top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 19, 2023


Isa sa mga hosts ng The Voice Generations sa Kapuso Network ay ang dating host ng It's Showtime na si Billy Crawford. Biglang iniwan ni Billy ang show noong mawalan ng franchise ang Kapamilya Network.


Katwiran niya ay meron siyang binubuhay na pamilya kaya kailangan niya ng trabaho.


Ngayong sanib-puwersa na ang ABS-CBN at GTV (sister company ng GMA-7), naitanong kay Billy kung may posibilidad ba siyang bumalik sa It's Showtime kapag may offer.


Ani Billy sa isang panayam sa kanya, hindi raw nito isinasara ang posibilidad na makabalik siya sa It's Showtime.


“It doesn't matter. Sa totoo lang, kung makakapunta ako sa Showtime, makakapunta ako sa Eat… Bulaga! at kung makakapunta ako kung saanman, kasi ‘yun ang promotions namin para sa mga proyekto namin.


“I go where work takes me, to be honest with you. Kung saan ang trabaho, doon ako,” makahulugan niyang sagot.


Pero, may ilang netizens ang hindi agree sa pananaw ni Billy na kung saan siya dadalhin ng promo ng kanyang work, doon siya.


Sabi ni Imelga Regio Belarmino, “Papayag kaya si Vice (Ganda) na makasama ulit si Billy?


Ayaw ni Vice ng mga walang utang na loob, nang-iiwan. Porke't wala nang franchise ang ABS-CBN, bigla na lang lumayas.”


Ouch naman!


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 15, 2023


Isang apology letter ang ipinost ng content creator, former contestant ng Miss Universe-Philippines 2021 at editor-in-chief ng Nylon Manila na si Ayn Bernos para sa mga Kathryn Bernardo fans at sa kanilang idolo.


Ang kanyang paghingi ng sorry sa mga fans ni Kathryn ay tungkol sa lumabas na artikulo sa isang digital publication tungkol sa actress. May isang tweet ang publication na ikinadismaya at ‘di nagustuhan ng mga supporters ni Kathryn.


Ayon sa tweet: “If the trailer for A Very Good Girl is anything to go by, #KathrynBernardo needs to continue taking on diverse acting roles.”


Sa simula ng artikulo, kinilala ang pagiging sikat ng Kapamilya superstar at ang pagiging box-office queen nito dahil sa tambalan nila ni Daniel Padilla. Maganda ang nilalaman ng kasunod na artikulo.


“While there is nothing wrong with that, we can’t help but feel that Kathryn can do more than just the typical roles. We know that she has the talent, she just needs the right vehicle to do it.”


Hindi rin daw nila nagustuhan ang pagkumpara kay Kathryn sa iba pang Kapamilya stars na nag-venture sa ibang genre para mag-grow bilang actors.


Sabi ng artikulo, “While there is nothing wrong with wanting our fave actors and actresses to take on movies and roles we loved them for, they also deserve to spread their wings creatively and expand into different projects.”


Sa nasabing artikulo, pinangalanan ang mga artistang tumiwalag sa love teams para mag-grow as an actor gaya raw nina Enrique Gil, Nadine Lustre, Liza Soberano, at Andrea Brillantes.


Sa huling bahagi ng artikulo, sinabi na tamang landas ang tinatahak ni Kathryn na tumatanggap na ngayon ng mga proyektong ipapakita ang kanyang versatility as an actress.


“We hope this isn’t a short-lived moment but the start of a new period for Kath to expand her portfolio,” sabi sa artikulo.


Ipinost ni Ayn sa X (dating Twitter) ang kanyang apology letter.


Umpisa niya, “Recently, we published an article titled ‘We’re here for Kathryn Bernardo’s Experimental Era’ with every intention of commending her new role on A Very Good Girl.


“I understand, however, that I have overlooked the tone and word choice in some parts of the piece.


“I take full responsibility for this. Personally and professionally, I believe in lifting women up and creating safe spaces for us to thrive, and I am sorry for this oversight.”


Tinapos ni Ayn ang letter sa pagsasabing may mga natutunan siya sa karanasang ito at patuloy niyang pag-iigihan ang kanyang trabaho.


Para sa ibang Kathryn supporters, ang ibang bahagi ng artikulo ay pagpuna at papuri umano sa kanilang idolo.


Hindi nila pinansin ang papuri, at katwiran ng mga fans, isa pa namang advocate si Kath ng women empowerment, pero hinayaang ibaba ang babaeng katulad niya sa artikulong lumabas nang ikumpara ang aktres sa iba pang celebrities.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 9, 2023


Naipanalo ng mga Jalosjos ng Television and Production Exponents, Incorporated (TAPE, Inc.) ang kaso laban kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon kaugnay ng renewal of registration ukol sa pagke-claim ng kanilang trademark, ang Eat… Bulaga! na patuloy pa ring umeere at mag-e-expire na sana ang kontrata sa Kapuso Network ngayong taon.


Ayon sa legal counsel at abogada ng TAPE, Inc. na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, natanggap ng kanilang kampo noong August 4 ang certificate of renewal of registration para sa EB! at naisyuhan pa sila ng 10 years para magpatuloy ang programa sa GMA-7.


Sa bisa ng certificate of renewal, hanggang 2033 pa eere ang programa nina Paolo Contis, Mavy at Cassy Legaspi sa Kapuso Network.


Pahayag ni Atty. Garduque, “Yes, we received the renewal of certificate yesterday. Since it has a term of 10 years, so TAPE, Inc. owns the trademark of Eat… Bulaga! until 2033.”


Dagdag pa ni Atty. Garduque, “Marami kasi ang nagsasabi na since nag-expire ang registration ng TAPE sa Eat… Bulaga! trademark, free-for-all na ito. That is not true. TAPE, Inc. renewed and we’re happy na na-issue na ang certificate of renewal which makes TAPE, Inc. the continuous owner of Eat… Bulaga! trademark until 2033.


“Importante ito kasi, kumbaga, sa lupa, (ito) ang certificate of registration and in this case, certificate of renewal of TAPE ay siyang titulo niya to prove its ownership over the trademark of Eat… Bulaga!


Aniya pa, “From the start, Intellectual Property Office (IPO) recognized TAPE as the prior registrants of Eat… Bulaga! trademark. This renewal is a testament that TAPE was and remains the registered owner of the trademark Eat… Bulaga!


Nangyari ang “agawan” sa titulong Eat… Bulaga! base sa kasong inihain nina Tito, Vic at Joey (TVJ) laban sa TAPE, Inc. at GMA-7 kung saan ay ipinapakansela ng tatlong veteran hosts ang trademark ng EB!, pati na rin ang logo ng programa.


Tiyak na tatagal pa ang pagdinig sa iba pang kasong isinampa ng TVJ laban sa mga Jalosjos hanggang September 2023.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page