top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | September 30, 2023


Sa ginanap na mediacon para sa actress na si Carla Abellana, naibahagi nito na siya'y freelancer dahil wala pa siyang pinipirmahang kontrata sa kahit anong istasyon, maging sa kanyang home studio na Kapuso Network.


Dahil libre palang magtrabaho sa anumang istasyon ang aktres, naitanong sa kanya kung willing ba siyang makatrabaho si Coco Martin, ang bida at director ng Batang Quiapo.


Kaya naman ang buwelta ni Carla, "Kung bibigyan po ako ng opportunity, why not? My goodness!


I would love to be part of Batang Quiapo. Pero wala naman pong offer,” sabi ng aktres.


Bagama't wala pang network contract, nilinaw ni Carla na mananatili siyang Kapuso dahil ang nasabing network ang nagbigay sa kanya ng maraming opportunities sa showbiz.


Ang tanong, ano'ng role kaya ang babagay kay Carla sa Batang Quiapo?


Suggestion ni Jomy Capareda ng San Mateo, Rizal, "Puwede siyang maging miyembro ng sindikato or maging third wheel ng mag-asawang Ramon at Mokang,” mga roles portrayed by Christopher de Leon at Lovi Poe.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | September 28, 2023


Naging usap-usapan at mabilis na nag-viral sa social media ang post ng American singer at YouTuber na si David DiMuzio tungkol sa masayang encounter nila ng actress na si Cristine Reyes noong minsang mag-meet ang dalawa ilang taon na ang nakalilipas.


Sa caption ni David ay tila tinanong niya ang actress, "Naaalala mo pa ba? (with laughing emoji)"


Ang nakakaintriga sa naturang post ay ang background song nito na may lyrics na hango sa chorus ng kantang Naiisip Mo Ba?


"Naiisip mo pa ba ako? Naaalala mo pa ba? Mga panahon nu'ng tayo pang dalawa, kaysaya," ang lyrics ng nasabing kanta ni David.


Samantala, sa ngayon ay wala pang reaksiyon si Cristine Reyes kaugnay ng post ni David. Kung ano nga ba ang pakay nito sa paghahabol sa aktres, hindi naman sikreto sa mga netizens na karelasyon ngayon ni Cristine ang actor na si Marco Gumabao, at malamang na dededmahin na lamang niya ang paghahabol ng American singer.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | September 24, 2023


Napanood na rin ni Cristy Fermin ang usap-usapan at trending TikTok video ng Batang Quiapo star na si Ivana Alawi kung saan makikitang naglalaba ito sa isang malaking batya. Ang naturang eksena ay humakot na ng milyong views simula nang i-upload ito ng seksing aktres.


Kaya’t comment agad ng radio anchor na si Tita Cristy, “Maglaba lang nang nakabukaka, ilang milyon na ang views.”


Pinag-usapan sa online program show ni Tita Cristy kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez ang naturang content ng actress sa kanyang YouTube channel kung saan nga humakot ng milyun-milyong views ang paglalaba ni Ivana.


Bukod pa sa pagiging TikTok at YouTube sensation ng actress, ayon din kay Tita Cristy, right timing daw na pumasok si Ivana sa eksena at maging karibal ni Lovi sa puso ni Coco Martin sa seryeng Batang Quiapo, na umeere sa Kapamilya Online Live, at 8 PM, Mondays to Fridays.


Malaking challenge nga ito para kay Ivana na hindi pa sigurado noon kung magki-click ang chemistry nila ni Tanggol (played by Coco). At heto na nga, sa mga initial scenes ni Ivana sa BQ, nag-register agad ito ng 56K concurrent views sa iba’t ibang platforms, gaya ng Kapamilya Online, A2Z at TV5.


Pinatunayan ni Ivana na sinusubaybayan pa rin siya ng kanyang milyun-milyong fans, mapa-online o TV man, kaya’t wagi ang Dreamscape sa kanilang desisyon.


Sabi pa ni Tita Cristy, “Alam n’yo naman po si Ivana Alawi, maglaba lang nang nakabukaka, ilang milyon na ang views… At siya po ay bahagi ng basang panaginip ng mga kalalakihan.


“Makita lang si Ivana Alawi, eh, ang mga ibon na kumakanta-kanta, bumababa sa sanga at nakatanaw lang sa kanya,” dagdag pa niya.


Sabi nga ng iba, walang ka-effort-effort kumita nang milyones si Ivana bilang YouTuber at social media influencer. Naging daan daw sa kanyang pagsikat ang kahusayan niya sa pagpapatawa at natural na kagandahan upang makakuha ng milyun-milyong subscribers.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page