top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 28, 2023



Magbabalik na sa orignal time slot na 12 NN ang noontime show na It's Showtime simula ngayong darating na Lunes, May 1.


Ito nga ay pagkatapos magpaalam sa ere ang comedy show na Tropang LOL nina Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, Wacky Kiray, Billy Crawford at iba pa.


Ngayong darating na Sabado (April 29) na rin ipapalabas ang huling episode ng nasabing comedy show na napapanood sa TV5.


Sa nakaraang episode ng Tropang LOL, hindi naiwasang magpasaring ng isa sa mga hosts na si Alex Gonzaga sa noontime show na It's Showtime na papalit sa kanilang time slot.


Kahit sinabi ito ni Alex sa pabirong paraan, naging makahulugan pa rin ang salitang binitawan ng kapatid ni Toni Gonzaga gaya ng, "Mag-overtime tayo, 'wag natin silang papasukin."


Naging malinaw sa mga netizens na ang gustong patamaan ni Alex ay ang It's Showtime, maging ang mga hosts nito, sapagkat kilala naman ang nasabing show na palaging nag-o-overtime sa TV.


Sa ngayon nga ay nag-viral at nag-trending sa social media ang ginawang pasaring ni Alex, maging ang tila pahabol na pang-aasar ng iba pang hosts ng Tropang LOL.


Humirit din kasi ang isa sa mga co-hosts ni Alex sa nasabing comedy show na si Billy Crawford ng, "Mapuputol pa rin du'n kahit ano'ng mangyari."



Nainis ang mga netizens sa sinabi ni Billy dahil naging co-host din naman ito sa It's Showtime noon at kung umasta ito ay para bang hindi niya naging kaibigan ang mga hosts ng noontime show.


Sagot naman ni Alex sa sinabi ni Billy, "Daddy Bills, baka naman bumalik ka ru'n, ha?"


Alam na rin naman ng mga hosts ng Tropang LOL na nakapagdesisyon na ang TV5 at ang producer nito, ang Brightlife Productions, na hanggang April na lamang sila sa ere.


Ang hindi lang siguro alam ni Billy at ng kanyang mga katropa sa LOL ay inaayawan na siya ng ABS-CBN.


Ayon sa aming source, minarkahan na ng management ang pagtalikod ni Billy sa Kapamilya Network sa panahong ipinagkait sa kanila ang franchise.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 25, 2023




Pagkatapos magbigay ng pahayag si Dapitan City Mayor at Chief Finance Officer ng TAPE, Inc. na si Bullet Jalosjos sa programa nina Cristy Fermin at King of Talk Boy Abunda, akala ng marami ay plantsado at maayos na ang estado ng Eat... Bulaga! sa GMA-7.


Hindi raw papalitan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon bilang mga main hosts ng nasabing Kapuso noontime show, gayundin ang iba pang co-hosts.


Samantala, valid naman ang mga dahilan nina Maja Salvador at Maine Mendoza kung bakit hindi na sila mapapanood sa nasabing programa.


Ngunit ano itong isyung may nag-react daw mula sa ilang taga-EB! sa sinabi ni Mayor Bullet na financially stable sila. Meaning, wala silang pagkakautang sa mga hosts.


Kung ganu'n naman daw palang walang problema sa pananalapi, bakit kailangang bawasan ang talent fee nilang lahat sa nasabing noontime show?


May nagsasabing meron daw talagang pagkakautang ang EB! sa ilang hosts, lalo na kina Joey de Leon at Vic Sotto.


Malaki raw ang naipong talent fee ng mga hosts na nagkapatung-patong na nang ilang taong wala pang suweldo.


Pahayag ni Mayor Bullet sa online program ni Tita Cristy tungkol sa pasuweldo at cost-cutting, "I-confirm ko lang po na binigyan ako ng clearance para sabihin that everything (the company) is in status quo."


Ang sinasabing clearance ay galing sa Board of Directors ng EB! na kinabibilangan ng mga kapatid ni Mayor Bullet.


Ang tumatayong President ay ang nakatatandang kapatid niyang si Janjan Jalosjos at ang kapatid niyang babae na si Soraya ang Vice-President for Production, samantalang siya naman ang tumatayong Treasurer ng kumpanya.


Walang tatanggalin at walang idaragdag sa mga talents ng EB!, subali't may balitang isang batang winner mula sa reality search o talent show sa Dipolog City ang pasisikatin ng mga Jalosjos.


Well, hindi na rin masama dahil sa isang talent search din naman galing sina Ice Seguerra at Jericho Rosales at marami pang iba.


Nawindang lang sila sa dagdag pang isyung nakarating sa kanila na nasa "status quo" o mananatili pa rin sa dating ayos ang buong EB!, pero hanggang May lang naman daw ito.


So, pagkatapos ng buwan ng Mayo, ano na'ng magaganap?


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 22, 2023




Kamakailan lang sa isang report ng TV Patrol, ipinalabas ang promo ng Contra Mundum, isang theatrical play kung saan kasama sa cast ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo.


Ngunit kapansin-pansin na sa nasabing report ay hindi man lang binanggit ang pangalan ni Bea na isa sa cast at inilagay lang ito sa category ng "at iba pa".


Tuloy, naghinala ang mga tagahanga ni Bea at ang mga nakapanood ng ulat na sinadyang huwag banggitin ang kanyang pangalan at isinama na lamang siya sa "at iba pa" — sa kabila ng katotohanang isa siya sa mga may pinakamalaking pangalan sa cast — dahil marahil ito sa pag-alis niya sa ABS-CBN at paglipat sa GMA-7 noong July, 2021.


Samantala, bumawi naman ang ABS-CBN News kay Bea sa pamamagitan ng showbiz news report sa TV Patrol noong Miyerkules nang gabi, April 19, 2023, kung saan binanggit na nila ang partisipasyon ng former Kapamilya actress sa theatrical play na Contra Mundum: Ang All-Star Concert ng Ang Larawan.


Sa nasabing report, ipinakita na ang solo interview kay Bea na excited sa kanyang unang pagkakataong paglabas sa isang theatrical play.


Aniya, "So, it's been my dream to try theater, pero never akong nabigyan ng chance. So, nu'ng nag-land ito sa lap ko, parang I couldn't say no. Although, hanggang ngayon, sobrang intimidated ako sa kanilang lahat."


Gaganap ang aktres bilang Elsa Montes sa Contra Mundum na libreng itatanghal sa Metropolitan Theater sa May 6.


Maliban kay Bea, isa-isang binanggit ang pangalan ng lahat ng mga kasama sa concert na sina Celeste Legaspi, Agot Isidro, Karylle, Aicelle Santos, Bituin Escalante, Rachel Alejandro, Hajji Alejandro, Nonie Buencamino, Mitch Valdes, Ricky Davao, Kakai Bautista, Markki Stroem, Cathy Teodoro at Jericho Rosales.


Ang mga hindi sinabing pangalan ay binanggit na lamang bilang "at iba pa".


 
 
RECOMMENDED
bottom of page