top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 5, 2024



 

Sa nakaraang episode ng Cristy Per Minute, napag-usapan ng showbiz columnist na si Tita Cristy Fermin at co-host na si Romel Chika ang pagtanggi ni Janine Gutierrez sa role ni Juliana sa teleseryeng Linlang na napunta kay Kim Chiu.  


Sino nga ba ang mag-aakalang pumatok ito sa mga viewers at naging hit serye pa ito?


Totoo man o hindi, masasabing mas sumikat at napag-usapan si Kim dahil sa Linlang.


Mistulang nananahimik naman ang career ni Janine dahil pagkatapos ng Dirty Linen, pahinga muna ang actress.                                                                  

                        

Sabi nga ng mga netizens, Janine's loss is Kim's gain. Naging pasaporte rin ito ni Kim para siya ang kuning bida sa Pinoy adaptation ng Korean series na What's Wrong with Secretary Kim.


Naging usap-usapan din sa social media ang chikang nabanggit para kainsekyuran ni Janine ang It's Showtime host. 


Ayon sa ilang source, at ayon na rin sa topic na pinag-usapan sa Cristy Per Minute, kinakausap umano ni Janine ang ilang production staff ng Sunday's longest variety show na ASAP na huwag silang pagsabayin ni Kim sa ASAP stage.


Bukod umano sa insecurities ni Janine kay Kim, isa pang isyu ay ang chismis na tila sinasalo raw ni Kim ang mga dapat ay kay Janine. 


Although hindi pa confirmed na mag-on na sina Kim at Paulo Avelino, pero kitang-kita ng mga viewers ang ka-sweet-an ng dalawa on and off cam nu’ng mag-guest sa programang It's Showtime si Paulo weeks ago. 


Part man ‘yun ng promo ng What's Wrong with Secretary Kim?, wala raw 'wrong' with Kim at Paulo na maging couple dahil parehong single ang dalawa.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 28, 2024



 

Ipinagdiwang ng Asia's Superstar na si Kathryn Bernardo nu’ng March 26 ang kanyang 28th birthday at ilan sa mga ka-close niyang artista gaya nina Alden Richards at Jericho Rosales ay kasama rin sa mga dumalo sa kanyang kaarawan. 


Makikita rin sina Dominic Roque, Kakai Bautista, Maymay Entrata at Lovely Abella na itinuturing niyang mga katropa sa showbiz.


Kaya naman, maraming netizens ang natuwa dahil despite na she's nursing a broken heart (sa ex-BF na si Daniel Padilla), makikita si Kathryn na enjoy na enjoy sa kanyang birthday celebration kasama ang mga totoong kaibigan niya sa industriya.                                                                                                                                  



 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 25, 2024



 

Napansin ng ilang netizens ang hindi pagpunta ng Kapamilya actor na si Albie Casiño sa lamay ng yumaong beteranang actress na si Jaclyn Jose.


Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan ng actor at ng anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann matapos pagdudahang si Albie ang tatay ng unang anak ni Andi na si Ellie. 


Humantong pa ito sa pagpapa-DNA test pero sa huli, lumabas ding si Jake Ejercito pala ang ama ng ipinagbubuntis noon ni Andi. 


Apektado ang career ni Albie dahil tinanggal siya ng Star Magic sa isang series, kung saa'y sila ni Kathryn Bernardo sana ang ibini-build-up ng network for a love  team until mapunta ang role kay Daniel Padilla, and the rest is history, sabi nga.


Nasaktan ang young actor noon hanggang nagpa-release siya sa Star Magic at pansamantalang nag-isolate sa showbiz.


Sa isang panayam kay Albie, tahasang inamin ng actor na naka-move on na siya sa nangyari  sa kanyang buhay at nakalimutan na niya ang lahat ng masalimuot na pangyayaring kaugnay nu’n kaya naman nasabi niyang hindi raw siya apektado sa pagpanaw ng beteranang actress.


Dahil sa nangyari, aminado si Albie na hindi pa rin limot ng mga taga-showbiz ang dating kontrobersiya, kaya't paliwanag niya, “Unang-una, I just want to say rest in peace, Ms. Jane, saka condolences sa mga taong nagmamahal sa kanya. Pero like hindi naman ako apektado doon. My presence will not be welcome there, so bakit ako makikiramay?” sabi ni Albie. 


Nahuhulaan na niya na pagtataasan ng mga kilay ang presence niya ‘pag siya'y nagpunta lalo na sa mga kaanak ng namatay na actress. Pagpipiyestahan din ng media ang presence niya roon especially kung magpang-abot sila sa lamay ng kapwa Kapamilya actor na si Jake Ejercito.

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page