top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | July 15, 2023


Si Jane Oineza ang napiling maging bida sa panghapong serye ng Kapamilya Network, ang Nag-Aapoy na Damdamin.


Nakitaan ng JRB Productions ng malaking pagbabago at potensiyal ang actress pagkatapos nitong maging parte ng multi-awarded series na The Broken Marriage Vow, with Jodi Sta. Maria.


It's long overdue for Jane dahil lampas dalawang dekada na siyang gumaganap sa mga “pansahog” na roles (like kaibigan, kaklase at barkada sa mga projects) at nito lamang siya nagkaroon ng malaking break playing two characters — as Olivia and Claire, na tiyak na malaking challenge sa masuwerteng tulad niya.


"Thankful po ako sa ibinigay na opportunity sa akin ng JRB at sa ABS-CBN dahil bihirang dumating ito sa isang kagaya ko. It's really a big challenge for me para ipakita ko kung ano silang dalawa (Olivia at Claire).


"Hindi naman po ito overnight success at sobrang happy ako sa tiwalang ibinigay nila sa akin."


Sa totoo lang, maraming um-agree na bagay sa kanya ang role na bida dahil na-maintain nito ang kaseksihan at pagiging fresh despite her age.



Tuloy, may nagtanong kung may ipina-enhance o ipinabago ba siya sa kanyang katawan?


"Wala po. It's just… noong nag-start ang pandemic, nagkaroon ako ng time at chance na magkaroon ng extra time na tutukan ang sarili ko, kung saan at ano ang gusto kong baguhin sa sarili ko.


"Lahat, diet, exercise hanggang sa nakasanayan ko na, saka itinuluy-tuloy ko na ang routine ko."


Sobrang grateful at saya raw niya nang siya ang napiling gumanap na Olivia at Claire sa Nag-Aapoy na Damdamin.


"May mga times na hindi ako makapaniwala, na dina-doubt ko pa ang sarili ko, kung ano pa ang dapat kong gawin. So, ipe-prepare ko lang ang sarili ko (sa role) at kailangan ko na laging i-practice ang lahat. Salamat at binigyan ako ng ganitong opportunity," ani Jane.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | July 3, 2023


Nakalabas na sa Makati Police Station si Awra Briguela matapos makapagpiyansa ng P6,000 nitong Sabado, July 1.


Matatandaan na nag-viral nu’ng Huwebes nang umaga ang mga videos kung saan nasangkot si Awra sa rambulan sa isang bar sa Poblacion, Makati na nauwi sa pag-aresto sa kanya.


May mga kasama si Awra nang gabing 'yun subali't siya lamang ang kinasuhan dahil na-video-han ang kanyang pagwawala at pagpalag sa mga otoridad na sumita sa kanya, dahilan para sampahan siya ng apat na reklamo kabilang na ang physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority at direct assault.


Sa ulat ng ABS-CBN News, makikita si Awra na nakalabas na mula sa Makati Police Station kung saa'y makikita sa video habang papalabas na ng presinto si Awra na nakasuot siya ng hoodie jacket at umiiwas sa kamera habang inaalalayan ng dalawang lalaki papunta sa van na naghihintay sa labas.


Ayaw munang magbigay ng anumang detalye ni Awra nang tanungin sa totoong kaganapan na sanhi ng kanyang pagkaka-detain.


Hindi naman makapaniwala ang mga fans at kaanak ni Awra sa napanood na video kung saa'y hina-harass niya ang isang tinedyer na lalaki at pinipilit itong maghubad ng pantalon.


Duda naman ng aming source na isang mataray na kolumnista, "Malamang, pinag-take ng "E" (ecstasy) si Awra. 'Yan kasi ang kalakaran sa mga bars ngayon, aalukin ka ng party drugs."


Sa ngayo'y bantay-sarado na raw si Awra ng pamilya hangga't wala pa siya sa tamang huwisyo.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 29, 2023



Sa latest na panayam kay Vice Ganda ay ibinahagi nito ang nararamdaman nang malaman nilang damay ang kanilang noontime show na It's Showtime sa gulong kinakaharap nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ng TAPE, Inc. na siyang producer ng longest-running noontime show na Eat… Bulaga! na umeere sa GMA-7.


Dahil sa pagkalas ng TVJ sa TAPE noong May 31, 2023, nagsulputan agad ang usap-usapang baka sa TV5 na mapapanood muli ang tatlong veteran TV hosts, sa bago nilang noontime show kasama ang mga ‘legit’ Dabarkads, na ibig sabihin ay maeetsapuwera ang It's Showtime sa 12 NN timeslot sa Kapatid Network.


Sa kanyang YouTube vlog na inilabas noong Martes, June 27 nang gabi, isinalaysay ni Vice ang mga kaganapan hinggil sa desisyon ng TVJ na iwan ang TAPE pagkatapos ng mahigit apat na dekada.


Sabi ng TV host-comedian, “Nagsimula ‘yan, nabasa ko sa Twitter. Umugong na siya, eh, bago pa kami kausapin.


“Tapos, I was going to the States for a concert tour that time. But before I left, tinawagan ko si Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN's Chief Operating Officer for Broadcast], tapos tinanong ko siya na, ‘Tita Cory, may mga ganitong chika, totoo ba ‘to?’


“Tapos, sabi ni Tita Cory, ‘Don’t worry, kasi wala pa namang nakikipag-usap sa amin, saka hindi pa naman kami sinasabihan ng TV5. So there’s no truth to that. So, kung anuman ‘yung nabasa mo, walang anything.’"


Kaya nawala na raw ang kaba niya at kumalma na.


Kaso, nu'ng concert daw niya sa Araneta Coliseum nu'ng June 2, nagkakagulo na at gusto na sana siyang kausapin ng management. Kaya lang, baka makaapekto nga sa performance niya kapag sinabi sa kanya ang tungkol dito bago ang concert.


So, last minute raw ay kinansela ang meeting nila para sa bagay na 'yun.


Linggo, June 4, tumawag ang head writer ng It's Showtime kay Vice at sinabi ang umuugong na balitang kakanselahin na raw ang blocktime deal nila sa TV5. Pinakalma ni Vice ang head writer dahil sa pagkakaalam niya ay wala itong katotohanan.


Lunes, June 5, binigyan ng management ng tatlong araw na break si Vice para maka-recover ang kanyang boses.


Pero tinext daw siyang pumunta ng ABS-CBN para sa isang meeting. Nagtaka si Vice dahil break niya dapat 'yun.


“Tapos ‘yun na, kinausap na kami. Ako muna ‘yung unang kinausap. Sabi, ‘Sa ‘yo muna namin sasabihin, tapos hihingin namin ang thoughts mo bago namin kausapin ‘yung mga co-hosts mo.’


“Those people who were talking to me were all very emotional. Tapos ako, ang weird, kasi wala akong masyadong emosyon.


“Sabi ko nga, ‘Siguro high pa ako kasi galing ako sa concert.’ Tapos, sinabi ko, ‘Okay.’ Tapos sinabi sa amin, ‘May ganito, baka i-move tayo sa 4:30 PM. Kung sa ‘yo, okay ka ba?’


“Sabi ko, ‘Personally, ayoko sa 4:30 PM timeslot kasi It’s Showtime is a noontime brand. It will destroy the brand. Kung dati, nausog tayo, naging 12:30, naging 12:45, okay pa ‘yun kasi pasok pa siya sa noontime. Pero kung 4:30, hindi na siya noontime,” katwiran ni Vice.


Pero dahil hindi naman daw siya ang may-ari ng It's Showtime at isa lang din siya sa mga hosts nito, nagpasabi rin naman si Vice na kung anuman ang maging desisyon ng management, sasama pa rin siya sa show.


Ayon kay Vice, marami na silang pinagdaanan, kung saan dati ay sa YouTube lamang sila napapanood bago pa nagbukas ang pinto ng A2Z, Kapamilya Channel at TV5 para sa kanilang programa.


“So, sabi ko sa kanila, ‘What else can hurt us?’”


Ang masakit lang daw ay 'yung makita nila ang mga staff nilang malungkot at nag-iisip kung may trabaho pa ba sila.


“Sabi ko, ‘Siyempre, since ginagawa n’yo akong leader nitong programang ‘to, the queen must not be the weakest. I cannot be the weakest, ‘di ba? You don’t call me the queen for nothing.


The queen must hide her wounds and endure.’


“Nasasaktan ako pero hindi ko ‘yun ipapakita sa kanila nang tahasan kasi manghihina sila.


Ang ipapakita ko sa kanila ay ‘yung lakas, ‘Dito kayo kumapit, kapit-kapit tayo rito.’”


Hindi raw lubos-maisip ni Vice na sa gitna pala ng giyera sa pagitan ng TVJ at TAPE ay ang It's Showtimeang labis na maaapektuhan.


“Alam mo ‘yung nararamdaman na parang tayo ‘yung naging casualty ng problema nu’ng TVJ at Eat… Bulaga!. Sabi ko, ‘Parang tayo ‘yung tinamaan nu’ng mga kanyon na ibinala nila.’ ‘Yun ang unang naramdaman namin."


Pero hindi naman daw niya sinisisi ang TVJ kung nawala man ang IS sa TV5.


"Kasi lahat naman kami, gusto lang magtrabaho. Lahat naman kami, may ipinaglalabang bahay. Lahat kami, may ipinaglalabang programa. Lahat kami, may ipinaglalabang audience na gustong pagsilbihan.”


Kaya simula sa July 1, sa GTV na nga mapapanood ang It's Showtime at katapat nila ang bagong noontime show ng TVJ sa TV5.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page