top of page
Search
  • BULGAR
  • Oct 13, 2023

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | October 13, 2023


Sa kanyang YouTube program na Showbiz Now Na! with Rommel Chika, nagbigay ng kanyang opinyon ang beteranang showbiz news anchor na si Cristy Fermin tungkol sa relasyong Vice Ganda at Ion Perez.


Umpisang kuwento ni 'Nay Cristy sa kanyang programa, marami umano ang nakakapansin sa hindi kagandahang nangyayari sa buhay ni Vice simula nang maging karelasyon niya si Ion, kabilang ang suspensiyon ng It's Showtime at ang paghina ng mga pelikula niya sa takilya.


Tila may hatid na "malas" umano si Ion sa Unkabogable Superstar.


"Meron tuloy nagsasabi ngayon na, 'Vice, hiwalayan mo na si Ion. Hindi mo ba napansin mula nang naging kayo, ang dami nang senaryo sa buhay mo na hindi kagandahan. Lagi ka nang nagiging target ng mga intriga. Lagi kang sumasabit. Baka mukhang hindi magandang ano sa 'yo si Ion'," kuwento pa ni Nanay Cristy.


Dagdag nito, knowing Vice, never nitong binibigyan ng espasyo ang mga sabi-sabi lang.


Mukhang hindi raw ito padidikta sa mga sinasabi ng ibang tao.


"Pero kung kilala natin si Vice Ganda, hindi niya bibitiwan si Ion. At para naman sa akin, bakit ka nga naman padadala sa sulsol at sa mga bulong kung ang kaligayahan mo talaga ay si Ion Perez? Maibibigay ba ng iba ang kaligayahang ibinibigay ni Ion?" sabi pa ni Fermin.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | October 03, 2023


Para sa talent manager at YouTube vlogger na si Ogie Diaz, dapat himay-himayin daw ng pamunuan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang bigat ng violations ng ilang programa para patawan ng suspension.


Kaya naman, hindi napigilan ni Ogie Diaz ang maglabas ng kanyang prangkang saloobin kaugnay sa usap-usapang issue ngayon ng MTRCB sa dalawang magkatunggaling noontime shows na E.A.T. at It's Showtime.


Sa kanyang Showbiz Online Update sa YouTube ay napag-usapan nila ang tungkol sa viral na "lubid joke" na sinabi ni Joey de Leon sa E.A.T..


Matatandaang nasabi 'yun ni Joey dahil sa tanong na anu-ano ang puwedeng isuot sa leeg.


Hindi man diretsahang sinabi ni Joey na isuot sa leeg ang lubid para magpakamatay, marami ang pumalag dito dahil waring nagbibigay nga ng suhestiyon ang TV host sa puwedeng gawin lalo na ng mga kabataang nade-depressed at dumadaan sa mental health issues at anxiety.


Samantala, naging controversial din ang pagdila nina Vice Ganda at Ion Perez sa icing ng cake sa kanilang daliri na pagpapatawa ang dating sa iba pero may "double meaning " naman daw para sa mga adult na nakaintindi ng gesture ng magdyowa.


Ayon kay Ogie, hindi ito maiwasang maipagkumpara ng ilang netizens, pero kung siya ang tatanungin, mas mabigat naman daw para sa kanya ang lubid joke kesa sa icing lick gesture.


"Ako, ah, kung tatanungin n'yo, mas mabigat 'yung lubid sa icing," pahayag ni Ogie.


Hindi man daw kasi malinaw kung ano ang ibig iparating ni Joey sa kanyang sinabi ngunit alam ng mga manonood kung ano ang ibig sabihin nito.


Matatandaang umapela ang It's Showtime para sa Motion for Reconsideration sa 12-days suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB. Pero ang tanong ng madlang pipol, bakit hanggang ngayon, wala pang inilalabas na statement ang MTRCB kaugnay ng lubid joke ni Joey?

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | October 02, 2023


Spotted sa ABS-CBN's Ball 2023 ang ilang certified Kapamilya couples na rumampa sa red carpet coverage na pinangungunahan ng reel and real life partners na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Sa puntong ito, in-acknowledge rin ng host na si Bianca Gonzalez ang good news from Star Cinema na sabi'y, "At 7:00 PM tonight (Sabado), naka-P40 M na ang A Very Good Girl, ang pelikula nina Kath at Hollywood star Dolly De Leon."


Sa pasingit na panayam ng ABS-CBN News anchor na si Gretchen Fullido sa red carpet interview, KathNiel shared what they are most grateful for sa nangyayaring tagumpay sa kanilang mga career.


Pahayag ni Daniel, "Ako siyempre, lahat tayo na nandito ngayon, this is very nice and this is very good for ABS-CBN and siyempre, ang pagkikita nating lahat."


Ayon naman kay Kathryn, "I'm grateful for a lot of things especially for family and for my friends, sobra ko silang na-appreciate. And of course, for work as well, work is good. I am happy for Philippine cinema as well, so ang dami nating dapat i-celebrate at ipagpasalamat na may trabaho tayo."


Ang taong ito ng 2023 ay kauna-unahang ABS-CBN Ball since pandemic, kaya't in full force ang attendance ng Kapamilya stars.


Also, this year's ABS-CBN theme ay "forever grateful" as the media giant celebrates its successes following the challenges brought by the shutdown and the pandemic.


The funds raised from the ball are dedicated to supporting the ABS-CBN Foundation.


The unwavering commitment to helping those in need is at the heart of ABS-CBN's mission.


Bukod kina Daniel at Kathryn, narito ang listahan ng ilang showbiz couples who graced this year's ABS-CBN Ball: Coco Martin at Julia Montes, Vice Ganda at Ion Perez, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Elisse Joson at McCoy de Leon, Luis Manzano at Jessy Mendiola, Carlo Aquino at Charlie Dizon, Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Chie Filomeno at Jake Cuenca, Gerald Anderson at Julia Barretto, Maja Salvador at Rambo Nuñez, Rico Blanco at Maris Racal, Kaye Abad at Paul Jake Castillo, Anthony Pangilinan at Maricel Laxa-Pangilinan, Ria Atayde at Zanjoe Marudo, Jericho Rosales at Kim Jones, Iza Calzado at Ben Wintle, Loisa Andalio-Ronnie Alonte, Donny Pangilinan at Belle Mariano and Seth Fedelin at Francine Diaz.


Samantala, may mga fans na naghanap kay Xian Lim sa ABS-CBN Ball 2023. Bakit daw solong dumating si Kim? Hindi ba invited si Xian since nasa kabilang channel na ito?


May taga-showbiz na nag-comment, "Eh, kasi nga, 'di ba, 'Forever Grateful' ang theme ng ABS-CBN Ball, eh, siguro nahiya si Xian."


'Yun na!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page