top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | July 25, 2023


Ipinagkatiwala kay Pops Fernandez ang bagong show ng TV5 na For The Love na mapapanood sa Kapatid Channel simula July 29, Sabado, 3:20 PM.


Dahil isa siyang singer, bagay kay Pops ang concept dahil kinakanta muna niya ang awiting isasadula sa bawat episode ng show.


Pahayag ni Pops sa mediacon ng For The Love, nakakanta naman daw niya ang mga bagong kanta ng Viva Records, pero kailangan pa raw niyang pag-aralan dahil ibang-iba raw ang mga ito sa mga kanta nu’ng kapanahunan niya. Kumbaga, naninibago pa si Pops sa mga bagong tugtugin na pang-Gen Z.


“'Pag napag-aralan naman, of course, kaya.


“Pero iba na ngayon ang kanilang melody. Iba na ngayon ang kanilang phrasing. Dati kasi sa amin, kunwari one sentence, dapat tatapusin mo ‘yung sentence. Ngayon, kalahati ng sentence, pupunta na ru’n sa kabila, parang may putol na.


“So, it's very... uh, kumbaga, I have to get used to it. These are wonderful songs. Ang napansin ko kasi ngayon sa mga kanta ngayon, mas ano sila, mas expressive sila sa nararamdaman nila. Nade-describe nila ang situation kung nasaan sila, naikukuwento nila sa kanta talaga.


“Dati kasi, in general, ‘di ba? ‘Tumingin ako sa mata mo,’ in general ‘yun. Ngayon kasi, naikukuwento na ‘yun. And again, their melody is somehow a little bit different from ours.


Kumbaga, ako in my mind, after this note, dapat pumunta ru’n, sila, naiiba. So, I just have to make sure that I learn it more,” pahayag ni Pops.


Halos mga kanta ng Viva Records ang ginagamit sa naturang programa kagaya ng Mahika ni Kitchie Nadal, Ligaya ng This Band, Pag-ibig Lang ng The Juans at marami pa.


“Ngayon, nakanta ko na, dapat kantahin ko na. I had to learn a lot of songs. And again, I don't mind it. Medyo natsa-challenge lang ako,” ayon pa sa original OPM Queen.


Ilan pa sa mga kantang nai-tape ng For The Love ay mga versions nina Hans Paronda and Edsel na Kahit Kailan, Before I Let You Go ng Freestyle, at ang Pagdating ng Panahon ni Ice Seguerra.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | July 23, 2023


Bagama't nag-uwi ng titulong Miss Philippines Tourism sa ginanap na Miss Grand Philippines 2023 pageant nu'ng July 13, 2023 ang dating TV host-turned TV star na si Herlene "Hipon" Budol, malabo namang matupad ang kanyang pangarap na mailaban sa international beauty pageant.


Nilinaw kasi ng manager na si Arnold Vegafria, ang namumuno sa ALV Pageant Circle na may hawak ng Miss Grand Philippines, na walang ugnayan ang naturang local beauty pageant sa Miss Tourism World na gaganapin sa Nobyembre sa London.


Base sa official statement na inilabas ni Vegafria nu'ng Miyerkules (July 19), "ALV Pageant Circle and Miss Grand Philippines would like to clarify that we have not yet issued any official confirmation regarding Miss Grand Philippines Tourism 2023 Herlene Budol's participation in the Miss Tourism World pageant.


"While we acknowledge the achievements of our reigning queen Justine Felizarta as the first runner-up in Miss Tourism World 2022, we would like to clarify that we have since ceased from using the Miss Tourism World Philippines title.


"Our Miss Philippines Tourism title is a generic title with no contractual obligation to any international pageant."


Dagdag pang pahayag, "Henceforth, our choice of global pageant may vary year after year, depending on the ideals and visions of the organization.


"It has never been our intention to instigate any conflict of interest with our fellow pageant organizers whom we regard with mutual respect.


"We are excited to announce that Miss Philippines Tourism 2023 will be competing in a different international tourism pageant, which will we announce very soon."


Samantala, ang nakakuha raw ng franchise deal para sa Miss World Tourism 2023 ay ang Hiyas Pilipinas na pinamumunuan naman ni Mike Sordilla.


Kaya kung sinuman ang mananalong Miss World Tourism Phils. sa Hiyas Pilipinas ang siyang magiging pambato sa gaganaping Miss Tourism World 2023.


Pinag-usapan naman at nag-trending sa social media ang naging sagot ni Herlene sa isang post matapos na hindi niya masungkit ang titulong Miss Grand Philippines 2023.


Feeling daw kasi ng beauty queen-turned TV star, nasayang ang talent niya at opportunity na mai-represent ang bansa sa gaganaping international pageant.


“Kase sinayang ni angkol, kaya sa Miss Tourism tayo ta-tumbling ng bongga,” post pa ni Herlene.


Marami naman ang nagpapayo kay Herlene na 'wag na nitong i-push pa ang pagiging beauty queen at mag-concentrate na lang sa pagiging sexy comedienne dahil du'n siya mas nababagay at puwedeng maging bagong Rufa Mae Quinto na sumikat noon bilang si 'Booba'.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | July 20, 2023


Pinalagan ng pamilya ng yumaong matinee idol na si Rico Yan ang latest controversy na pinalutang ng 90's sexy actress na si Sabrina M..


Kine-claim kasi ng sexy star na siya raw ang huling naging girlfriend ni Rico bago ito namatay nu'ng March 29, 2002.


Well, ang alam kasi ng lahat ay ang aktres na si Claudine Barretto ang karelasyon that time ng yumaong aktor, pero may mga tsika na ilang linggo nang hiwalay ang dalawa bago pa namatay si Rico.


Mula nang mamatay si Rico, pinili na lang ng kanyang pamilya na mamuhay nang tahimik upang malayo sa mga intriga. Pero nang dahil sa naging pahayag ni Sabrina, napilitan umanong magsalita ang ina ng yumaong aktor na si Mrs. Teresita Castro-Yan.


Hiling ng ina ni Rico, tigilan na ang paggamit sa pangalan ng kanyang anak, na halos dalawang dekada nang sumakabilang-buhay.


“It has been 21 years since Rico passed on March 29, 2002. The pain of the family losing a son and a brother has been permanently etched into our being.”


Ang naturang statement ay binasa ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog na Showbiz Update, na in-upload noong nakaraang Lunes, July 17.


Ayon pa sa comedian-talent manager, nakausap niya si Mrs. Yan sa pamamagitan ng nakatatandang kapatid ni Rico na si Bobby Yan.


Ipinahayag ng ina ni Rico ang kanyang pagkadismaya sa pagkakasangkot sa pangalan ng yumaong anak sa mga ganitong isyu, lalo na't wala na ito upang ipagtanggol ang sarili.


“The recent news swirling around Rico is very unfair. He is no longer around to give his comment, to either refute, or deny, or acknowledge the claims.


“It is not only unfair but disrespectful,” mariing banggit pa ng mommy ni Rico.


Hiniling pa ni Mrs. Yan na itigil na ng mga tao ang pagdawit sa kanyang anak sa anumang isyu.


Bukod pa roon, gusto rin niyang lubayan na si Rico, pati ang kanilang pamilya, at 'wag nang idamay sa anumang kontrobersiya.


“I ask everyone concerned to please STOP using Rico’s name for their own individual purposes,” pakiusap nito. “Please leave Rico and us in peace.”


Ano naman kaya ang masasabi ni Sabrina sa pahayag ni Mrs. Yan?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page