top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 20, 2024



 

Dahil on its last episode na ang Kapamilya hit seryeng Can't Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, lumutang ang balitang nanliligaw umano ang aktor sa Asia's Superstar na si Kathryn Bernardo. 


Sa vlog ni Ogie Diaz noong April 14, 2024, nauna niyang tinalakay ang isyung nanliligaw sina Alden Richards at Jericho Rosales  kay Kathryn.


Pero nitong April 16, naglabas din si Ogie ng blind item tungkol sa isang "young actor" na sumubok ding manligaw kay Kathryn na tila bawal pa noon magsalita ang subject dahil ongoing pa ang serye nito sa kalabtim.


Ayon kay Ogie, naudlot ito sa ‘di malamang dahilan. Una, tila ang Can't Buy Me Love ang dahilan kaya't urong-sulong pa sa panliligaw ang kalabtim ni Belle at bawal sa actor na magsalita tungkol dito.


Mabilis namang nahulaan ng mga fans na si Donny ang tinutukoy ni Ogie na young actor na nagkagusto rin kay Kathryn. 


Ayon pa kasi sa ibang sources, imbitado dapat si Donny sa 28th birthday ni Kathryn sa El Nido, Palawan last May 28, pero dahil baka nga magkaroon ng isyu, minabuti na lang ng aktor na 'wag dumalo.


Napag-alaman naman ng PEP.ph mula sa third source (five sources daw lahat) na nanliligaw din si Donny kay Kathryn.


May "K" daw na manligaw si Donny kahit kanino dahil single ito at walang inaaming karelasyon ngayon kahit may kalabtim sa network. 


Nagtanong pa nga raw ang PEP.ph sa fourth source at nasabi nitong single nga si Donny. 


Nang balikan ng PEP.ph si first source, kinumpirma naman na sumubok manligaw si Donny kay Kathryn, pero huminto rin kinalaunan.


Walang sinabing dahilan si first source kung bakit naudlot ang pagporma ni Donny kay Kathryn, subali't ayon sa tsika, mahigpit na ipinagbabawal sa aktor na humiwalay sa kanilang DonBelle tandem ni Belle.


Sa dami ng nauugnay kay Kathryn, tila "matira ang matibay" ang labanan.


Sa kampo naman ni Kathryn, wala pa silang opisyal na pahayag sa pagkakaugnay sa kanya nina Alden, Jericho at Donny.


Ang sabi naman ng fifth source ng PEP.ph, hindi pa nakakasiguro ang sinumang nanliligaw kay Kathryn kung handa na ba ang dalaga na pumasok uli sa bagong relasyon. Nasabi kasi noon ng actress sa nakaraan nitong panayam na ine-enjoy muna nito ang pagiging free at single.


Isang taong malapit sa pamilya ni Kathryn ang sumang-ayon daw sa obserbasyon ng ilang showbiz insiders na baka naghihilom pa si Kathryn sa breakup nito kay Daniel Padilla.


Kung matutuloy ang KathDon love team, labis itong ikagagalak at susuportahan ng mga Kathryn fans dahil magkakasama sa wakas ang two top moneymakers ng ABS-CBN at Star Cinema.


Ayon sa mga fans, "Sana, sumang-ayon ang Star Cinema. Today, Kathryn and Donny are considered ‘Mine of Gold,’ ng showbiz."


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 12, 2024



 

Saglit na nahinto ang teyping ng Batang Quiapo kung saa'y kasama sa eksena sina Niño Muhlach, Ivana Alawi at Niko Natividad. 


Isinugod sa ospital ang dating Child Wonder dahil kumikirot ang ilong na tinubuan ng taghiyawat.


Sa kanyang Facebook live nito lamang Miyerkules (April 10) ay ibinahagi ng actor na sobrang sakit umano ang nararamdaman ng kanyang ilong dahil sa tumutubong pimple. 


Nagpaalam na raw siya sa taping ng Batang Quiapo dahil hindi na raw siya makaarte nang maayos sa sobrang sakit. 


Kitang-kita sa kanyang live video na siya'y sakay ng kanyang kotse na nakasunod sa ambulance na pag-aari ng production team. 


Bakit nga ba hindi siya sumakay sa ambulansiya?


"Ayoko. Nabalitaan ko, maraming namatay sa ambulansiyang 'yun," biro pa ni Niño.


Panay naman ang daing niya habang itinatakbo sa ospital. 


“Sobrang sakit na ng ilong ko. May taghiyawat sa loob, ayan, namamaga na po.


“Wala na, sobrang sakit talaga. Hindi ko na kayang mag-dialogue tsaka hindi na ako makaarte nang maayos,” dagdag niya. 


Matapos ang gamutan ay bumalik din naman agad si Niño sa taping.


"Guys, nakabalik na po ako dito sa shooting namin ng BQ (Batang Quiapo). Thank you po, Dra. Ortiz & Paul Ed Ortiz of Ortiz skin clinic," pasasalamat ni Niño Muhlach.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 11, 2024



 

Nitong nakaraang Sunday, April 7, ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang isang photo collage kasama ang kanyang fur baby. Maraming showbiz friends ng actress ang nag-comment especially ang nali-link sa kanyang si Jericho Rosales, na kamakailan lamang ay naging bisita ni Kathryn sa kanyang ika-28th birthday sa El Nido, Palawan.


Agad na nag-viral ang reaction ni Jericho sa post ni Kathryn na ang nakalagay sa caption ay: "My bb."


Umabot sa 1,026,680 likes ang naturang post ni Kathryn, pagpapatunay na siya pa rin ang most followed celebrity sa social media.


"Oh my gahd," sabi ni Jericho sa kanyang comment. 


Hinihintay naman ng mga maka-Alden Richards kung magko-comment din ang aktor sa post ni Kathryn but so far, wala pang comment ang Pambansang Bae.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page