top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 2, 2024



Matatandaan nitong nakaraang linggo habang ongoing ang pagpapagamot niya sa isang hospital sa USA, hindi nakaligtaan ni Kris Aquino na mag-reply sa message sa kanya ni Carla Abellana na praying for Kris' recovery.


Subali't nakakaaliw ang buntot na mensahe ni Kris kay Carla dahil may kilala raw siyang doktor sa hospital na gusto niyang ireto sa Kapuso actress. Hindi binanggit kung Pinoy ang doktor o American, basta't kilala raw niya ito na single at mabait.


Nag-react si Carla sa komento ni Kris tungkol sa doktor na kung okay lang sa kanya, 'pag na-grant na raw ang kanyang annulment.


Sa report ng GMA News ay inamin ni Carla na flattered siya dahil sa kabila ng karamdaman ngayon ni Kris ay naiisip pa umano siya nito.


“I find it amusing and at the same time, nakaka-flatter kasi naiisip niya pa ako," sabi ni Carla. 


"May ganoong nirereto siya, may suggestion siyang ganu'n. Okay naman.


Nakakatuwa!” ani Carla. 


Para kay Carla, isa raw itong compliment  dahil despite ng pinagdaraanan ni Kris, nakuha pa niyang ireto ang aktres sa iba. 


“In a way, compliment pa nga ‘yun. Parang magandang gesture coming from her na meron siyang naiisip para sa akin.”


Ngunit ayon kay Carla, hindi pa siya handang makipagrelasyon sa ngayon.


“Medyo mahirap iyon kasi all the way sa US, medyo natatakot pa po ako. 


“Not that I don’t want to take her offer or not that I don’t trust her, pero sa ngayon, parang tatawanan ko na lang muna. Hindi ko muna ie-explore 'yun,” sabi ni Carla.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | January 30, 2024



Matatandaang sa mga nakaraang posts ni Kris Aquino, ikinuwento nito ang kanyang pinagdaraanan sa bago nitong karamdaman bukod sa autoimmune disease. 


Marami ang nagbigay ng kanilang dasal sa TV host at isa na rito ang public figure-fashion stylist na si Patty Yap.


"Get well soon po," sabi ni Yap sa kanyang komento. 


Nang makita ni Kris ang kanyang komento ay ni-recommend nito ang kanyang mga anak na sina Bimby at Josh para sa trabaho. Para raw makatulong sa kanyang gastusin sa pagpapaospital.


"@pattyyap Patty, Bimb can model for your line as well as Kuya Josh (he’s already lost 60 lbs)… do you realize we’ve known each other for 16 years? Because Bimb was a toddler when Alexa would knock on our door to ask if he could play. Next time you’re here, please visit?" sabi ni Kris. 


Parang ayaw namang maniwala ng mga netizens sa sinabi ni Kris na kailangang magtrabaho ni Bimby para sa pagpapagamot niya.


Kung ‘di kami nagkakamali, si Kris ang laging highest taxpayer noon ng BIR at proud siya rito. Meaning, ganu’n siya kalakas kumita noon at for sure, nakapag-save na siya nang sobra-sobra sa ilang taon niyang pamamayagpag bilang No. 1 endorser at TV host.


Bukod pa siyempre riyan ang pagiging haciendera niya na minana nilang magkakapatid sa kanilang mga magulang. 


Baka naman gusto lang ni Kris na sumikat din si Bimby tulad niya at hindi dahil kailangan nitong kumita?

 

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | January 27, 2024



Maraming na-shocked sa latest photo na ipinost ni Kathryn Bernardo kung saa'y naka-bikini ang Asia's Superstar. Kuha ito sa isang beach resort habang kasama ang ilang true friends sa panahong nagpapalipas ito ng mga pinagdaanang 'di magaganda sa kanyang buhay-pag-ibig.


Kung may mga natuwa na nagpapa-sexy na si Kathryn, merong nagbubunyi at meron ding kontra. 


Kontra ang ilan dahil may magandang imahe ang aktres sa mga fans, lalo na't brokenhearted ito sa ngayon at halos 90 percent ng mga KathNiel ay kampi sa kanya. 


Nakapagbigay tuloy ng kanyang advice ang radio anchor at dating kolumnistang si Cristy  Fermin kay Kathryn, "Hindi naman natin masasabing nagwawalwal si Kathryn, pero piliin, anak. Piliin ang dapat ipakita sa publiko, para hindi ka nakakatanggap ng mga negatibong pahayag at komento."


May punto si Tita Cristy, ang mga paseksing larawan ay para lamang daw sana sa kanyang pribadong gamit. "For Your Eyes Only" nga lamang dapat. 


"'Yung kay Kathryn Bernardo, hindi kagandahan, ano? Hindi kagandahan itong mga huling nababasa natin, nasusulat, at saka 'yung mga komentong tinatanggap niya," pansin nito kay Kathryn sa latest episode ng kanyang show na Showbiz Now Na!.


"Salungat din ito sa kasabihang, 'If you have it, flaunt it!' Pero sana, sa takdang panahon dahil siya'y nursing a broken heart at ang intindi ng iba'y tinatakam lamang nito ang kanyang ex na si Daniel Padilla." 


Aniya pa kay Kathryn, "May mga 'di nakakaunawa kay Kathryn ngayon dahil sabi nga natin, ngayon pa lang niya sinasamantala ang panahon para siya ay makapaglibang at mapatunayan at maranasan ang pagiging babaeng malaya," pagtatapos ni Tita Cristy.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page