top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 5, 2023


Marami ang bumilib sa comedienne-host na si Eugene Domingo na pinatunayang sincere ang pagtulong niya sa kapwa at hindi na kailangan pang ibalandra ito sa social media o anumang platform para ipaalam sa lahat na siya ay tumutulong sa mga nangangailangan.


Dose-dosena ang mga ganyang celebrities na bago mag-abot ng tulong, kailangan pang may mga videos o photos para sabihing sila ay totoong mga "guardian angel".


Sa panayam kay Eugene, lagi raw nakatatak sa kanyang puso at isip ang mga nababasa sa Banal na Bibliya gaya ng sa (Mateo 6:3-4): "Kapag gumagawa ka ng mabuti sa mahihirap, huwag mong ipaalam sa kaliwang kamay mo ang ginagawa ng kanang kamay mo, para ang paggawa mo ng mabuti sa mahihirap ay maging lihim. At ang iyong Ama na nakakakita ng lahat ng bagay ang gaganti sa iyo."


Napag-usapan sa nakaraang episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules nang hapon (May 3, 2023) ang pagtulong niya noon sa kapwa aktres na si Dolly de Leon.


Pahayag ni Uge (palayaw ng komedyana), "Medyo hindi ko alam kung ano ang reaksiyon ko diyan kasi secret dapat 'yan. Hindi naman 'yan parang talagang sasabihin mo sa mga tao. I don't think you should talk about it," ani Uge.


Sa isang panayam naman sa Hollywood star, ipinagtapat ni Dolly na tunay na kaibigan ang turing niya kay Eugene dahil sa mga itinulong nito sa kanya noong mga panahong dumaraan siya sa mga pagsubok.



Ani Dolly, "Si Uge, magkakilala na kami niyan bata pa kami. Teen-agers pa kami, magkasama kami sa UP Theater Arts, barkada na kami niyan.


"And at that time, when I was really going through a hard time kasi may time na walang-wala na talaga akong pambayad ng kuryente, napatigil 'yung anak ko ng pag-aaral dahil wala akong pambayad ng tuition, but a lot of friends came to support me. Uge is one of them. She paid for my son's tuition for 3 years. Three years niyang binayaran 'yung tuition ng anak ko," pagdidiin pa ni Dolly.


Patuloy pa niya, "She never left even if she reached that superstardom level already. She was always a friend. Totoong kaibigan ang tingin ko talaga sa kanya."


Samantala, biglang naging seryoso si Eugene sa panayam ni Kuya Boy nang ikuwento nito ang kanyang unang plano noon, ang pagpasok sa kumbento subali't biglang dumating si Danilo Bottoni sa buhay niya at naudlot ang planong ito.


Ngayon ay hindi na sikreto na kasal na si Eugene sa Italian guy na si Danilo na dating "my partner" lang kung i-address ng komedyana, pero dahil sila ay kasal na, "my husband" na ang tawag niya rito ngayon.


Aminado naman si Eugene na siya ang gumawa ng paraan na magkakilala sila nang lubusan ni Danilo dahil sa kakaibang naramdaman niya sa unang beses ng pagkikita nila sa isang film festival sa Italy.


Walang pag-aalinlangang sinabi ni Eugene na magagawa nitong talikuran ang kanyang showbiz career alang-alang sa pagmamahal niya kay Danilo.


"At this point, my goodness, I'm a golden girl. This is the second half of my life. I have given the first half to... almost all about me and helping my family.


"And the second part would be for me and Danilo," pahayag ni Eugene sa programang Fast Talk with Boy Abunda.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 1, 2023



Sa grand welcome para kay Enrique Gil sa pagpirma nito ng 2-year-contract sa ABS-CBN, naitanong ng TV Patrol showbiz correspondent na si MJ Felipe kung ano na nga ba ang estado ni Enrique sa kasintahang si Liza Soberano.


Marami na kasi ang naganap sa loob ng isang taon mula nang layasan ni Liza (na ngayon nga ay kilala na bilang si Hope) ang kanyang network na ABS-CBN at manager na si Ogie Diaz.


Nakabitin ngayon ang tanong kung sila pa nga ba ng aktres? Sa loob din kasi ng mahabang panahon, tila hindi napag-uusapan kung hiwalay na nga ba ang dalawa o sila pa rin.


Naunang nagbigay ng sagot ang talent manager ni Enrique na si Ranvel Rufino, "Not my story to tell, but they love each other."


Makahulugan ang naging sagot ng talent manager.


Pero noong tanungin si Enrique ni MJ, sabi nito, "Wala namang pagbabago." Meaning, sila pa rin, although halatang iniiwasan ng aktor ang anumang tanong sa kanilang relasyon ng dating ka-love team na ngayon ay nasa Amerika na upang tuparin ang kanyang pangarap na maging Hollywood actress.


"Patuloy pa rin ang suportahan namin sa isa't isa," dagdag pa ni Enrique.


Sa parehong panayam, naitanong din ng PUSH kung posible pa nga bang magsama sa isang proyekto sina Liza at Enrique.



"Of course. How can they not? They love each other. Of course, there's always a possibility but siyempre, Hope (totoong pangalan ni Liza) is doing her thing and Quen is doing his thing here.


We can't say. In the future, anything is possible.


"I mean the doors cannot be closed for them because the doors aren't closed. They love each other.


So yes, it's a possibility," sagot ni Ranvel.


Ayon sa kanyang manager, sa pagpirma ng bagong kontrata ni Enrique sa Kapamilya, asahan daw na gagawa ito ng mga kakaibang roles na magpapakilala sa kanya bilang aktor.


"The only thing that changed is he just wants to take new roles, new challenges. We made sure lang that he is comfortable. That's the only plan that we have right now, for him to be happy and for him to take on the new roles and new challenges," ani Ranvel.


Sa usapin naman ng pagbabago ng image o pag-rebrand sa aktor, paliwanag ni Ranvel, "Not because of me, but because of him and probably his experience and years in the business, yes there will be a rebranding. First project, you will see something new from him.


"For TV of course we are exclusive with ABS-CBN and we will also be doing a movie with ABS-CBN.


"Quen is very excited to come back because of you, guys. Thank you for patiently waiting for him and I promise you, he will give all he could give to make everyone happy."


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 30, 2023



Nag-react ang isang netizen sa nakunang video kung saa'y napapaikutan ng halos sampung security guards ng isang mall sina Carlo Aquino at Eisel Serrano habang nagsu-shooting ng pelikula nilang Love You Long Time na isa sa mga naging entries sa nakaraang First Summer MMFF last April 8.


Daig pa raw nila ang KathNiel sa dami ng nakapaligid na sekyu kahit wala namang humahabol na fans. Over exaggerated nga raw ang eksena.


May ilan ding nakaintindi lalo na't baka nga naman magkagulo 'pag nakitang may shooting.


Subali't 'di nangyari ang eksenang kaguluhan dahil konti lang ang nanood ng syuting at nagpa-selfie.

Sabi ng isang Twitter user, "OA sa dami ng guards."


Aniya pa, "Hahaha! Wait, sino ba 'yung guy at girl?" na tila 'di kilala sina Carlo at Eisel.


Dagdag niya, "Ang OA ng mga guards, wala namang taong dumudumog o lumalapit man lang sa kanila?


"Dinaig pa 'yung may-ari ng mall sa dami ng security nina Carlo at Eisel!"


'Yun na!


Dahil hindi bankable ang mga bida, hindi na kailanman napag-usapan kung kumita o flopsina ang movie ng dalawa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page