top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 22, 2023



May panibagong update na naman sa sinasabing hiwalayan ng celebrity couple na sina Liza (o Hope) Soberano at Enrique Gil, dahil naispatang nagdi-dinner ang dalawa na tila nagkabati na.


Subali't hindi ito kinagat ng ilang netizens dahil produkto raw ito ng damage control o publicity dahil may mga nakalaan pang proyekto para sa dalawa.


Sabi pa ng suking BULGAR reader na si Jomy Capareda ng Sta. Barbara, San Mateo, Rizal, “‘Wag n'yo na kaming paglolokohin. Pagkatapos maging nega, pababanguhin ulit ang mga pangalan?


Ito namang si Enrique, nagpapagamit? Bakit? Dahil may gagawin siyang project?! 'Di na, uy!” wari'y galit na mensahe ng netizen.


Naisip siguro ng ilang prodyuser na malakas pa rin ang LizQuen tandem, kaya't nanghihinayang sila sa hiwalayan ng dalawa.


Lalo na si Enrique, may nakatakdang project, kaya nararapat na pabanguhin ulit ang kanyang pangalan.


After kasing magdesisyon si Liza na mag-solo at kumawala na sa love team, tila nalaos na rin ang Kapamilya actor.


So, ano kaya'ng masasabi ni Enrique sa akusasyon sa kanya ngayon ng mga fans?


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 18, 2023



How true na nahuli raw sa akto itong si Ricci Rivero ni Andrea Brillantes na may kasamang ibang girl sa condo nito?


Meaning, ginamit ni Ricci ang condo para ru'n sila mag-bonding o mag-usap ng nasabing girl?


Napa-react nga si Ogie Diaz sa kumalat na tsika, dahil ang akala ng lahat, "one-woman man" ang basketball star.


Si Ogie rin ang nagtsika sa kanyang YouTube vlog ng tungkol sa hiwalayan ng showbiz couple.


Una nilang napag-usapan ang tungkol sa statement na inilabas ni Ricci Rivero na diumano'y kinopya lang sa sikat na artificial intelligence (AI) chatbox ngayon na Chat GPT.


"'Yun ay hindi naman pala si Ricci ang nagpo-post, hango sa Chat GPT," sabi ni Ogie.


Plakado raw na kinopya ni Ricci Rivero 'yung kanyang itinanong du'n sa AI.


Ipinakita rin ni Ogie ang screen sa resulta ng nasabing AI.


Hanggang sa napag-usapan din nila ang tungkol sa natanggap na pamba-bash ni Ricci dahil sa umano'y nahuli nga ito ni Andrea na may kasamang ibang babae sa condo.


Ayon kay Ogie, parang hindi raw ito confirmed.


"Aside from that, bina-bash din si Ricci kasi nahuli raw. Nahuli ni Andrea Brillantes itong si Ricci Rivero sa condo na may babae..." na base pa sa description ni Ogie ay parang matangkad.


"Pero 'yan ay hindi natin confirmed. 'Yan lang ho ang resibo, oh," may pasubali pang sabi ng talent manager-vlogger.


Hintayin natin kung iko-confirm or ide-deny ni Andrea ang balitang 'yan.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 28, 2023


Ang seryeng Unbreak My Heart ay isang collaboration project mula sa ABS-CBN at GMA Networks. Kaya nagpapasalamat ang mga artistang involved dito na hindi nakaranas ng pagiging "outcast" o diskriminasyon sa mga nakatrabahong artista sa kabilang network, tulad na lang ni Gabbi Garcia na isang homegrown Kapuso star.


Pinuri rin ni Gabbi ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia for making her comfortable sa set.


"Josh and I know each other before this project kasi nagkasama-sama kami sa mga iba't ibang gatherings with our friends. Comfortable kami sa isa't isa prior to this project. At mas nakilala namin ang isa't isa when we did this project," sey ni Gabbi.


Oo nga pala, best friend ni Gabbi ang ex-GF ni Joshua na si Julia Barretto kaya malamang na nagkikita na sila noon pa.


Sabi pa ni Gabbi, pagdating sa acting, hindi na raw kailangan pang i-rate si Joshua.


"Kailangan pa ba nating i-rate? Alam naman natin kung gaano kagaling si Joshua Garcia. Hindi na natin kailangang sabihin kung ano ang rating kasi wala na siyang dapat pang patunayan.


Magaling siyang actor," ani Gabbi.


Marami rin daw siyang natutunan kay Joshua, "I learned a lot from Joshua everyday and I thank you for that, salamat! Josh is very respectful at maalagain bilang leading man sa amin ni Ate Jodi.


He's very sincere and he makes sure that you're very comfortable in every scene."


Sabi naman ni Joshua kay Gabbi, "Magaan siyang katrabaho. 'Yung masasabi kong feeling close na rin kami pagkatapos nitong show, magkaibigan pa rin kami. Magaan siya kasi nakakapag-open up ako sa kanya."


On location shooting abroad (sa Switzerland at Italy), kailangan din ni Joshua ng makakausap lalo na't nami-miss niya ang sariling pamilya.


Sey ng actor, "Nag-shoot kami abroad, malayo kami sa pamilya. Siyempre, hindi mo rin maiiwasan na nami-miss mo 'yung pamilya mo. Sina Gabbi at Ate Jodi, sila 'yung nakikinig sa kung anu-anong istorya mo. As an actor, sobrang giving sila at professional sila. Maalaga siya, sobra."


Nag-share rin si Gabbi kung paano katrabaho si Jodi na tinawag niyang "generous actress".


"I'm really, really honored working with two brilliant actors. I learned a lot from them. Lagi-lagi kong sinasabi 'yan, everyday is a learning day for me. Every taping day is a new taping day for me. I'm really grateful because they're such giving actors. Hindi ako nakaka-feel ng intimidation lalo na kay Ate Jodi," ani Gabbi.


Akala raw ni Gabbi, mai-intimidate siya sa presence ng award-winning actress.


"Actually, at first, kinakabahan akong maka-work ka (Jodi), kasi siyempre, you're an award-winning actress and I haven't met you ever. God is just so good that He's leading me to the right people to work with and Ate Jodi is one of them. I'm just really honored to work with them."


Directed by Emmanuel "Manny" Palo at Dolly Dulu, Unbreak My Heart will air starting Monday, May 29, on GMA Telebabad from Mondays to Thursday.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page