top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 30, 2023


Ganu’n na lang daw ang naramdamang excitement ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa kanyang bagong pelikula kasama ang award-winning and internationally-acclaimed actress na si Dolly De Leon sa A Very Good Girl.


Handog ng Star Cinema ang nasabing movie na may temang dark comedy. Ito ang unang pagkakataon na nagsama ang dalawang aktres sa isang proyekto, kaya’t ikinuwento ni Kathryn kung gaano siya ka-excited na makasama ang Cinemalaya’s Best Supporting Actress na si Ms. D (Dolly).


“The first time na nag-meet kami ni Ms. D, siyempre, kinabahan ako kasi nu’ng ipinitch nila ito sa akin and then I picked this material, tinanong ko agad kung sino ‘yung peg nila for Mother, and they told me, (Dolly de Leon), ‘We will try to talk to Ms. D,’” umpisang kuwento ni Kathryn sa ginanap na grand press launch ng A Very Good Girl kamakailan lamang sa ABS-CBN.


Dagdag pa niya, “And then, sinabi ko sa kanila, ‘You think, may time si Ms. D na gumawa nito?’


Kasi alam ko, mag-i-start na siya ng project niya in Hollywood. But then, sabi nila, ‘Walang mawawala, so let’s try.’ So, the moment na naka-Zoom nila si Ms. D and then, she agreed to do this project, slowly, nangyayari na lahat and then, nagkita na kami.


"Nu’ng nakita n’yong nag-pinky swear kami rito sa Morato, and ‘yun na ‘yung parang bonding namin to get to know each other. Buwelo to get to know ‘yung work ethics namin,” sey pa ni Kathryn.


Ibinahagi rin niya kung kailan siya nagsimulang ma-intimidate kay Dolly.


“Nu’ng nasa set na, biglang na-intimidate ako (laughs). Nu’ng nasa set na and she was all glammed up and kung paano siya mag-focus to prepare for the scenes and kung paano siya, just her being her. And first time ko siyang maka-work dito.”


Bukod doon, inamin din ni Kathryn na talagang na-pressure siya na makatrabaho ang award-winning at internationally-acclaimed actress, “So, na-pressure talaga ako which is a good kind of pressure and she didn’t make me feel it. She was very supportive pa nga.


Kaya siguro na-intimidate ako at first pero napalitan siya into a good kind of pressure, because I want to be good para maging worth it naman ‘yung pag-agree ni Ms. D na tanggapin itong pelikula na ito and of course, to give justice to the story as well.”


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 26, 2023


Ipinagkibit-balikat ng 27-year-old actress na si Kathryn Bernardo ang magkahalong reaksiyon ng mga netizens sa online tungkol sa kanyang ‘wholesome image’ na nag-level-up na ngayon dahil mas naging vocal na siya na gusto na niyang kumawala sa kanyang girl-next-door persona at sumabak sa mga darker and more complicated roles.


Sa kanyang latest film, ginagampanan ni Kathryn ang role ni Philo, isang misteryosong babae na pumasok sa glamoroso ngunit puno ng kakaibang lihim na buhay ni Mother (ginampanan ni Dolly de Leon) na may detalyadong plano ng paghihiganti na magiging mas kumplikado kesa sa inaasahan niya.


Tila parte na ng role ni Kathryn ang pagrerebelde kay Mother Molly at sabi pa ng actress, malaya raw ang mga tao na mag-isip ng kung anu-ano tungkol sa nag-viral niyang video kung saan ay makikitang nagbe-vape siya, pero ‘di raw niya hahayaang maapektuhan siya ng mga komento ng mga ito.


Sinabi pa ng Best Actress sa Asia's Content Awards na nais din niyang paalalahanan ang kanyang mga tagahanga na kahit mga public figures sila, kailangan pa rin nila ng kanilang personal space, lalo na kapag off-cam.


Samantala, sa tanong tungkol sa planong pagpapakasal nila ni Daniel Padilla dahil marami ang kinilig nang makita silang dumalo sa kasal ni Direk Cathy Garcia-Molina, gaya ng mga naunang pahayag ng KathNiel, “Wala, tagal pa, kasi ngayon, nandito kami sa peak namin ni Deej na kailangan naming magtrabaho, especially may bahay na ipinagawa, ang daming gastos, and then, parang alam din namin sa sarili namin na hindi pa, hindi pa time and open kami about it, ah. Iba-iba naman 'yung time ng lahat. So ngayon, attend lang kami ng mga kasal, mga ganyan, kunin n’yo lang kaming bridesmaids, ganyan, okay lang 'yun sa 'min,” biro pa niya.


Subali't 'di naman itinatanggi ng actress na may balak sila ni DJ na magpakasal in the future.


“Yes, of course. But then, he respects my timing din. Sa akin, alam ko rin na hindi pa ako ready, so ayaw kong pilitin, mga ganu’n. Importante, masaya kayo ngayon, tapos take it day by day,” pahayag ni Kathryn.



 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 22, 2023



Nadagdagan na naman daw ng bagong "violations" sa Movie and Televisions Review and Classification Board (MTRCB) ang noontime show na It's Showtime dahil sa binitawang salitang "vibrator" ni Kim Chiu ilang linggo na ang nakararaan.


Hindi naman sinasadya ni Kim ang pagkakabanggit sa vibrator, pero kumalat ang naturang video sa TikTok kung saan ay iniinterbyu ni Kim ang isang contestant sa Tawag ng Tanghalan kasama sina T'yang Amy Perez at Vhong Navarro.


Tila lusot na sana ang naganap na pagkakamali ni Kim, subali't naungkat muli ang isyu sa X (dating Twitter) at nangyari raw ito sa Tawag ng Tanghalan segment nu’ng August 2, 2023.


Sabi ni Kim sa isang contestant, "Ang ganda ng vibrator ng boses mo."


Kaagad namang nagreklamo ang ilang netizens sa MTRCB, subali't sa tingin ng nakararami ay walang malisya ang pagkakabanggit ng Kapamilya actress-TV host sa "vibrator" at "vibrato" lamang ang nais niyang sabihin dahil pinupuri nito ang boses ng contestant at malayo sa iniisip ng nagreklamo na ito'y may himig-malaswa dahil malinaw naman kasi na ang ibig niyang sabihin ay "vibrato" o timbre ng boses.


Pero may ilan pa raw nabanggit si Kim na pinag-uusapan ngayon ng board ng MTRCB. May isa ring episode kung saan binanggit ni Kim ang "p*kp*k shorts". Kaagad itong ikinorek ni Jhong Hilario at sinabing "kwek-kwek shorts."


Sinang-ayunan agad ito ni Kim ng, “Oo, kwek-kwek shorts!"


Tanggap naman ng madlang pipol ang brand ng pagpapatawa ni Kim dahil ayon sa ilan, may pagkamali-mali ang aktres. Kaya sabi nga ng ibang napagtanungan, parang innocent mistakes lang ito ng actress-TV host.


Ayon sa source, hindi pa rin daw tapos ang deliberation sa MTRCB at kung ano ang magiging desisyon kaya't wala pang aasahang statement sa ngayon mula sa naturang ahensiya.


Posible raw na sa susunod na linggo ay may ilalabas na statement ang MTRCB kung ano ang magiging desisyon nila sa unang isyu (icing cake incident nina Vice Ganda at Ion Perez) ng It's Showtime, at baka pati na rin sa E.A.T. kung saa'y tinawag din ang atensiyon ni Wally Bayola dahil sa kanyang pagmumura nang live on national television.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page