top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | November 9, 2023



Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, nakapanayam nito ang dating komedyante na naging konsehal sa District 2 ng Quezon City, si Roderick Paulate.


Sa umpisa ng panayam, iginiit ni Dick na wala sa kanyang pangarap na maging public servant.


Bata pa lamang daw siya'y pangarap na nitong umarte. Hanggang sa naging child actor si Roderick at pinasok na nga rin ang hostings at nagkaroon ng sariling show, ang Dick and Carmi.


Nagpatuloy ang kanyang kasikatan hanggang sa makilala siya bilang magaling na aktor. Nakasama niya sa mga pelikula si Maricel Soriano, ang kanyang itinuturing na "inay" at best friend.


Sa rurok ng kanyang kasikatan, may ilang kaibigan na inalok siyang maging public servant. Kasi raw, iba ang tawag ng pagtulong sa kapwa, kaya't naengganyo siyang subukan ito.


Hanggang sa nahalal siyang konsehal ng Quezon City for three terms at dito na siya nagpaka-busy.


Pansamantala niyang tinalikuran ang showbiz.


Lingid sa kanyang kaalaman, ang pagpasok niya sa serbisyo publiko ang magiging daan para madungisan ang kanyang pangalan nang isangkot siya sa kaso ng pagpapasuweldo sa mga ghost employees.


Sabi ni Roderick, wala pang pinal na desisyon dahil nakaapela pa sila sa Court of Appeals.


Sa panayam ni Ogie, sabi ni Dick, "Hindi ko puwedeng dungisan ang pangalan ko. Alam ng Diyos 'yan," makahulugan nitong sabi.


Kinuha na rin nito ang pagkakataon para magpaliwanag sa isyu na diumano'y nakulong siya.


"Nagko-comment 'yung mga tao, 'Akala ko, nakakulong 'yan?'" tanong ni Ogie kay Dick.


Pinabulaanan ng komedyante na siya'y nakakulong.


"Once and for all, hindi po ako nakulong. Minsan, lagyan ko na lang kunyari 'yung, 'Di ba, nakakulong siya?' lagyan ko na lang ng naka-ganu'n [demonstrates mouth-open emoji], kasi kung sasagot pa ako, baka humaba," paliwanag niya.


"'Yung iba naman, nilalagyan ko na lang ng heart... parang ganu'n na lang. Wala na tayong magagawa, eh, hindi naman lahat nakakaintindi," dagdag pa niya.


Hindi raw niya magagawa ang pelikula nila ni Maricel, ang In His Mother's Eyes kung siya'y nakakulong.


Hindi man pinalad na makasama ang In His Mother's Eyes sa mga entries sa darating na MMFF 2023 sa December 25, mas maaga namang ipapalabas sa mga sinehan ang pelikula at 'di ito dapat palagpasin.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | November 7, 2023



Nakantiyawan man si Kim Chiu na manlibre ng dinner sa kanyang It's Showtime family, tiyak na hindi naman ito ikababawas ng kanyang milyones na kinikita dahil sa sunud-sunod nitong proyekto sa ABS-CBN.


Nariyan ang numero-unong serye na Linlang na laging trending ang bawat episode, bukod pa nga sa It’s Showtime.


Kaya naman kahit napasubo, ibinahagi ng Kapamilya star sa kanyang vlog ang halagang P100 K na kanyang nagastos sa isang resto na kanilang kinainan after ng kanilang masayang bakasyon kamakailan sa Hong Kong.


Matapos silang mag-dinner, ipinakita ni Kim kung magkano ang kanilang bill na umabot sa P100 K.


"Ipapa-frame ko po ito. Nabutasan po tayo ng P100K," biro ni Kim.


Nagbiro naman si Vice Ganda at aniya, parang nag-debut lang daw ang Linlang star.


Sa kabila ng malaki nilang bill ay sinabi ni Kim na worth it naman daw ito.


“As the saying goes, family is not defined only by its last name or by blood. It is defined by commitment and by love. It means showing up when needed most. It means having each other’s back. It means choosing to love each other. Even on those days when you struggle to like each other. It means never giving up on each other,” sabi ni Kim.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | November 3, 2023



Nakakatanggap ng sari-saring batikos ang ama ni Ricci Rivero na si Paolo Rivero dahil umano sa pangungunsinti nito sa hiwalayan ng anak at ng ex-GF nito na si Andrea Brillantes.


Sey ng ilang netizens kay Paolo, nakikisawsaw daw ito sa isyu ng dalawa at ginagamit pa ang pangalan ng Diyos sa kanyang mga posts.


Sinagot ni Ricci ang mga bashers ng ama base sa kanyang Facebook post noong October 29, 2023.


Sa comments section, lumantad ang ama ni Ricci na si Paolo para sagutin ang mga bashers.


Sey nito, "The reason why we always ask God for guidance and blessings is because we know we are on the right side.


"Really, time is the ultimate truth teller. Time will come we will know who's lying and who's not.


"We may be outnumbered now but I truly believe that if God is with you, who can be against you?"


Paliwanag ng netizen, kaya naman daw inulan ng batikos si Ricci ay dahil sa ipinangalandakan pa raw ng basketball player na si Andrea ang nagpupunta sa tinitirhang condo niya at pilit na nakikipagbalikan ang aktres subali't tinanggihan na ito.


Payo ng ilan, hinarap at humingi na lang sana ng dispensa si Ricci nang maayos kung mayroon man itong maling nagawa sa ex-girlfriend.


Sabi pa ng netizen, hindi maiiwasang madawit sa isyu ang bagong girlfriend ni Ricci na si Leren Bautista dahil ito ang sumunod na opisyal na nakarelasyon ni Ricci matapos ni Andrea.


May paliwanag naman si Paolo kung bakit nagpasya ang anak na magsalita sa publiko tungkol sa breakup nila ni Andrea.


Pahayag ni Paolo, "After all the accusations they've thrown to him asking him to explain his side and tell the truth, now that we're all talking, mali pa rin?


"They all made up the stories to make him look very bad, laundry, gamit sa condo, cheater, he is after her popularity, user, wishing him dead, wishing us all to go to hell, messaging us on our private number, do you think after all this time, we're just gonna take this sitting down?


"Anak namin 'yan. Kayo na hindi ninyo sila kilala personally and you think you have the right to tell us what to do and not to do, ok lang kayo?"


Pati raw ang kapatid ni Ricci ay nakararanas ng pambabatikos dahil sa isyu.


"’Yung stress na inabot ng family namin because of those lies and make-up stories hanggang sa bunsong anak namin na nabu-bully sa school dahil iniidolo ng karamihan ‘yung isa and you think, dapat manahimik kami and not tell what really happened?


"Wow! Gusto n’yong magsabi nang totoo and when he starts talking and hindi n’yo gusto ‘yung mga sinabi niya, mali pa rin siya?


"Dapat ‘yung kuwento nu’ng isa, ‘yun ang tama at ‘yun din dapat ang sabihin niya? You can say whatever you want but the truth remains that God knows what really happened and TIME WILL REALLY BE THE ULTIMATE TRUTH TELLER.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page