top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | September 22, 2023


Usap-usapan sa social media ang video kung saan tinawanan lamang ni Vice Ganda ang tungkol sa kasong isinampa ng mga bumubuo sa KSMBPI (Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas, Inc.) laban sa kanila ni Ion Perez.


Sa panayam ni Von Belinario ng TV5 kay Vice na dumalo sa celebration ni Ralph Figaroa Delas Alas, ang founder ng Urban Smile Dental Clinic, ay natanong siya kaugnay sa kasong isinampa laban sa kanila ni Ion ng KSMBPI kaugnay ng icing lick of cake with their fingers. Hindi raw ito kapano-panood sa mga batang manonood.


Natawa na lamang si Vice nang marinig ang naturang tanong at aniya, nandoon daw siya para mag-enjoy, “I'm here to enjoy.”


Tila nasupalpal ang nagtanong kay Vice dahil hindi niya ito pinansin at nagbigay ng kasagutan.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | September 21, 2023


Sa mga pinaggagawa ngayon ng self-proclaimed motivational influencer na si Rendon Labador, marami na tuloy siyang natatapakang celebrities na naiinis sa kanya. Todo-puna kasi ito sa mga artista dahil palagay niya ay madaragdagan ang kanyang mga followers sa mga comments at contents na inilalabas niya sa social media.


Matatandaang nakikiusap siya sa Unkabogable Superstar na si Vice Ganda na mag-public apology kaugnay ng isang "indecent" scene sa isang episode ng Isip-Bata ng It’s Showtime, dahilan para patawan ng MTRCB ang programa ng 12-day suspension.


Pero, hindi lamang si Vice ang kanyang pinuna, maging ang aktres na si Andrea Brillantes ay sinabihan niya ng, "Salapi muna bago ang landi."


Ngayon naman, ang actor na si Baron Geisler ang nagbigay ng komento kay Rendon.


Pinayuhan niya ito na mag-focus sa kanyang mental health dahil parang hindi na raw tama ang ginagawa nito sa social media na kung saan marami na siyang idinadamay.


Matatandaan na dumaan din si Baron sa mga kontrobersiya, ngunit nalampasan niya ito at bumabalik na rin ang init ng kanyang career.


"Daming idinadamay. Sana, mag-focus siya sa mental health niya. He doesn’t look and sound right. Sana, he gets help,” mensahe ni Baron.


Tila ipinapahiwatig ng actor na wala itong kadala-dala matapos i-blocked ng Facebook ang kanyang account.


Maaalala na nitong nakaraang buwan, na-deactivate na ang Facebook page ni Rendon na may milyong followers, maging ang kanyang TikTok account ay deactivated na rin.


Nanawagan ito sa FB, pero dinedma lang siya.


Ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin na binabanatan ni Rendon ang ilang kilalang personalidad sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang Instagram Stories.


Sabi nga sa kanta ni Gary V., "Hindi na natuto."


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | September 20, 2023


Ayaw talagang tantanan ng self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador ang It's Showtime host na si Vice Ganda at panay ang banat niya rito.


Sa kanyang post sa Instagram Stories ay ibinahagi ni Rendon kung ano ang sasabihin ni Vice kung magso-sorry umano ito sa kanya.


"Tandaan mo ang password para sa katahimikan ng Pilipinas,” sabi ni Rendon sa kanyang post sa IG stories, “I'm sorry, Rendon, hindi ko na uulitin."


May hirit pa ang papansing social media personality na kung papairalin daw ni Vice ang kanyang pride ay baka mawalan ito ng show.


Sa ngayon, It's Showtime at Everybody Sing ang dalawang programa ni Vice sa ABS-CBN.


"Baka mawalan ka ng show dahil sa pride mo. Kawawa naman 'yung partner mo (Ion Perez) na umaasa lang sa 'yo, 'di ba?" pang-aasar pa ni Rendon sa kanyang social media account.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page