top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | November 27, 2023



Tila may namumuong giyera sa pagitan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda at sa beteranang kolumnista at showbiz anchor na si Cristy Fermin.


Nag-umpisa ang patutsadahan ng dalawa matapos magbiro si Vice sa isang It’s Showtime contestant na may pangalang "Cristy".


Ani rito ni Vice, "Kumusta ka, Cristy? Ano’ng pinagkakaabalahan mo bukod sa paggawa ng kasinungalingan?"


Hindi lingid sa lahat na matagal nang dinededma ni Vice ang mga patutsada ng beteranang kolumnista na nag-ugat sa "icing lick incident" sa kanilang programa kasama ang "asawang" si Ion Perez.


Ang nasabing eksena ay naging dahilan para patawan ng MTRCB ng 12-day suspension ang programa na nagsimula nitong Oktubre 14 hanggang Oktubre 26.


May espekulasyon umano si Fermin na si Ion ang "malas" sa kanyang buhay at career, simula nang sila’y magpakasal sa US.


Sa kanyang show na Cristy Ferminute, binanatan muli ni Cristy ang Unkabogable Star at tinawag niya ito na umano’y hindi tunay na babae at nagpapanggap lamang.


“Vice Ganda, hindi ka tunay na babae. Lalaki ka! Nagpapanggap ka lang na babae. Kapag ikaw ay bumibiyahe sa isang mahabang kalye, tinawag ka ng kalikasan, bababa ka sa sasakyan, hahanap ka ng puno, at doon ka dyi-jingle. May mga dadaan na mga tao, at ano ang colloquial na biro ng mga tao na nakakakita ng mga umiihi? ‘Hoy, humarap ka! ‘Wag kang tumalikod, traydor ka!’ ‘Yun ang isisigaw sa iyo!” sabi ni Fermin kay Vice.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | November 17, 2023



Prangkang inamin ng komedyana at bida ng Ma'am Chief na si Melai Cantiveros na umano'y pinagseselosan niya ang FPJ's Batang Quiapo star na si Ivana Alawi.


Ini-reveal ito ni Melai nang mag-guest ang kanyang asawang si Jason Francisco sa morning talk show ng Kapamilya Network na Magandang Buhay nito lamang November 15.


"Masaya ako 'pag si Mamshie Reg (Regine Velasquez) pero 'pag ibang babae, si Ivana kasi...


Mamshie Reg, updated kasi sa bagong post ni Ivana," kuwento ni Melai sa naturang episode.


"Tingnan mo 'yung bagong post ni Ivana, alam mo ang sabi niya (Jason), 'Nakita ko na 'yan.' Huh?" hirit pa ni Melai.


Nagpaliwanag naman si Jason at aniya, lagi raw trending ang mga posts ni Ivana kaya lagi niya itong nakikita.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | November 16, 2023



Marami ang nagulat sa pambihirang rebelasyon ng isa sa mga dating miyembro ng grupong Gwapings na si Eric Fructuoso tungkol sa kanyang nakaraang relasyon.


Sa guesting ni Eric sa programang Sarap Diva ni Carmina Villarroel, tinanong ng host kung naging karelasyon ba nito si Toni Gonzaga noong panahong single pa ang actor.


Inamin ni Eric na naging girlfriend niya si Toni noon at inabot nang tatlong taon ang kanilang naging relasyon. Pero hindi na idinetalye ni Eric ang rason ng kanilang paghihiwalay.


Kahit si Carmina ay 'di makapaniwalang nagkaroon ng relasyon sina Eric at Toni dati.

Naging asawa ni Toni si Direk Paul Soriano at mayroon silang dalawang anak. Habang si Eric nama'y may kinakasamang non-showbiz girl at meron din silang anak.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page