top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 25, 2024



 

FEELING ng comedian-host na si Ogie Diaz, hindi pa 100 percent happy si Vice Ganda sa pagtungtong sa GMA Network dahil kay Jessica Soho.


Sa isang video post na aming napanood, sinubukang tawagan mismo ng It's Showtime host ang GMA news anchor subali't nabigo itong mag-sorry sa huli. 


Ayon sa kuwento ni Vice, tinawagan niya si Jessica thru his phone at suwerteng sinagot siya nito. Kaya lang, sinabi nito na she cannot accommodate him at that time at susubukan na lang daw siyang tawagan in 30 minutes or anytime of the day. Kaso, dinedma na siya ni Jessica.


Kaya't sa Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz ay natalakay nila ang tungkol sa ilang netizens na binalikan ang issue noon nina Vice at Jessica.


Nag-umpisa ang alitan ng dalawa noong ginawang joke ni Vice si Jessica sa kanyang concert noong 2013 kung saan sinabi niya na kung magiging bold star sa pelikula si Jessica ay kailangang sa eksenang “gang rape”.


Sabi ni Vice, “Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-b**d. Kailangan gang r**e lagi. Sasabihin ng rapist, ‘Ipasa ang lechon.’ Sasabihin naman ni Jessica, ‘Eh, nasaan ‘yung apple?’”


Humihingi na si Vice ng sorry kay Jessica, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nagbigay ng pahayag ang Kapuso broadcaster kung napatawad na ba niya ang komedyante.


Kaya sa vlog ni Ogie, sabi niya, “Feeling ko, para maging buo, as in 100 percent ‘yung happiness ni Vice sa kanyang pagtungtong sa GMA, ‘yan na lang ang kulang, ‘yung kapatawaran ni Jessica Soho sa kanya at ‘yung pagsisimula ng kanilang friendship kung mabibigyan ng pagkakataon."

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 25, 2024



 

Hindi ikinakaila ni Vice Ganda ang journey ng kanyang buhay mula sa pagtawag sa kanyang 'Totoy' nu'ng siya'y bata pa at pagiging pakalat-kalat sa mga kalye ng Kamaynilaan hanggang sa  nagsimulang hubugin ang kanyang buhay mula sa lansangan ng Blumentritt, Sta. Cruz sa Maynila. 


May kakambal na suwerte si Totoy dahil naramdaman at natuklasan niyang meron pala siyang talento sa pagpapatawa at pagkanta na inumpisahan niyang linangin sa mga comedy bars gaya ng PunchLine, Laffline at iba pang entertainment bars sa Kamaynilaan.


From being a comedy bar host, masasabi ngang itinadhana ang masuwerteng landas ni Vice nang magsimula siyang makilala as comedian-host ng It's Showtime 14 years ago. Hindi man siya kagandahan dati, tanggap ng madlang pipol ang kanyang kakaibang style ng comedy.


Sa mga nakasubaybay dati sa mga pinagdaanang buhay ni Vice, tila isang himala kung bakit malayung-malayo na ang hitsura nito noon sa ngayon. Para na siyang “prinsesa” sa ganda.


Kaya't looking back, proud na ibinida ng Unkabogable Star at It's Showtime host ang kanyang biggest transformation. 


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Vice ang dati niyang video nu'ng nagsisimula pa lamang siya sa industriya kumpara sa kanyang hitsura sa ngayon.


With background music na Magasin ng Eraserheads, kitang-kita ang mala-reynang ganda ng dating batang-lansangan noon. 


Hirit niya sa kanyang caption:“GANDANG 'di mo inakala! Ganunyon!” 


Well, sa dami na ng pera ni Vice ngayon, 'di pa ba siya magmumukhang-diyosa?


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | April 21, 2024



 

Excited naman ang actor na si Jericho Rosales sa kanyang comeback project sa ABS-CBN.  Isang teleserye at bida role ang nakatakdang gawin ni Echo (palayaw ng actor) pero hindi pa sinasabi kung sino ang kanyang makakapareha at kung sinu-sino ang members ng cast.


Sa panayam kay Echo ng ABS-CBN News, ibinahagi niya kung bakit tinanggap ang proyekto pagkatapos ng anim na taon. 


“I'm very excited, sobrang tagal ko nang 'di nakabalik sa ABS-CBN  and it's nice to be back.” sey ng Kapamilya heartthrob.


Aniya, it's an offer that's hard to refuse.


“It's really a good project. For me, timing is everything and it's the perfect project, something that aligns sa goals ko for my film career, TV and streaming .The story is good," paulit-ulit niyang sabi.


Bukod sa nabanggit na teleserye, may inihahanda rin daw na malaking film project ang Star Cinema.


“I'm really happy with this energy now that I'm back in front of the camera, announcing stuff that I've been working on,” ani Echo.


Hanggang sa ngayon, napamahal na rin si Echo sa mga fans na sumuporta sa kanya dati  gaya ng hit seryeng Pangako Sa 'Yo with Kristine Hermosa, Sana'y Wala Nang Wakas, The Legal Wife, at Halik, ang huli niyang teleserye sa ABS nu'ng 2018.


Dahil sa bitin nitong pahayag, nag-a-assume ang mga fans na si Kathryn Bernardo nga ang kanyang makakapareha sa nasabing proyekto. 


Hindi kaya ito ang kanyang deal sa kanyang pagbabalik-Kapamilya — ang makasama ang Asia's Box Office Superstar?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page