top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | September 13, 2023


Ikinuwento ng actress na si Matet de Leon ang kanyang karanasan sa pagpila sa person with disability lane (PWD) nang minsan siyang magpunta sa isang supermarket.


Sa kanyang post, ibinahagi ng actress na pinagtitinginan umano siya ng mga tao sa supermarket matapos niyang pumila sa lane ng mga taong may kapansanan. Kinalabit pa umano siya ng isang yayamaning babae at pinapalipat siya ng lane.


Paliwanag ni Matet kung bakit siya pumila sa PWD lane, “I have bipolar disorder. I’m a PWD.


Hindi halata? Kaya pala pinagtitinginan ako kanina sa isang supermarket. Kinalabit pa ako ng isang babaeng yayamanin at pinapalipat ng lane.”


Kahit na pasok sa PWD category ang kanyang health condition, umamin ang actress na hindi niya maiwasang mahiya sa tuwing nakapila siya sa nasabing lane.


“Hiyang-hiya ako. Pati sa sarili ko… Pumila kasi ako sa PWD lane.. Wala akong kasunod na senior o may visible disability, kaya nag-decide ako na doon na pumila. Kung saan ako dapat,” sabi ni Matet.


“Ang hirap ng kalagayan naming may mental health issues na hindi nakikita ng iba.. Sanay sila na ang may mental illness, nagtutulo ang laway o nagsasalita mag-isa. Sana, sa lahat ng makakabasa nito, mag-ingat.


“Guys, hindi madali ang malagay sa sitwasyon namin. Sana, huwag nang pabigatin pa ng iba.


Sana, huwag nang paabutin pa sa kailangan na naming isabit sa leeg namin ‘yung mga IDs namin," mensahe pa ng actress.


May payo si Matet sa mga kagaya niyang PWD, "At sa mga kagaya ko, na kaya naman magtiis nang sandali, paunahin ang mga matatanda at ‘yung talagang makikita ninyong hirap nang pumila. ‘Yun lang."


Maraming PWD netizens ang naka-relate sa naturang post ni Matet dahil nakaranas na rin sila ng kaparehong insidente, kaya’t ipinahayag nila ang kani-kanilang karanasan at suporta sa actress.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | September 7, 2023


Bago pa man sabihing “napulitika” ang It’s Showtime dahil sa ipinataw sa kanilang 12 days suspension ng MTRCB na ang kasalukuyang chairperson ay si Lala Sotto na anak ng isa sa mga hosts ng E.A.T. sa TV5 na si Tito Sotto na katapat ng nasabing Kapamilya noontime show, agad na nilinaw ni Chair Lala na nag-abstain siya o hindi bumoto kaugnay sa ‘cake icing’ harutan nina Vice Ganda at Ion Perez sa Isip Bata segment noong July 25, 2023 episode ng It’s Showtime.


Inilabas ng MTRCB ang kanilang official statement nitong Martes, September 5, na sinisiguro ang pagkakaroon nila ng ‘due process’ at ‘fairness’ sa paggawa ng mga desisyon.


Laman ng pahayag ng MTRCB, “The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) reassures the public that it will continue to uphold due process and fairness in the discharge of its regulatory mandate and quasi-judicial function, as provided by law.


“In each adjudication proceeding, the Board ensures that respondents are accorded due process and exercise their right to a fair trial.


“Through the Agency’s Hearing and Adjudication Committee, respondents are given the opportunity to present their case and submit position papers, which are deliberated upon by the said Committee.


“After considering the merits of the case, the Committee recommends to the Board its final decision for affirmation.


“Last 17 August 2023, a special board meeting was held to address multiple adjudicated cases, including the 25 July 2023 episode of It's Showtime.


“On 29 August 2023, during its regular board meeting, the Board unanimously voted on the suspension of the said program.


“This decision was made with careful consideration of prior warnings and offenses associated with the show.


“Chairperson Lala Sotto inhibited from voting, ensuring that members of the Board exercised their independent judgment in determining the appropriate course of action.


“Despite the imposition of the penalty, respondents have the right to file a Motion for Reconsideration (MR) within fifteen (15) days after receipt of the decision.


“Should the respondents find the Board’s decision on the MR unfavorable, they may choose to appeal to the Office of the President within fifteen (15) days from the receipt of the decision on the MR.


“The order suspending the show shall only take effect after the lapse of the aforementioned periods without the respondents having filed their MRs or appeals.”


Kaya maraming netizens ang nagsabing “napulitika” ang It’s Showtime nina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Vhong Navarro at iba pa dahil napansin nila na halos kadikit na nito sa ratings ang E.A.T. nina Tito, Vic Sotto at Joey de Leon.


Matatandaang sa Choose Ko Po! segment ng It’s Showtime noong nakaraang Lunes, September 4, matapos nga ang presentation ng letter D, nagsabi si Vice ng, “Okay, letter…”


Hirit pa nito habang binubuklat ang hawak na cue card, “Hindi, may letter… may letter… The Office of the Movie and Tele- charot! Hahaha! ‘Yun ‘yung letter. Hahaha!”


Tawanan at hiyawan ang mga tao sa studio dahil sa sulat galing sa pamunuan ng MTRCB na nakasaad ang 12-day suspension sa show.


Sabi ni Vice, “Okay! Ano’ng laging nasa panalangin ng Showtime staff? Hahaha!”

“Ano nga?! Letter A?!” bulalas ni Karylle.


Pagpapatuloy ni Vice, “Hahaha! Sana ‘yun ang tanong. Ano kaya ang ipinagdasal ng Showtime staff kagabi?”


“Pero ang Showtime family, kung anuman ang ipinagdasal n’yo kagabi, I’m very sure, ‘yun din ang ipinagdasal ng madlang people. We are in this together, ‘di ba?” pagseseryoso naman nito.


Halu-halong emosyon ang ipinadama ng mga studio audience, may mga umiyak at may mga nagpalakpakan.


Makikita sa hitsura ni Vice na tila kampante siya habang nagbibigay ng mensahe sa loob ng studio para sa kanyang mga co-hosts, staff ng show at madlang people kung saan nilapatan pa nga ito ng background music.


“Oo, ‘di ba? ‘Di ba? Tayo ang madlang people. Kayo ang Showtime, yes! Tayo ang Showtime!”


Dahil malaking isyu ang naganap, trending topics sa X (dating Twitter) sa buong Pilipinas at maging sa mga madlang pipol abroad ang mga pangalan nina Lala Sotto, Vice Ganda, pati na rin ang mga hashtags na, #AbolishMTRCB at #TayoAngShowtime.


Ayon pa sa nakausap naming source, patuloy pa ring eere ang It’s Showtime sa telebisyon dahil anila’y wala pang “finality” ang ipinataw na 12-day suspension ng MTRCB sa nasabing Kapamilya noontime show at nag-submit na rin sila ng “motion for reconsideration”.


Pinatawan ng suspension ang Kapamilya noontime show dahil sa sumbong ng ilang netizens na nakitaan daw nila ng malisya ang ‘cake icing’ scene nina Vice at Ion sa pambatang segment ng programa.


Bukod pa ru'n, ilang beses na rin daw silang nabigyan ng warning at nagpatung-patong na rin ang mga nagawang violations ng It’s Showtime kaya humantong na ang MTRCB sa desisyong patawan na sila ng 12 days suspension.



 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | September 4, 2023


Anuman ang eksenang gawin nina Vice Ganda at Anne Curtis sa It's Showtime ay palagi itong nagte-trending sa social media.


Sa segment ng noontime show na Tawag ng Tanghalan noong Huwebes, August 31, magkasamang nagho-host ang dalawa kasama ang singer-actor na si Darren Espanto.


Matapos kasi ang performance ng unang contestant ay tinanong ito ni Vice kung ang mga awitin ba ni Gary Valenciano ang pambato nito sa mga sinasalihang singing competitions.


Umoo naman ang contestant at sinabing ginagamit din niya ang mga kanta ni Martin Nievera sa mga sinasalihang contests.


Kaya tinanong ni Vice si Darren kung ano ang paborito nitong kanta. Ang isinagot naman ni Darren ay Kahit Isang Saglit at Ikaw Ang Aking Pangarap.


Dahil du'n, mabilis na hiniritan ni Vice si Darren na mag-sample ng isa sa mga awitin ni Martin.


Matapos ang kanilang kulitan ay tinanong naman ni Darren si Anne kung ano ang paborito nitong kanta ni Gary. Kahit 'di pa siya nakakasagot ay maririnig ang sigaw ng madlang pipol na, "Sample."


Pero kitang-kita naman sa mukha ni Vice na tila hindi niya gusto ang pagsigaw ng madlang pipol na kumanta si Anne kasi tiyak na hindi ito aayawan ng aktres at pagbibigyan talaga ang hirit sa kanya.


Sumagot na nga si Anne at ang kanta ni Gary na napili niya ay Sana Maulit Muli. Makikita rin na inihahanda na niya ang boses para magsimula nang kumanta, habang maririnig naman ang side comment ni Vice.


"Ay, sus. Talagang ginawan ng paraan [na makakanta]," bulong ni Vice.


Nagsimula na ngang kantahin ni Anne ang chorus na may mataas na tono.


"Tama na, Anne! Diyos ko! Tama na! Woooh! Ang ganda-ganda na ng kantahan kanina," sey ni Vice sa pataas na boses.


Dagdag pa nito, "Ang ganda na. Nag-Darren [Espanto], nag-Martin [Nievera], nag-Gary V., nag-Erik Santos."


At dito na nga nagsimula ang 'bardagulan' ng dalawang hosts.


Tanong ni Anne kay Vice, "Bakit? Bakit mo ba laging binabasag 'yung trip ko?"


"Ayaw mong basagin namin 'yung trip mo, pero lagi mong binabasag ang eardrums namin?" hirit naman ni Vice.


"Sobra ka namang makapagsalita. Ang ganda-ganda na kaya ng boses ko. Nagpalakpakan nga 'yung madlang people, eh," pagkontra ni Anne sa sagot ni Vice at nagpalakpakan ang audience.


Subali't makahulugan ang kasunod na banat ni Vice kay Anne, na sinabihan niya na parang korupsiyon umano sa Pilipinas ang boses ni Anne.


“Diyos ko! Nagpalakpakan? 'Yung boses mo, parang korupsiyon sa Pilipinas, hindi namin gusto, nasanay na lang kami.”


Para manalo sa sagutan nila ni Vice, ginamit ni Anne ang pagkakaroon niya ng 'pretty face'.


"Kahit ano pang sabihin mo, maganda, pangit man ang boses ko para sa 'yo, the truth remains, maganda ang mukha ko."


Tila nakuha nga ni Anne ang huling halakhak dahil wala nang naisagot pa si Vice rito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page