top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | September 2, 2023


Kinumpirma ng isang malapit na talent manager na totoong may sigalot ngayon sa pagitan ni Sharon Cuneta at ng panganay na anak nitong si KC Concepcion.


Ayon sa source, hindi lang daw ang mag-ina ang kasali sa hidwaan at sa pagkakataong ito ay involved din ang stepfather ni KC na si former Senator Francis “Kiko” Pangilinan.


Ang nasabing hidwaan ay agad ding kinumpirma ni KC sa isang panayam na in-unfollow niya sa Instagram si Kiko at kapatid na si Frankie Pangilinan, ngunit hindi nito tinukoy ang tunay na dahilan.


Kahapon (September 1), sa isang panayam kay PEP.ph Editor-In-Chief Jo-Ann Maglipon, aniya, sinabi sa kanya ng isang talent manager na sa mahabang panahon ay nakilalang malapit kay Sharon at sa pamilya nito, ang naging dahilan ng sigalot.


Unang nilinaw ng talent manager na hindi ito nagsasalita sa ngalan ni Sharon, ngunit alam daw niya ang tunay na kuwento at dahilan ng sigalot sa pamilya involving Sharon, Kiko at KC.


Bago pa raw kumalat at magsanga-sanga ang haka-haka o espekulasyon, minarapat nitong ibahagi ang kanyang nalalaman para tuldukan na rin ang mga espekulasyong peke ang sigalot at publicity lamang para sa hiwalay na upcoming projects ng mag-ina.


“This is a family matter,” pananaw ng talent manager sa lumabas na pahayag ni KC sa interbyu sa kanya ni Ogie Diaz sa YouTube vlog nito.


Pero aayusin din daw ito ng mga Pangilinan bilang isang pamilya, hindi lang sa harap ng publiko at ng media kapag dumating na ang tamang panahon.


Binigyang-diin din ng talent manager na si Sharon ay isang “mother first and last.”


Maliban daw sa pagiging public figure ni Sharon, higit pa ang obligasyon nito sa mga masugid at matagal na niyang tagahanga, at higit sa anupamang roles nitong ginagampanan sa buhay — si Sharon ay ina ng kanyang mga anak.


May apat na anak si Sharon — si KC, ang tanging anak sa kanyang first marriage; at sina Frankie, Miel, at Miguel, mga anak niya sa second marriage.


Sabi ng talent manager tungkol sa pagiging ina ni Sharon, “No situation, no challenge, and no provocation will change that. A mother will never knowingly put any of her children in a bad light.”


Umaasa rin ang talent manager na hayaan na sana ng entertainment press sina Sharon at KC na mag-promote ng kani-kanyang mga bagong proyekto “with grace”, at 'wag nang isama ang sigalot o hidwaan ng pamilya.


Masanay na rin sana ang mga netizens na kapag may ipino-promote na project ang kahit sinong celebrity, kailangan nilang mag-ingay para mapag-usapan.


Si KC ay kasalukuyang nagpo-promote ng kanyang international movie na Asian Persuasion, habang si Sharon naman ay magkakaroon ng concert kasama ang ama ni KC na si Gabby Concepcion, ang Dear Heart, na gaganapin sa SM MOA Arena sa October 27, 2023.


Bukod dito, mapapanood din si Sharon sa 2023 Metro Manila Film Festival entry na A Mother And Son's Story kasama si Alden Richards.


Sa bandang huli, sinabi ng talent manager (na hindi muna pinangalanan) na katulad ni Sharon, inirerespeto at sinusubukang intindihin ni Kiko at ng mga kapatid ni KC ang kanyang mga pinagdaraanan sa mga panahong ito.


Matagal na raw ang history ng tampuhan ng mag-ina, na kalimitan umano'y nagsisimula sa paghihimutok ni KC at nagtatapos sa pagbibigay-daan ni Sharon.


Sa panibagong kabanata ng sigalot, lumalabas na noong Agosto 24, mismong araw ng kaarawan ni Kiko, may mga mapanuring netizens ang nakapansing nag-unfollow si KC sa kanyang stepdad.


Usap-usapan, ngunit hindi kumpirmado ng PEP.ph kung may kinalaman ito sa napapabalitang relasyon ni KC sa negosyanteng si Mike Wuethrich.


Base sa nakalap ng PEP.ph mula sa dalawang sources, hindi lubusang tanggap nina Sharon, Kiko, at Frankie ang relasyon ni KC sa Filipino-Swiss boyfriend nito. Ngunit tila kailangan ang malalim pang anggulo rito bago mapaniwalaan.



 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | September 1, 2023


Para kay Andrea Brillantes, hindi pa raw niya nakikita ang sarili na muling papasok sa isang relasyon, pero open naman daw siya sa ideya na makipag-date.


“As you all know, it's been a couple of months na naging single ako and I’m not looking for a man or commitment, not a boyfriend as of right now,” sabi ni Andrea.


Matatandaang nitong mga nakaraang buwan ay naging kontrobersiyal ang split-up nila ng basketball player na si Ricci Rivero.


Dahil naka-move on na sa nangyari sa nakaraan niyang affair with Ricci, ipinahayag nito sa isang vlog ang ilang celebrities na gusto niyang maka-date gaya ng anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak na nag-aaral sa England at isang football player sa pinapasukang university.


Binanggit din ni Andrea ang sikat na 7’3 basketball player na si Kai Sotto na nais din niyang maka-date.


Nakarating na kay Ina Raymundo ang viral na pahayag ni Andrea na nais nitong maka-date ang kanyang six-footer Filipino-Ukrainian na anak.


Sa kolum ni Giselle Sanchez sa isang broadsheet nitong August 29, 2023, ibinahagi ng TV host-comedienne na naka-dinner niya si Ina noong Biyernes, August 25, at saglit nilang napagkuwentuhan ang vlog ni Andrea.


Ipinarating ni Giselle kay Ina ang pahayag ng Kapamilya star. Sabi naman ni Ina, gusto rin niya si Andrea at “flattering” ang naging pahayag nito tungkol kay Jakob.


Pero, hindi raw niya hawak ang anumang gusto o ang anumang pagpapasya ng kanyang anak tungkol sa mga naging pahayag ni Andrea para rito.


Sabi ni Ina, “I like Andrea, and I find her comments flattering and amusing. It’s raw and unfiltered.


I am also not sure if she was serious or just kidding around.


“Unfortunately, I cannot decide for my kids Jakob and Erika on their choices and love life. It’s really up to them. Also, the two are too busy in school abroad to comment on this.”


Sa vlog ni Andrea na lumabas noong August 21, napagkatuwaan nila ng kanyang mga kaibigang babae na maglaro ng "Date or Pass" game kung saan sasabihin nila kung ide-date o magpa-pass sila sa mga babanggiting male celebrities.


Isa sa mga nabanggit na pangalan ay si Jakob kung saan sinabi ni Andrea na nais niya itong maka-date.


Ibinahagi pa ng actress-vlogger na mayroon na silang encounter noon.


“I would definitely date. Gusto ko lang sabihin na dati, nagpakilala siya sa akin. I was with Bea.


Kaso, ka-holding hands ko ‘yung ex ko nu’n. Tapos, nagpakilala siya sa akin. Sabi niya, ‘Hey, I’m Jakob.’


“Guwapung-guwapo na ako sa kanya dati pa,” kinikilig pa nitong sabi tungkol sa anak ni Ina.


Pahabol pa niyang mensahe kay Jakob, “Hi, Jakob! If you’re watching, I’m single now.”


Umani ng negatibong komento mula sa ilang netizens ang pagpaparamdam umano ni Andrea kay Jakob. Para raw kasing hindi maganda sa isang babae na gumagawa ng first move sa mga lalaki.


Pero, hindi ito inalintana ni Andrea at patuloy lamang siya sa kanyang trabaho.


Komento ni Wilryan na isang US citizen, “Parang ang trip ni Andrea ay mga sporty at virgin boys pa. Eh, kasi, mga bata pa at full of energy.”




 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 31, 2023


Makahulugan ang mga binitawang posts ni Vice Ganda sa X (dating Twitter) na tila pasaring sa dating Kapamilya TV host na si Toni Gonzaga nitong nakaraang Linggo, August 27.


Tweet ni Vice, “Nakapag-reinstall na ba lahat? Happy Sunday! (orange heart emojis).”


Bago ang naturang post ni Vice ay ang pagpapakilala sa kanya bilang bagong brand ambassador ng online shopping platform na Shopee.


Naging usap-usapan ang naturang tweet ng It’s Showtime host para sa dating PBB host na si Toni kaya umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens.


Ayon sa kanila, tila “shade” o pasaring daw ito ni Vice kay Toni na dating brand ambassadress ng nasabing shopping app na Shopee.


Matatandaang noong September 2022, nag-trending sa social media ang “Bye Shopee” matapos nilang umani ng kritisismo at naging nega dahil sa pagiging celebrity endorser ni Toni ng nabanggit na shopping app.


Maraming Shopee users ang na-turn-off sa TV host-actress dahil sa lantaran nitong pagsuporta at pangangampanya kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr..


Ang lalo pang nagpagalit sa ilang netizens ay ang kumalat na balitang nagtanggal o nag-retrench daw ng mga empleyado ang Shopee para makuha ang serbisyo ni Toni, na milyun-milyon umano ang idinemand na talent fee.


At dahil sa nangyari, maraming netizens ang nag-uninstall umano ng nasabing shopping app. Marami rin ang nagsasabing in-install na nilang muli ang Shopee app dahil hindi na si Toni ang ambassador nito.


Sa comment section ng post ni Vice ay bumuhos ang komento mula sa mga netizens na naniniwalang tila patama kay Toni ang post nito.


Komento ng isang netizen, “FINALLY!!! Yes po, opo, Meme! Na-miss ko, in fernez ang Shopee! I had been praying that this day would come! [laughing in tears emoji].”


“Basta, wala na si Toni Gonzaga!!!!! Install ko na ulit,” hirit naman ng isa pa.


Ayon pa sa isang Shopee user, “'Di ako nag-uninstall, pero ‘di ko rin ginamit. At least ngayon, maluwag na sa dibdib na magagamit ko ang Shopee na wala si Toni.”


Bukod doon, nakakairita rin daw para sa mga netizens ang tila pagkampi ng kanyang mister na si Direk Paul Soriano na tinawag pa ang asawang si Toni na “The Most Powerful Celebrity”. Tanong tuloy ng ilan, “Nasaan na ang power?”


Hanggang sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang Shopee sa pagligwak kay Toni at pagkuha kay Vice bilang kapalit nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page