queen na si Michele Gumabao nang pakitaan siya ng isang pulubi sa Singapore ng barcode dahil wala siyang Singapore dollar na maibigay dito.


Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Michele ang 'di malilimutang karanasan sa nasabing bansa.


Aniya, nakatagpo siya ng isang pulubi sa SG na alam ang digital payment.


Sa kanyang kuwento, may nanghingi ng limos sa kanya pero wala siyang dalang cash para maibigay dito.


Nagulat na lamang si Michele dahil pinakitaan siya ng barcode at doon na lang daw ibigay ang anumang limos niya sa pulubi.


Natatawang kuwento ng beauty queen, "May nanlimos dito sa Singapore. Sabi ko, 'Sorry, no cash.' Pinakitaan niya ako ng barcode."


Buti pa sa Singapore, mayayaman at high-tech ang mga pulubi, ha?!


Kunsabagay, dito sa atin, Gcash naman ang ihihirit sa 'yo ng mga nanghihingi ng limos.


Hahahaha!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page