top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 7, 2023


Marahil parte lang ng biruan at kulitan ng mag-iina na sina Melai Cantiveros at ng mga anak niya na sina Mela at Stela ang pagtawag sa kanya na mukhang unggoy. ‘Yun nga lang ay nakunan ito ng video at ipinost sa social media kaya kaagad na pick-up ng mga netizens.


Sa nasabing video na in-upload ni Melai sa kanyang Instagram account, maririnig ang panganay nitong anak na si Mela na nagsasalita tungkol sa mga beauty products na binili niya. “Guys, nagbibili pa rin si Mama ng mga products, beauty products, pero mukha pa rin siyang unggoy.”


Habang maririnig naman sa background ang pagsigaw ng “unggoy” ng isa pang anak ng komedyana na si Stela.


Pagkabastos,” ang tanging nasabi ni Melai.


Ayon sa mga nakapanood ng video, hindi na ito dapat ipinost pa ng komedyana sa social media.


Posibleng maapektuhan din ang kompanya ng mga beauty products na ini-endorse ni Melai. Sino nga naman ang tatangkilik sa produktong gayung ‘di pa rin gumaganda ang gumagamit?


Subalit wala silang inilalabas na statement tungkol dito. Dinedma na lang siguro ito ng kompanya dahil lumalabas na biru-biruan lamang ito ng mag-iina. ‘Yun nga lang, tila hindi naman ito nagustuhan ng ilang netizens na nakapanood sa nasabing video kaya naglabas sila ng kani-kanilang saloobin.


“There should have been serious discerning before this clip was posted. Boundaries must be set between jokes and insult, especially addressed to parents? Not good example po for kids!”


“If we normalize this kind of behavior, they will think it is ok. Posibleng napagsabihan ni Melai ‘yung daughter niya after this. I know Melai and Jason are good parents.”


“Won’t let my child do this to her mother. This is not funny.”


“Woi, mama mo ‘yan.”


“Looks scripted, pero ‘di magandang example/content para sa mga followers niya.”


“Hindi nakakatawa. Ang rude, kahit na joke lang. Mama mo pa rin ‘yan.” Sabi pa ng concerned netizen.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 4, 2023


Espesyal na panauhin sa It's Showtime last August 1, Tuesday, ang Kapuso actress na si Bianca Umali. Bukod kay Vice Ganda, mainit ang pagtanggap ng mga kapwa hosts ng nasabing programa na sina Vhong Navarro, Kim Chiu, T'yang Amy Perez, Karylle, Jugs and Teddy at Ogie Alcasid kay Bianca.


Isinali sa Rampanalo segment ang Kapuso actress bilang isa sa mga box holders. Bago pa ang naganap na guesting ni Bianca, nabanggit niya kay Vice, “Kinakabahan ako dahil first time kong magge-guest sa It's Showtime. ‘Di na ako nakatulog.”


Bago siya sumalang sa naturang segment, nagpakitang-gilas sa kanyang production number si Bianca. Puring-puri ni Vice ang sexy dance production number ng actress sa kantang Dangerous Woman ni Ariana Grande.


Nakasuot si Bianca ng leather crop top, leather shorts, at thigh-high leather boots para sa kanyang sing-and-dance prod.


Pinuri ni Vice si Bianca, “I'm sure, madaming madlang people ang naka-appreciate ng prod mo.


Ang galing mo and ang ganda mo!”


“Lahat kami, happy dito. Hindi lang mga cameramen, kaming mga staff, mga hosts,” dagdag pa nito.


Dahil bago sa mata, litanya ni Vice na marami raw sa cameramen ng noontime show ang nabighani sa kagandahan ni Bianca base sa mga camera shots ng production number ng Kapuso actress.


“Parang close na close mo ‘yung mga cameramen. Close-up na close-up!


“Fourteen years na ako rito, apat lang ang close-ups ko. Kasi ‘yung mga cameramen namin, inspired kapag nakakakita sila ng maganda.”


Sabay sabi niya uli kay Bianca, “We're so happy that you are here!”


Lubos din ang tuwa ni Bianca na makatungtong sa It's Showtime studio sa ABS-CBN compound sa kauna-unahang pagkakataon.


“Kinakabahan talaga ako mula kagabi pa. Naisip ko, ‘pag makita ko na sina Meme Vice, kakabahan ako lalo, ‘pag nakita ko sina Kuya Vhong (Navarro), sina Ate Kim (Chiu).


“Pero nu’ng nakatungtong na ako, ang saya. Kasi it's new doors, new opportunities opening for everyone. Ngayon, ‘eto, sama-sama tayong lahat. Ang sarap po sa puso,” sabi ni Bianca.


Sabi naman ni Vhong, “Huwag kang mahihiya. Extension ito ng bahay mo sa GMA.”


Dito muling binanggit ni Vice ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA-7 para sa ilang collaborations, kabilang ang pag-ere ng It's Showtime sa GTV, isang GMA-affiliated free TV channel.


“Ito ang magandang nangyari sa pagpasok natin sa GTV. Ang dami nating mga bagong kaibigan. Na-extend.


“Lumaki nang lumaki, tapos nae-expose na ‘yung madlang people sa mga talents nila, at tayo, nakikita rin tayo ng audience ng GTV. Nakakatuwa. Share-share!” ani Vice.


Sa interbyuhan portion, naitanong ni Vice sa actress na kung sakaling mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng project sa ABS-CBN, sino'ng Kapamilya star ang gusto niyang makatrabaho?


Sagot ni Bianca, “ultimate dream” leading man niya si Piolo Pascual.


Sabi naman ni Kim, “Mahaba ang pila ru’n, Bianca!”


Paliwanag ni Bianca kung bakit gusto niya si Piolo, “Kasi sobrang idol din siya ng lola ko.

“'Pag makatrabaho ko siya, mahihingan ko ng video greet ang lola ko.”


Bago si Bianca, marami na ring Kapuso stars ang naging guest sa It's Showtime, gaya nina Julie Anne San Jose, Pokwang, Gabbi Garcia, Rayver Cruz at Richard Yap.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | July 26, 2023


Unang nagkasama sa Viva One series na The Rain In España ang rumored couple na sina Marco Gallo at Heaven Peralejo (MarVen). At ngayon nga ay magtatambal muli ang dalawa sa The Ship Show, isang romantic-comedy tungkol sa 12 katao sa isang reality show at mula rito, pipiliin kung sino ang mananalo at tatanghaling “the country's next big love team”.


Sa pagharap ng dalawa sa mga press people, naungkat ang tungkol sa sinasabing pagkakamabutihan ng dalawa. Subali’t tikom ang bibig nina Marco at Heaven kung ano nga ba ang tunay na estado ng kanilang relasyon.


Paglilinaw ni Heaven, “'Yung past relationships ko, super open to the public and parang wala siyang masyadong naidulot na maganda. Parang ngayon, mas gusto kong protektahan kung ano man 'yung meron ako sa personal life ko.”


Matatandaang naging girlfriend siya ng anak ng Pambansang Kamao na si Jimuel Pacquiao, at dahil sa panghihimasok ng ibang tao, nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Kesyo sinasabing ang yaman daw ng mga Pacquiao ang habol niya kay Jimuel.


Patuloy pa niya, “Kung ano lang sana 'yung mga nakikita ng tao, sana, respetuhin nila. 'Yun lang din naman po 'yung gusto namin, na willing kaming ilabas.”


Ayon pa sa dating Kapamilya star, traumatic para sa kanya ang mga nakaraang relasyon kaya't secretive siya ngayon.


“Opo! Kasi, ako ngayon, parang if ever papasok ako sa isang relationship, gusto ko sana, 'yung pangmatagalan na, eh. Kung pupuwede nga, hanggang dulo na, 'yung ganu'n. Kasi, nakakapagod din ‘yung alam mo ‘yun… ‘yung papalit-palit (ng karelasyon).


“Ayoko talaga ng ganu’n. Pero siyempre, kung hindi pa 'yun ang tamang tao para sa akin, eh, di siyempre, I have to let go," ani Heaven.


Si Marco na kaya ‘yung tamang taong kanyang binabanggit?


"Pero siyempre, kung tama naman 'yung tao para sa akin, bakit ko ile-let go 'yun? Siyempre, paghihirapan ninyo 'yun at tatrabahuhin araw-araw.


“Sa ngayon, lahat naman ng mga nakikita ko kay Marco, napaka-green plant (green flag) nitong lalaki na ‘to, eh! Hahaha! Ah, pero we’re still enjoying our time. There’s no rush and 'yun lang.


“You know why there’s no rush? It’s been on the same mindset, kasi medyo nag-aalanganin kami sa mga personal na relationships namin. Meron kaming realization na parang sabi namin, hindi na siya parang… it’s gonna be the one na.”


Pagpapatuloy pa niya, “It’s hard to just jump into another relationship, especially men, kasi masasayang lang, 'di ba? Masakit 'yun, eh, mentally, emotionally, maa-affect ka ru’n. So, para sa amin, kung ano man ang meron kami, we just want to make it right. We’re taking our time, there’s no rush, ganu’n.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page