top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 14, 2023


Short-lived o kaya'y parang dumaan lang sa buhay ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia ang nababalitang espesyal na relasyon nito sa social media personality na si Bela Racelis.


Kung simbilis ng kidlat ang kanilang attraction sa isa't isa, simbilis ding napawi ang init ng kanilang pagkakaibigan.


Sa isang panayam ng Cinema News sa actor, ipinaliwanag ni Joshua na time-out muna siya sa pakikipagrelasyon ngayon para tutukan ang mga proyektong dumarating sa kanya.


Tampok si Joshua sa isang malaking proyektong Unbreak My Heart na produkto ng collaboration between ABS-CBN and GMA7.


Kaya naman mas pinili niya ang magtrabaho muna, at saka na ang love life.


Paliwanag ng actor, "Kasi hindi ako magaling mag-manage ng time ko and alam ko, baka masayang lang ang oras niya sa akin. Iba pa kasi ang priority ko ngayon, focus muna sa goal."


Hindi naman niya isinasara ang posibilidad na magmahal muli, pero para kay Joshua, isa lang ang nasa goal niya ngayon.


"Kung merong darating, ‘di ba? ‘Di mo rin masabi kasi baka nagsasalita ka, tapos, kung may darating, why not? Pero kung (wala)… Kasi minsan, baka mas okay na magkaibigan lang kayo kahit na, 'Sh*t, gusto ko siyang maging girlfriend, ang ganda niya,' may ganu'n!


Tapos in love ako sa kanya, baka mas okay na lang na magkaibigan kayo," ayon sa aktor.


Dagdag pa ni Joshua, kung magkakaroon ng espesyal na tao sa kanyang buhay, dapat maintindihan nito ang priorities niya sa ngayon.


"Hindi nawawala 'yung… kilig, pagka-mysterious ng tao rin, okay naman ako. Iba lang priority ko which is my family and work. Sa dami ng work, 'di ako magaling maghati ng time ko, baka mawalan ako ng oras, kawawa naman," paliwanag nito.


Isa rin sa mga ginagawa ni Joshua ay ang pag-invest ng properties para sa kanyang pamilya. Kuwento ng aktor, mas naging wise siya ngayon pagdating sa pag-handle ng kanyang finances at kinalimutan din niya ang luho.


Naitanong din sa aktor kung plano rin niyang magkaroon ng sariling bahay?


"After pandemic, ang dami kong realizations. Ang dami kong binitawan – motor, sports car, kasi 'di kailangan right now. Being the breadwinner, dadagdag lang sa gastos ko. 'Pag nagtayo ako ng sariling bahay, dalawang bahay sagot ko, kaya wala pa siya sa priority ko ngayon."


Besides, wala pa rin daw sa kanyang options ngayon ang pagbukod ng bahay at i-experience ang solong pamumuhay.


"Masaya rin ako na kasama ko ang pamilya. Ayaw ko pang humiwalay. Magandang may pumipigil sa gusto ko. Hindi lahat ng desisyon ay okay. Happy ako sa sitwasyon ko ngayon."


Sa ngayon, kabi-kabilang proyekto ang tinututukan ng aktor kabilang na ang Unbreak My Heart kasama sina Gabbi Garcia, Richard Yap at Jodi Sta. Maria.


Bukod pa rito, showing na rin sa Amazon Prime this coming May 18 ang suspense-horror movie na directed by Chito Roño, ang Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan.



 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 11, 2023


Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ng Superstar na si Nora Aunor na kung siya ang masusunod o papipiliin kung sino ang next celebrity na posibleng mailuklok din sa posisyong National Artist na kanyang nakamit pagkatapos ng halos apat na dekada noong nakaraang taon, ang choice niya ay ang Tony awardee at bumida sa Miss Saigon na si Lea Salonga.


Siyempre, hindi ito pinalampas ng mga Vilmanians ni Vilma Santos, lalo na nga't ang dalawang premyadong aktres ang sinasabing mahigpit na magkaribal sa kasikatan noong dekada '70 hanggang '90.


Nadismaya tuloy ang mga fans ni Ate Vi na of all people, si Ate Guy pa na kumare niya ang maglalaglag sa kanya.


"Sana, nag-no comment na lang si Nora. Masakit din 'yun kay Ate Vi na tila wala siyang kabilib-bilib sa kumare niya para kilalanin bilang National Artist."


True naman na ipinagmamalaki ng mga Pinoy si Lea na nakarating na sa Hollywood ang husay at galing sa international stage.


Kung tutuusin, long-overdue na ang pagkilalang National Artist kay Lea at tiyak na walang tututol kapag siya ang nagkamit ng parangal na ito.


Pero, sana nga ay tumahimik na lang si Ate Guy at hindi na nagbigay pa ng komento, para wala na sanang naging isyu.


Mukhang nangangamoy-giyera na naman ito sa pagitan ng mga Noranians ni Ate Guy at ng mga Vilmanians ni Ate Vi.


Naku po!!!


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 9, 2023


Viral ngayon sa social media ang ginawang tila pagkanta ng mga Dabarkads o mga hosts ng Eat... Bulaga! sa theme song ng It’s Showtime sa nakaraang episode ng Kapuso noontime show last Saturday, May 6.


Sa segment na Da Kads Bar ay nagkatuwaan ang mga hosts na maki-sing-along sa mga song requests ng mga manonood.


Nagmistulang nasa comedy bar o bar gig ang atmosphere sa studio dahil complete with live band backup ang setup nila at may kalakip na perang galing sa mga nagre-request.


Ilan sa mga kanta na pinaunlakang kantahin ng mga EB! hosts at special guest na si Gabbi Garcia ay ang I Gotta Feeling ng Black Eyed Peas, Levitating ni Dua Lipa, Sinta ng Aegis, Just The Way You Are ni Bruno Mars, Dancing Queen ng ABBA, at Bakit Ngayon Ka Lang ni Ogie Alcasid at ng kilalang bandang Freestyle.


Sa gitna ng kantahan, hinamon ni Joey ang mga co-hosts kung kaya ba nilang kantahin ang theme song ng It’s Showtime sa kanilang programa.


“Limang libo, dadagdagan ko pa, sampung libo na,” alok ni Joey.


Matapang na sabi ni Jose Manalo, “Kakantahin ko talaga ‘yan!”



Sagot ni Joey, “Theme song ng Showtime.”


Game naman na inawit nina Jose, Gabbi, Allan K. at Wally Bayola ang intro ng theme song ng programang It’s Showtime.


Dahil dito ay humirit si Joey nang pabiro, “Tanggal na kayo!”


Sa gitna ng isyung kinakaharap ngayon ng EB!, nararapat lamang na daanin sa biruan at tawanan ang mga kaganapan.


Tanggap naman ng madlang pipol ang pag-awit ng mga Dabarkads sa theme song ng It’s Showtime at sa katunayan, sinuklian lamang nila ng tawanan ang kaganapan sa EB! habang patuloy ang kantahan at tawanan ng lahat sa studio.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page